抖阴社区

                                        

Pero nawala yung ngiti sa labi ko,

"Pero kailan ko raw sila imemeet?" Tanong ko sakanya. Na kinagulat nya. May nakakagulat ba sa tanong ko?

"Uhmm.. Hindi raw po sure, kung kelan. Ang sabi lang daw, just wait until the right time."

Naguluhan ako ng slight.

May ganun pang eksena?! Right timing pa. Kaloka!

Kung ayaw nila masilayan ang kagandahan ko. Okay lang, basta ipasok nila ang pera sa school KO. Ayun ang mas importante sakin.

Omygad! I'm so proud of my-- teka. Hindi naman pala ako, umasikaso nun talaga. Kasi sobrang busy ko sa thesis. Ang tanging ambag ko lang ay bukod sa ganda ay pirma lang.

Ang gumawa talaga nang lahat ay si David..

Tinignan ko lang sya habang nagaayos ng mga files ko sa mesa. Hindi ko mapigilang mapailing. Kaya lumapit ako sa kanya at tinapik sya.

"Uy, salamat ah!"

Nagulat naman sya sa sinabi ko. Teka, may nakakagulat ba dun? Ganun ba ako kaganda?!

Tinigil naman nya ang ginagawa nya at humarap sakin habang kamot ulong nagsasalita.

"Po?"

Ngumit muna ako sa kanya.

"Sabi ko, salamat sa mga efforts mo lalo na sa deal na ito. Tignan mo dahil sayo, napapayag mo yung mga investor, utang ko sayo ang lahat..Good job!"

Halos malaglag ang salamin nya dahil sa ganda ko at syempre sa mga sinabi ko.

"Naku president, wala yun hehe. Ako nga dapat magpasalamat sayo pres, kasi nagtitiwala ka sakin kahit minsan, sakit ako sa ulo...tapos kahit wala akong experience bilang secretary. Pinagtyagaan mo ko ng maraming taon, hehe saka nag kawork ako dahil sayo president."

Ewan ko pero parang nanlambot ang puso ko. Hello, kahit Maldita ako. May puso ako, saging nga meron. Magandang tulad ko pa kaya?!

"Hoy hindi totoo yan. Never mong pinasakit ang bangs ko... pinainit, kinda. Pero, never kang naging dilemma ko.. Kaya huwag kang umarte dyan."

Maldita nga ako, oo. Pero marunong akong makaappreciate ng mga tao. Especially kung malaki ang ambag sa buhay ko.

"Talaga? President? Happy naman akong marinig yan." Sya habang may papikit pikit pa. Parang bata! Anubayan.

Tinapik ko naman sya para magising sa pagdaday dream nya.

"Punta tayong bar. Libre ko!"

Aarte pa sana sya kaya lang. Inunahan  ko na.

"O, ganda ka?"

-

Busina ako nang busina pero walang nagbubukas ng gate. Anubayan! Ang ganda ganda ng mood ko tapos sisirain lang mga tatanga- tangang tagasilbi ko.

Halos dalawang minuto na ako busina nang busina. My time is precious! Hindi bagay sakin ang maghintay!

Bumukas naman ang gate.

Ugh! Thank God!

Pagkababa na pagkababa ko ay nakita kong nakahilera ang mga katulong ko. Sinamaan ko naman sila ng tingin kaya mas lalo silang yumuko,

"Tss,"

Napansin ko naman yung isang katulong ko na nagrorosaryo habang nagdarasal. Wow ha! Ganun ba ako nakakatakot? Ang ganda ko para sa halimaw level. Ang arte nito ah!

Hindi naman ako nanlalapa ng buhay....nanghahampas lang ng Birkin bag minsan Gucci bag or it depends sa bag ko.

Tinapik ko nga,

Toni BAKLITA SEASON1 [UNDER REVISION] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon