Kevin's POV
Hi ako si Kevin Carlos Clamente 17 years old, heto kami ngayon ng tropa ko papunta na naman sa bahay ni tito France, si Jordan kase gusto daw makita si Charity mukhang tinamaan to sa babaeng un ha. Sabado ngayon mag-iisang linggo na rin pala sya kela tito France after ilang minutes nandito na kami sa tapat sa bahay ni tito.
Jordan: "Hoy Kevs baka na naman mamaya pag initan mo nanaman si babe ha!! Ang bait-bait ng tao ginaganun mo!"
Ako: "Bakit, sigurado ka bang mabait yun? Di lahat ng maganda mabait, nahinhin at mukhang di makabasag pinggan."
Jordan: "Ah basta, wag mo syang pagtripan."
Xigian: "Okay lang un Jordan, sa tingin ko kay Charity mukhang di papatalo, buti nga ung at mukhang naka hanap ng katapat etong si Kevs."
Ako: "Ehh kung pag-untugin ko kaya kayo?"
Xian: "Relax ka lang dude, tara na pasok na tayo sa loob may balak pa ata kayong tumambay dito sa may kalsada ehh."
At ayun nga pumasok na kami sa loob, bakit kaya ang bait nila dun sa babaeng un?? Di naman nila un kilala, baka mamaya may di magandang balak un kay tito, baka peperahan nya lang si tito.
~Flashback~
Dad: "Ohh pare, napatawag ka?"
"DNA?"
"Sino?"
"Sige aasikasuhin ko"
"Mga 2 weeks pre"
"Okay, bye"
Ako: "Dad sino un?"
Dad: "Ahh si France"
Ako: "Si tito? Bakit? Sino ung magpapa-DNA?"
Dad: "Sya at ung anak daw ng ex nya"
Ako: "May anak na si tito?"
Dad: "Anak ba kita?"
Ako: "Bakit dad?"
Dad: "Ang engot ng tanong mo ehh, kaya nga mag papa-DNA diba para malaman kung anak nga nya o hindi."
Ako: "Sorry naman, ano pa sabi ni tito?"
Dad: "Wala na, mukhang nag mamadali eh."
~End of flashback~
So yun nga!! Alam ko ung dahilan kung bakit sya nandito, malay natin kaya nya sinasabi na anak sya ni tito kase gusto nyang makuha pera ni tito. Sa panahon ngayon marami ng mga masasamang tao sa paligid, di mo alam nasa tabi mo na pala sila.

BINABASA MO ANG
Sorry for leaving all over again
Teen FictionAng story pong ito ay kwento ng isang babaeng kayang iwan ang lahat para sa kaligtasan ng kanyang mga mahal sa buhay, Magawa kaya nyang iligtas ang mga mahal nya kahit malayo sya? (GorSome story 1)