抖阴社区

Chapter 54: Infinity

367 21 0
                                        

Chapter 54

Infinity


ZIE


"Mabuti na lang at nakauwi ako ng matiwasay, buong akala ko mawawala na ako sa lugar na ito." saad ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang malaking chandelier sa mataas na ceiling ng aking kwarto. Tahimik akong nakahiga habang muling inaaalala ang mga nasaksihan ko kanina.

This country is rotting in it's core. Isang itong bansa kung tanging mayayaman lamang ang yumayaman at ang mahihirap ay mas lalo lang humihirap. Hindi ako makapaniwala na maraming mamamayan ang nasa laylayan. Mga batang walang makain at ang papayat at mga magulang na walang trabaho.

Ibang-iba ang New Silkwood sa kinagisnan ng Old Silkwood. Feeling ko ang lahat ng yaman ng bansang 'to ay nasa pamilyang ito lamang. Iyong mga napanood ko kahapon, patungkol sa pagtulong ni Maeiv sa mga mahihirap ay talagang scripted. Parang wala silang programa sa kanilang mamamayan na nagbabayad ng buwis ng tama kahit wala ng halos makain tapos kukuratukin lang ng mga nasa posisyon.

Kinikilabutan ako sa mga nalalaman ko. Kaya hindi na ako magtataka kung may mangyayari sa akin na masama at karumaldumal sa bansang 'to. Tinatago nila sa akin ang katotohanan at para bang pasasabugin ako ng mga impormasyon na ngayon ko lang malalaman.

Naawa ako sa mga batang nakita ko na pagala-gala sa magulong lansangan, naaawa ako sa mga mukha ng mga magulang na wala ng pag-asa ang buhay at naaawa ako sa mga mamamayan na walang magawa kung hindi ang mamuhay sa ganitong klaseng bansa.

Nagpapakasarap sa marangyang buhay ang lintek na pamilyang 'to. Habang ang kanilang mga tao na pundasyon ng kanilang bansa ay halos magkandamatay na sa sobrang gutom.

"Sana walang nangyaring masama sa mga batang iyon." dagdag ko pa habang inaaalala ang mga batang nakasalamuha ko kanina na nagkwento ng kanilang sari-sariling buhay.

Kung makakabalik lang ako sa New Silkwood, ihihiling ko talaga kay Lolo Alastor na kupkupin ang mga batang nagnanais na mag-aral at magsumikap upang gumanda ang kanilang pamumuhay. Sinisira ng bansang ito lalo na ng hinayupak na Maeiv na 'to ang kinabukasan ng kanyang nasasakupan. Sooner or later, this country will fall.

Ipinagmamalaki pa sa akin ng mga kumag kong pinsan na maganda ang pamumuno ni Maeiv sa bansa? Una pa lang talaga hindi na ako naniniwala eh, kaya nang masaksihan ko ang pamumuhay ng kanyang mamamayan ay naniwala na ako ng lubos. Nakahiga sa pera at kayamanan ang pamilyang ito na pera at buwis naman ng mga tao.

Huminga na lang ako ng malalim dahil marami pa rin realization ang pumapasok sa isipan ko. Unti-unti kong nalalaman ang dark secrets ng pamilyang 'to. Kaya hinihiling ko na maging matatag at malakas ang loob ko kapag may importante akong impormasyon na nalaman. Malakas ang pakiramdam ko na malalaman ko rin ang lahat.

Ilang minuto pa ang lumipas ng marinig kong may kumatok sa labas ng aking pinto.

"Mahal na Prinsipe Zie, magandang gabi po. Nais po kayong makausap ng Prinsipe Merlin sa silid aklatan mamaya. May mahalaga raw siyang tatalakayin sa inyo. Inaasahan niya po kayo ganap na alas-diez ng gabi." saad ng alipin.

Sumagot ako "Pakisabi kay Prinsesa Merlin na makakarating ako sa kanyang itinakdang oras. Maaari ka nang umalis."

Ilang oras ang lumipas ay tapos na kaming maghapunan. Hindi namin kasama ang kumag na mag-asawa at tanging ang makakapatid lang ang nasa hapag-kainan kanina. Hindi na rin nakabalik ang magkakambal. Matapos kong ayusin ang aking sarili, agad din akong nagtungo sa silid aralan. Dito rin naganap ang pagpapanood sa akin ni Shun ng scripted scenarios nila.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon