抖阴社区

                                    

“Sino ba yan?” tanong nya habang hindi ko nakikita ang mukha nya.

“Isa akong kaluluwang gumagala dito sa school kaya pakawalan nyo na ako.” Binago ko yung boses ko na tunog matanda.

Narinig ko namang nagtawanan yung dalawang nakahawak sa’kin.

“Ano ba kayo! Pati ba naman multo pinapatulan nyo na. Mga gunggong!” sigaw nung Zak.

Naniwala ba sya sa sinabi ko? Eh kahit ata elementary student hindi bibilhin yung sinabi kong yun eh. May multo bang nahahawakan? Sang planeta ba ‘to galing?

Eh bakit pinoproblema ko pa yun. Mabuti nga naniwala sya. Makakaalis na ako.

“Kung saan-saan kasi sumusulpot ‘tong multong ‘to eh. Magugulat ka kapag nakita mo kung sino ‘to.” Tumatawang sabi nung nakahawak sa’kin.

“Mga siraulo ba kayo! Sino bang hindi magugulat sa multo!” sumisigaw sya dahil lang dun? ANo bang klaseng utak meron ‘tong lalaking ‘to.

“Miss sige na. Humarap ka na.”

“Hindi ako miss. Mister ako.” Nagboses lalaki ako.

“San nyo ba napulot yan? Itapon nyo na nga. Nakakaubos ng oras.” Nakita ko yung paa nung nasa harapa ko na tumalikod na.

Napangiti naman ako. Mukhang effective yung mga sinabi ko ah. Buti na lang mahina ang ulo nya.

“Okay. Eh di bibitawan na namin sya. Akala kasi namin gusto mong mag-hi sa kanya after nung kissing scene nyo sa mall.” Biglang bumitaw sila sa braso ko at napaupo ako sa ground.

Aray lang. Hindi ako prepared sa pagkakabitaw nila. Papatayo na ako ng pagtingin ko sa unahan ko.

O.O Black leather shoes. Dahan-dahan kong inangat yung ulo ko para tingnan kung sino yung nakatayo.

Nanlaki yung mga mata nya nung nakita nya ako.

“Hello.” Pilit na ngiti tapos nag peace sign ako. (^_^)v

“Ikaw!” sumigaw sya.

“Nakita namin syang nakaupo dun sa sulok. Nakita nya tayo Zak. Paano na yan.” Napakamot sa ulo yung isang lalaki.

“Hindi naman ako magsusumbong. Promise. Cross my heart. Mamatay ka man!” sabi ko kay Zak.

“Ano?! Aba’t –” hinambaan nya ako ng suntok.

“I mean mamatay man ako! Ano ba napakainitin ng ulo mo parang nagkamali lang!” tumayo ako at pinagpag yung uniform ko. “Aalis na nga ko!” tumalikod ako pero nahawan nya yung braso ko.

“And where do you think you’re going?” ang sakit ng pagkakahawak ni Zak sa’kin.

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon