“So ano bang kakainin ng baby ko.” Sabi ni Val na nakaakbay kay Jezhi.
“Baby? Ewwwwww!” nang-aasar kong sabi then I rolled my eyes. “Baduy nyo ha.”
“Caesar salad na lang sa’kin baby.” Mukhang hindi inintindi ni Jezhi ang pang-aasar ko sa tawagan nila. Kahit kelan talaga wala ‘tong iniintindi. ANo kayang nakita dito ni Val?
“Ikaw lady ghost? Anong sa’yo?” papatayo na si Val at iniintay na lang ang sasabihin ko.
“Cheese burger and fries and iced tea.” Parang nagulat si Val sa order ko. “What?”
“Hindi ka ba tataba dyan sa mga kakainin mo?” magsasalita pa sana ko ng biglang nakisali si goon.
“Mas mabuti nga yung tumaba yan. Masyado kasing payatot!” napatingin ako sa kanya pero umiwas din naman sya agad.
Whatever goon! Whatever!
Ilang minutes lang bumalik na si Val dala ang pagkain namin. Kumain lang ako ng tahimik habang nakain din ang iba. Napansin kong hindi nakain si goon at hawak nya lang ang phone nya. Parang kanina pa sya may katext. Sino namang katext nya? Busy sya sa katext nya kaya ba hindi nya ko pinapansin? Kapal ng mukha nito. Parang kahapon lang ang sweet nya sa’kin. Kahit hindi ko alam ang definition nya ng sweet, para sa’kin sweet pa din yun tapos ngayon sweet na din sya sa iba! Kapal talaga. May pasabi-sabi pa syang date ngayon. Kunyari kay Cia yun pala sa iba. Pwes magdinner sya mag-isa bukas.
“Dyan na kayo guys. May lakad pa ko.” Tumayo si goon pero hindi ko sya tiningnan.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Rich na natatawa.
“Ano ka ba naman! Bakit tinatanong mo pa si Zak! Makikipagdate yan sa pinakamahalagang babae sa buhay nya.” Sagot ni Luke at sabay silang tumingin sa’kin.
Napatingin din ako sa kanila lalo na kay goon. Wow, babae pala ha. Inirapan ko lang sya at kumain na ako ulit.
“Mga siraulo talaga kayong dalawa!!” binato ni goon yung dalawa ng balat ng chocolate.
“Sige na, sunduin mo na yung maswerteng babae. Miss na miss ka na nun for sure.” Tumatawang sabi ni Rich at nagpatuloy sa pagkain.
Napansin kong hindi pa din naalis si goon kaya napatingin ako sa kanya. Nakita kong nakatingin lang sya sa’kin and I raised my eyebrow. He smirked. What the! Kumukulo ang dugo ko. Ayaw na lang umalis kung aalis. Feeling pa masyado.
“Flirt!” bulong ko then I rolled my eyes. Kumuha ako ng gamot sa medicine wallet ko at ininom ko dahil nasumpong ang migraine ko ngayon.
“May sakit ka?” tanong ni goon.
“Wala!” biglang nagbago ang facial expression ni goon pero wala akong pakialam.
“Alis na ko.” Nakatingin lang si goon sa’kin habang nagsasalita. Napansin kong nakatingin sa’min sina Val na parang nanonood lang ng movie.

BINABASA MO ANG
Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)
Teen Fiction(Wag kayong malito kung ano ang pagkakasunud-sunod ng PH books.) Simple, top student and role model for many - she's Alexa. A girl who has everything she ever wanted but still keeping her feet on the ground. She promised herself not to love again a...