Pagbukas ko ng pinto, walang anu-ano'y itinutok ko kaagad kay Hashia at Zee ang palaso ko. Nagulat sila sa ginawa ko at napaatras.
Alam kong hindi nila inaasahan 'to pero kailangan ko rin protektahan ang kaibigan ko.
Tiningnan ko sila ng malamig at itinago si Daissy sa likuran ko.
If finding the truth and protecting someone is like this, kailangan ko mo nang gawin ito.
"W-what are you doing, Xyra? Bakit sa amin iyan nakatutok?" nauutal na tanong ni Hashia, hindi makapaniwala sa naging kilos ko.
"Xyra, ibaba mo y-yan," utal na utos ni Zee, ganon rin, hindi makapaniwala. "We are here to tell you something..." lumipat ang tingin niya kay Daissy na nasa likuran ko.
"Tingin niyo maniniwala pa ako sa inyo?" matigas na sabi ko na siyang inilingan nila. "Huwag na huwag niya akong susubukan at hindi ako magdadalawang isip na bitawan 'to." Banta ko sa malamig na boses.
"Xyra, you're wrong! Hindi si—" hindi natuloy ni Hashia ang sasabihin nang hilain siya ni Zee habang umiiling.
"Hindi na siya maniniwala sa atin, Hashia. Naunahan na tayo ni Daissy," mahinang sambit ni Zee at binigyan ako ng makahulugang tingin. "We'll leave, Xyra."
Nakahinga ako ng maluwag nang mawla sila sa paningin ko. Bumuntong-hininga ako at napatingin kay Daissy na parang takot na takot.
"You can go, Daissy. Nakakasiguro akong hindi ka nila susundan," paninigurado ko sakanya. "Huwag kang matakot, nandito lang ako."
"S-salamat, Xyra." Mahinang sambit niya saka siya tuluyang lumabas.
Nilock ko lahat ng pinto pati bintana pero alam ko na hindi sasapat iyon para hindi makapasok si Xyrus sa loob ng kuwarto.
I know someone who could create a barrier pero saan ko siya hahanapin ngayon kung gabi na? Gising pa kaya siya?
Bahala na, pupuntahan ko siya ngayon. Lumabas ako ng kuwarto at hindi na ako nagtaka no'ng magsilabasan ang lahat ng estudyante. Tingin ko ay alam na nila ang tungkol sa pagkamatay ni Fiona at Lander.
"Someone told me pinatay sila ng mga vampire students."
"For what reason?"
"Tinitingala pa naman sila but I do believe may rason ang mga vampire students kaya nila iyon ginawa."
"Hindi sapat na rason para pumatay dahil lang sa pagkakamali," sambit ko dahilan para magtinginan sila sa'kin. "Walang mangyayaring katahimikan kung patuloy na nakakagalaw ang nanghahasik ng lagim sa academy na 'to."
Katahimikan ang namayani nang sabihin ko.
"So, are you saying na ang vampire students ang sisisihin dito? Any evidence?" a girl chimed in at tingin ko ay taga sword masters.
"I have clue at kapag napatunayan ko, ikaw agad ang makakaalam." Malamig na sabi ko at tiningnan ang babae na agad nag-iwas ng tingin.
"Are you not being one-sided? Wala kapa namang napapatunayan, bakit kami maniniwala sa'yo?" one of the archer students chimed.
"Hindi niyo kailangan maniwala. Ang tanging masasabi ko lang ay huwag kaagad kayong maniwala sa kung ano mang naririnig niyo. Never ever trust anyone, even your closest ones. They might be the ones who are harming the students. Hindi niyo lang alam," ngising sambit ko. "Again, never ever trust anyone inside this academy, as you never know who is being manipulated or not."

BINABASA MO ANG
Dangerous Academy
VampireWARNING: SPG | R-18 DANGEROUS ACADEMY: THE PAST Xyra, haunted by forgotten memories and nightmares, seeks to uncover her past and true identity. She finds herself hunted within a familiar castle, surrounded by vampires, devils, and otherworldly bein...