Sumilay ang animo'y maliwanag sa enerhiya sa kanyang mukha na para bang ngayon lang may gustong makipag-kamay sa kanya. Hindi ko maiwasan na mapangisi sa aking isipan, tama lang 'yan. Magpapakabait ako sa'yo upang magamit kita sa susunod. Mahirap nang magtiwala sa ganitong lugar, lalo na sa mga taong hindi ko pa nakakasalamuha. Gagawin ko siyang isang chess piece na pawn.
Tinanggap niya ang aking kamay "A-ano, a-ako naman si Grace. N-natutuwa akong makilala ka." nauutal at nahihiyang sagot niya.
Halos mapangiwi naman ako dahil ramdam na ramdam ko ang matinding pagpapawis ng kanyang kamay. Lamig lamig-lamig nito at nanginginig. Ganito ba siya ka-introvert? Na-sesense ko na kaagad sa kanya na may problema siya sa socialization. Ayaw mo man mag-jump sa aking conclusion pero iyon ang una kong napansin sa kanya. Baka dahil sa kanyang problema sa pakikisalamuha sa ibang tao ay naaapektuhan ang kanyang speech pattern kaya siya nag-ststutter o nauutal-utal kapag may kausap na ibang tao.
Ngumiti ako "Tara pasok na ako, first year ka rin ba katulad ko? Marami pa kasi akong hindi alam dito." pa-inosenteng saad ko.
Manghang-mangha ako sa security feature ng Academy. Kailangan mong kasi i-tap ang iyong ID sa isang metal plate bago bumukas ang isang sensored na glass door na hanggang bewang ang taas. Mangilan-ngilan lang at halos bilang lang sa daliri ang taong pumapasok. Napakaaga ko kasing pumunta upang makapag-ikot para hindi na rin ako maliwag sa loob.
Halos hindi naman ako nakatulog kagabi dahil sa impormasyon na nalaman ko. Ang matanda pa lang tinatawag ko kahapon ay ang incumbent o ang kasalukuyang Presidente. Hindi Presidente o Headmaster katulad ng mga nababasa kong cliche fantasy stories sa 抖阴社区. Ang aking Lolo pala ang Presidente ng bansang ito. Basically, ako ay isang Presidential Grandson.
Hindi naman ako natuwa na nais niyang ipakilala ako sa publiko na ako ang kanyang pinakahihintay na Apo. Unang-unang dahilan, ayaw kong tignan ako ng mga tao sa paligid ko dahil sa aking social status ko sa mundong ito. Pangalawa, kahit papaano ay gusto kong mamuhay ng pribado at simpleng mamamayan. Panghuli, perwisyo lang ang ibibigay sa akin kapag nalaman iyon ng nakararami.
"A-ano Zie pwede ko bang matanong kung anong mahika ang tinataglay mo?" tanong sa akin ni Grace.
Napabalik na lang ako sa realidad sa kanyang tanong. Pakiramdam ko biglang sumakit ang aking ulo dahil nakaramdam ako ng kaba. Jusmiyo santisima trinidad! Paano na 'to? Hindi man lang ako na-orient ng aking Lolo kung anong mahika ang taglay ko! Jusko! Sasabak ako sa gyerang ito na wala man lang kaalam-alam. Mas inuna ko pa ang kunsumisyon ko sa matandang este sa Lolo ko.
Ngumiti ako ngunit halatang-halata pilit ito "Hulaan mo..." mapaglarong wika ko sa kanya.
Tumawa siya ng mahina at dahan-dahan na inilagay ang kanyang kanang palad sa aking kaliwang dibdib. Akmang tatabigin ko ang kanyang kamay nang marinig ko siyang magsalita.
"Holy Light Magic: Test of Faith." mahinang bulong niya.
Halos lumuwa ang nanlalaki kong mga mata sa aking nasaksihan. Ang kanyang kanang kamay ay dahan-dahan na naglabas ng kulay light yellow na liwanag na gawa sa enerhiya. Ang hugis bilog na enerhiyang iyon ay banayad na pumasok sa aking dibdib. Kitang-kita ko ang kanyang konsentrasyon habang nakapikit. Wala pang isang segundo nang maramdaman ko ang mainit-init na parang napapaso ang aking kaliwang dibdib kahit na nakasuot ako ng white long sleeves at ang makapal na black coat na uniporme sa Academy na ito.
Huminga ng malalim ang nilalang na nasa harap ko bago magsalita "A-ang galing! N-ngayon lang ako naka-encounter ng ganyang mahika!" nagagalak niyang wika sa akin na para bang naging dyamante ang kanyang kulay gintong mga mata.
Tumagilid ang aking ulo at ngumiti ng pa-inosente "Ano nahulaan mo na?" pagkukunyari ko.
Mabuti na lang kahit papaano ay napapakinabangan ko ang aking acting at drama skills sa mundong ito. Kahit na gusto kong magulat sa sinasabi niyang taglay kong mahika ay hindi ko ipinakita. Kabilin-bilinan sa akin ng Lolo na huwag kong ipaalam sa kahit sino kung saan ako nanggaling mundo. Para naman na may balak akong ikuwento sa kanila ang naging buhay ko sa Pilipinas. Hinding-hindi ko gagawin iyon. Ako at ako lang ang makakaalam kung anu-ano ang naranasan ko sa bansang iyon.

Chapter 3
Magsimula sa umpisa