“And why not?” biglang humarang sa harapan ko si Natalia with her arms wide open. “I still love you! Alam kong wala akong ginawa noon dahil bata pa ko at takot pa ko sa parents ko pero ngayon kaya ko na. I want you back Zak at alam kong gusto mo din.”
Hinawakan ko ang bridge ng nose ko to control my temper. Iniisip ko kung gusto ko pa bang makipagbalikan kay Natalia? ALam kong mahal ko pa sya dahil sya lang ang babaeng minahal ko. Nag-iisa lang sya pero ayoko na ulit mangyari ang nangyari sa’kin dati. Minsan na nyang napatunayan sa’kin na hindi nya ko kayang ipaglaban at ayokong maulit lang yun dahil alam kong pareho lang ulit kaming masasaktan. Sinabi ko sa sarili ko na hindi – hindi na ko magmamahal ulit kung hindi lang din si Natalia pero ngayong nandito na sya sa harapan ko nahihirapan akong magdesisiyon. Hinanda ko na ang sarili ko sa pagkakataong tulad nito at paninindigan ko yun. Masyado akong nasaktan ni Natalia hindi dahil sa iniwan nya ako kundi dahil hindi nya ko naipaglaban – hindi kahit minsan.
“Natalia please – hindi na tayo pwede. Please understand.” Nilampasan ko sya at dumiretso na ko sa motor ko. Napansin kong nandun pa din ang kotse ni aswang. Mukhang kasama nya pa din sila Tuck. Mga babae talaga hindi mo alam kung anong iniisip. Hindi mo alam kung anong gusto. Tss! Kinuha ko yung helmet ko at isinuot ko na.
“I’m coming with you!” naramdaman kong may humawak sa bewang ko. Nakita kong nakasakay na din si Natalia sa likuran ng motor ko.
“Baba!” sigaw ko sa kanya habang tinatanggal ko ang kamay nya.
“No Zak! Sasama ako sa’yo. I want to know the reason kung bakit hindi na tayo pwede!!” mas lalong humigpit ang yakap nya sa’kin. Ang mga yakap na namiss ko sa loob ng ilang taon. Dapat masaya ako pero bakit parang mas lalo lang akong nasasaktan!
“Bahala ka!!” pinaandar ko na ang motor ko ng mabilis. Relax na relax lang syang nakakapit sa’kin kung si aswang ‘to kanina pa ko sinigawan at hinampas. Masyado kasi yung matatakutin. Pero hindi ko na ulit sya tinakot nung sunod na sakay nya baka kasi may mangyari pa dun kasalanan ko pa. Teka, bakti ba sya ang iniisip ko eh dapat si Natalia ang pinoproblema ko ngayon. Alam kong pinaghandaan ko na ‘tong sitwasyon na ‘to na patunayan kay Natalia na hindi na kami pwede sa isa’t-isa.
“So lumalaban ka pa din pala.” Bulong nya sa may tenga ko. Ano ba sa tingin nya? Alam naman nya kung bakit ako lumalaban at isa din yun sa dahilan kung bakit tumutol ang parents nya sa’kin. Magulo ang buhay ko at alam nilang hindi mapapabuti ang anak nila kung ako ang makakatuluyan nya.
“Kelangan at alam mo naman kung bakit.” Mas humigpit ang yakap nya sa’kin na mas lalong nagpasakit sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ako masaya, nalulungkot ako. Nalulungkot ako dahil bakit kelangan pa naming maghiwalay kung nagmamahalan naman kami dati at bakit kung kelan marami ng nangyari tsaka pa sya babalik.
“I’m so sorry Zak. I’m so sorry! Alam ko kung anong mga pinagdaanan mo. I’m so sorry.” Naramdaman kong umiiyak sya sa balikat ko. Anong gagawin ko? Hindi ko din naman gusto syang umiyak. Kung magkakabalikan kami alam kong hindi sya mapapatawad ng mga magulang nya. Gagawin ko ang tama. Hindi ako masaya na nandito sya, na nagpakita sya ulit dahil mas lalo ko lang naalala ang mga dahilan kung bakit nangyayari ‘to sa’kin lahat ngayon. Kung bakit galit ako sa mundo. Dahil sa nababadtrip na ko mas binilisan ko ang takbo namin. Ayokong umuwi sa bahay kaya naisip ko na lang dun muna sa pub dumiretso. Ipapasundo ko na lang kina Tuck ‘tong babaeng ‘to tutal sila naman ang nagdala sa’kin nito kaya nasira pa yung pagkain namin ni aswang! Tss! Ewan ko kung masisira pa din ba yun kung dumating man o hindi si Natalia!

BINABASA MO ANG
Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)
Teen Fiction(Wag kayong malito kung ano ang pagkakasunud-sunod ng PH books.) Simple, top student and role model for many - she's Alexa. A girl who has everything she ever wanted but still keeping her feet on the ground. She promised herself not to love again a...