抖阴社区

                                    

e kung kunin ko nalang kaya yung aso?cute naman sya e..kawawa naman sya ginagamit lang sya ng amo nya..feeling ko talaga kasi eto yung asong yun e..sa gawi dito ko din muntik masagasaan yun e..

“huli ka!”dinampot ko yung aso,hindi pa naman kami nakakalayo pero nasa loob na kami ng sementeryo.ang cute naman nya..saka ang bango pa..mukhang naaalagaan naman sya ng maayos..naka dog diaper pa sya e..

nagpalinga linga ako..masama ata yung kunin ko lang sya ng walang paalam diba?ang bait naman nya e..hindi nga sya tumatahol nung kunin ko..behave talaga sya..

sa di kalayuan,may nakita kong nakaupo sa damuhan..nacurious naman ako ng sobra kaya lumapit ako..not too close..baka masamang tao e..

sige na nga lalapit na ko..sya yata yung may ari nitong tuta e..pano kung may ibang dumampot nito diba?ay wala naman akong pakialam,ano bang ginagawa ko dito?magsisimba ako diba??

nung ibababa ko na yung tuta,narinig kong nagsalita yung lalake..

“sayang,hindi mo nakita kung ano na ko ngayon..sorry sa lahat ng kasalanan ko..”ahah!masamang tao nga sya..siguro napatay nya yung nakalibing sa puntod..nyay!

makaalis na nga!ang tsismosa ko naman ata ngayon..hindi naman ako ganito ah..siguro ganito talaga pag nagiging mag isa ka nalang..kasi naman si margaux..kahit nung nasa England yan lagi ko naman nakakausap..ngayong may jowa na wala na..jowa nalang ata ang kilala..alam ko bitter ako..

hindi pa ko nakakalayo nung may sumalubong sakin mga lalaki..apat sila..siguro same age lang kami o mas matanda lang ng ilang taon..middle 20’s ang tingin ko e.barkada siguro nung lalaking yon kasi sakanya nakatingin e. infairness sakanila may mga itsura..masama nga lang..joke!basta..mukhang mga gangsters..

nilampasan nila ko kaya lang napatigil ako nung narinig kong sinabi nung isa na makakaganti na rin daw sila..

kinabahan ako..hindi para sa sarili ko kundi para dun sa tuta..baka madamay sya..syempre joke ulit..mukhang may away na magaganap..anong gagawin ko kung sakali?

a.dedma

b.none of the above

What A Nerd Wants ?? (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon