"Pero sa pag alis kong yun. Mas lalo kong naisip na hindi ko pala kayang wala ka. Ilang oras ang lumipas pero bumalik ako. Binalikan kita. Pero mukhang nahuli na ako dahil wala ka na. Pinuntahan kita sa bahay mo. Pero wala ka pa rin, nagpunta ko sa mga kaibigan mo pero hindi rin nila alam kung nasan ka-"
Bumalik sya? Binalikan nya ko. Sinusubukan nya kong hawakan pero hindi pa rin ako pumapayag.
"-Ilang araw akong hindi pumasok kakahintay sayo nagbabakasakaling uuwi ka. Pero malaking pagkakamali ko dahil nang araw na naghihintay ako sa pag uwi mo iyon din pala ang araw na nagresign ka company. Hindi ko alam kung sino ang pumirma sa immediate resignation mo kaya naman wala na kong nagawa at simula noon hindi na kita nakita.." patuloy nyang kwento sakin habang pilit nyang hinahawakan ako.
"Lumipas ang araw, linggo at buwan hindi kita mahanap. Halos mawalan na ko ng pag asa hanggang sa tumawag sakin si Rick. Private Investigator ko at nakita ka na nya. Nang araw na yun nagplano na ko na puntahan ka. Pero gaya ng sabi ko sayo may mga taong kailangan ng tulong ko. Kaya naman kahit ilang buwan ulit ang lumipas lahat ng bagay na ginagawa mo simula sa paglabas at pag pasok mo sa apartment nyo. Lahat ng lugar na pinupuntahan mo nalalaman ko.."
" Hanggang sa dumating ang araw ng birthday mo. Naka plano na ang lahat. Pag kain. Lobo. tulips. And even your favorites pinag aralan kong lutin at bilhin. maaga pa lang nakatambay na'ko malapit sa apartment nyo. Ilang oras ang lumipas wala ka pa rin. Nag aalala na ko ng mga oras na yun. Pero hindi ko na isip na baka nag Celebrate kayo ng mga kaibigan mo kaya baka malelate ka lang ng uwi. Kaya nag hintay ako kahit ilang oras..-"
Gusto kong sabihin sa kanya na. Hindi naman nag celebrate nang araw na yun..
Na mali yung iniisip nya.
"- Pero natakot din ako dahil paano kung may nangyaring masama sayo? o kaya naman pano kung nalaman mong nadun ako kaya hindi ka umuwi. Kaya naman laking gulat ko nalang ng makita kita pababa ng kotse." So nakita nya nga kami ni Vince. Pero bakit hindi sya lumapit? Sinusubukan nya pa rin hawakan ako pero umiiwas pa rin ako.
"Please..Addy, let me hold you.." halos bulong nyang pagmamakaawa sakin na tinanguhan ko na kaya agad naman nya kong niyakap mula sa likod.
Nasa dibdib nya ang likod ng ulo ko habang ang kaliwang braso naman nya ay nakayakap sa pagitan ng braso at leeg ko.
"simula ng alalayan kang bumaba ng kasama mo. Napahinto ako sa paglalakad. nang tignan naman kita. Kitang kita ko sa mga mata mo ang sobrang kasayahan at dahil dun Natakot ako. hindi ko kayang nakikitang masaya ka ng hindi na ako ang kasama mo. Kaya inipon ko parin ang konting lakas ng loob na natitira sakin ng panahon na yun.-" pagkukuwento oa rin nya habang ramdam ko ang pag higpit ng yakap nya sakin.
".- nag lakad ulit ako palapit sa inyo ng lalaking kasama mo. Kaya naman kahit kinakain na ko ng sakit na nararamdaman ko ng selos at galit sa lalaking kasama mo hindi ko na nagawang ihakbang pa ang mga paa ko papu ta sayo ng makita kong hinalikan ka nya...-" nahihirapan nyang saad sakin.
"- He kissed you Addy at wala kang ginawa. Kaya naman alam kong dun palang wala ng dahilan ang pag sasabi ko ng totoo." He said. Pleading. Nanginginig sya habang ang mukha nya naman ay naka siksik na sa gilid ng leeg ko. I try to hold his arm para malaman nyang nandito aka.
"sa sobrang sakit ng nararamdaman ko nag inom ako. Nag pakalasing umaasang makakalimutan ko ang nakita ko. Hanggang sa nagpasya na kong bumalik sa Hotel kung saan nag hihintay si Kurt. I drove fast. Wala kong pakielam sa nakakasabay ko na kotse ng gabing yun. Dahil kahit anong pilit ko nakalimutan ang nakita ko hindi ko magawa.-" umiiyak na sya habang patukoy na nanginginig ang mga kamay at balikat nya.

BINABASA MO ANG
Once Mine (Completed)
RomanceMinsan ba dumating na sa buhay mo yung pakiramdam na nagmahal ka ng sobra sa isang Tao. yung kulang nalang pati buhay mo ibibigay mo sa kanya. Handa kang gawin lahat para sa kanya. Handa kang ipaglaban sya sa mga taong may ayaw sa inyo. Handa kang m...
Chapter 20
Magsimula sa umpisa