抖阴社区

Chapter 20

854 23 8
                                    

"I'd stop anyone from taking that smile from you. I would, if I were allowed."

― ,Mellisa Marr, Ink Exchange

-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-

ADDISON

HINDI ko pa man nauunawaan lahat ng sinabi sakin ni Kurt at eto na naman si Luke may bagong kasinungalingan na namang ginagawa.

Kaya naman ng mag paalam sa kanya yun Babe Cristobal na yon dinala nya na ko sa kusina at dun ko piningot ang tenga nya.

Pero sya parang natutuwa pa at wala lang pakielam sa mga pinagsasabi nya kanina. Kaya naman sa sobrang asar ko iniwan ko sya sa kusina pero nahabol nya pa rin ako.

Kumain kami ng pasta na niluto nya at halos patapos na sya sa kinakain nya ng magsalita ako na ikinagulat nya.

Tinanong ko sya kung bakit hindi nya ko nilapitan pero paulit ulit lang din ang sinasabi nya kaya naman napasigaw na ko dahil sa ayaw nya pa rin aminin sa'kin yun totoo.

"Nothing. Nagpunta ko dun para kamustahin ka sana. Pero wala ka.. kaya.. kaya umalis na din ako." bulong nyang sagot sakin na nakayuko pa.

Wala ba talaga syang balak sabihin sakin ang totoo?

"Nothing? Seriously Luke? Hanggang kailan ka magsi-sinungaling sakin?" I don't know. Pero naaasar na ko.

Ilang minuto kong nagintay ng magsalita na sya.

"Addy.. sasabihin ko naman sayo. Pero natakot ako. Natakot ako na baka hindi mo ko paniwalaan." Natakot? Bakit sya matatakot?

"paniwalaan?" Anong naiisip nya at nasabi nyang hindi ko sya paniniwalaan ng gabing yun.

Hindi ako nagsalita at tinignan ko lang sya. Naglakad ako papunta sa sofa at sinundan naman nya ko.

"Natatandaan mo ba nung huling gabi na nagusap tayo. Ang saya natin. Nag simba at Kumain tayo sa favorite mong restaurant. Hindi ako nagsasalita noon hanggang sa tinanong mo ko kung anong problema ko. sabi ko lang sayo 'nothing' hindi ka naniwala pinilit mo pa rin ako pero yun pa rin yun sagot ko. hanggang sa tumigil ka na. Pero ang totoo  nagseselos ako ng panahong yon. Nagseselos ako dahil sa nginitian mo yun waiter na sumalubong satin samantalang ako sinusungitan mo pero hindi mo pa rin nalaman na nagseselos ako. Hanggang Sa natapos tayong kumain. at Nag punta tayo sa parking lot pauwi na sana.." nagselos sya sa waiter nun kaya sya tahimik? Pero bakit? Dahil lang sa ginawa ko?

Hindi ako nagsalita habang sya patuloy lang sa pag kukwento na para bang ayaw nya ng balikan ang nangyari.

"Pauwi na sana tayo noon, pero bigla mong tinanong sakin kung 'ano ba tayo.' Hindi kita sinagot. paulit ulit mong tinanong sakin yun pero wala kong maisagot. Alam kong naguguluhan ka rin ng mga panahon na yon dahil sa hindi ko sinasabi ang nararamdaman ko para sayo.-" nakatingin lang ako sa kanya habang patuloy syang nag sasalita.

"- Nasasaktan ako. Naguguluhan. Dahil kahit alam mo yun nangyari sa past ko nandyan ka pa rin minahal mo ko. Hanggang sa hindi mo na kinaya. Sumuko ka na. Nang oras na makita kitang umiiyak. Natakot ako. Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko sayo ang tunay kong nararamdaman. Kung tama ba na mahalin mo ko? Sobrang gulo ng isip ko ng panahon na yon' Kaya naman umalis ako." Sinusubukan nya kong hawakan pero lumalayo ako.

Once Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon