抖阴社区

                                    

“Oh my gosh sis. Nakakatakot pala talaga si Zak tulad ng mga naririnig ko. Wala daw tumatagal na kumausap sa kanya kasi kahit babae daw sinasaktan nya. You are the lucky one na tumagal. Congrats. And I heard from Val na sinabi daw ni Zak na girlfriend ka na kaya nga ko nagpanic eh. Buti na lang ngayon naintindihan ko na talaga.” Tumatawang sabi ni Jezhi.

“Kanina ko pa pinapaintindi sa’yo sis, I’m glad naintindihan mo na din.” I said while rolling my eyes. Wait, sinabi ban yang walang tumatagal na kumausap kay Zak? Bakit naman kaya? Pero kahapon nga ang bait nya sa’kin eh. “Bakit daw walang tumatagal na kumausap kay Zak?”

“I don’t know. Maybe he’s a monster? Di ba dapat ikaw ang tinatanong ko since ikaw yung madalas nyang kausap.”

“Alam mo hindi ko sya magets kasi kahapon bigla syang naging mabait. Akala ko nga possible na maging friends kami pero after ng ginawa nya kanina I know that’s so impossible. Bigla na naman syang sinumpong. Ang labo. Hindi ko magets!” maalala ko lang mukha nya naiini na ko. Hindi ko sya matatagalan kahit anong mangyari.

“Bakit ano bang ginawa nya?” usiserang tanong ni Jezhi.

FEW HOURS EARLIER

 

“Ayokong sumama sa’yo may klase pa ko!!” hinihigit ko ang namumula kong braso from Zak habang papalabas kami ng school.

“Napaka-ingay mo!” tumigil sya at lumapit sa’kin at bigla akong binuhat at sinabit sa balikat nya gamit lang ang isang kamay. “Tss. Kumain ka nga. Ang gaan mo masyado.”

Hinampas ko sya sa likod. “Iba mo ko!!!! Kapag hindi mo ko ibinaba sisisgaw ako!!!!” hinampas ko ulit ang likod nya pero tumama lang ang mga suntok ko sa ‘wow muscle’ nya.

“Sumisigaw ka na nga di ba? Wag mong sabihing may ilalakas pa yang sigaw mo?” hindi nya talaga ko ibinaba. Buhat-buhat nya pa din ako papaakyat sa isang abandoned building malapit sa school.

“Anong plano mo sa’kin goon?” natatakot kong tanong sa kanya.

“Eh di papatayin kita kesa mauna pa kong mamatay dahil sa’yo.” Dahil nasa likuran ang ulo ko hindi ko makita yung reaksyon nya. Kung seryoso ba sya o hindi. Pero kung seryoso sya lagot nya. Kahit ata sumigaw ako walang makakarinig sa’kin.

Binuksan nya yung isang pintuan at nakita kong nasa rooftop na kami. Ibinaba nya ako ng bigla akong tumakbo. Kaya lang bakit kasi napabilis nya. Nahawakan nya agad ako sa bewang at binuhat.

“Bitawan mo!! Bitawan mo ko!!!” nagwawala na ko habang hawak-hawak nya ako sa bewang. Iniaangat nya ko sa ground at itinapat sa tabihan ng rooftop. Medyo may kataasan din ‘to at takot ako sa heights.

Maya-maya nakita kong hindi na nakasayad ang paa ko sa rooftop dahil buhat-buhat nya nga ako.

“Gusto mo di bang ibaba kita?” he smirked.

“No! No! Wag mo akong bitawan.” Napakapit ako ng mahigpit sa braso nya. Feeling ko I’m gonna throw up anytime. Nahihilo ako. “Bakit mo ba ‘to ginagawa sa’kin?” naiiyak kong tanong sa kanya. “Ganun ba kasama ang ginawa ko sa’yo at galit na galit ka sa’kin.”

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon