抖阴社区

What a nerd wants (Chapter 26)

23.1K 584 41
                                    

A/N: Hi guys! So at long last nakapag update na ko. I promise to finish the last two chapters this week. Sana suportahan nyo pa rin stories ko. Ayun to be published sya under Pop Fiction pa rin hopefully this year.

Archie

Buong gabi na parang hindi mapakali si Alexia. Nakangiti naman sya pero parang may gusto siyang sabihin. Magkasundo sila ni mama. Parang mag nanay nga sila. Gusto kong sabihin sakanya ang lahat bago ko sya ihatid pauwi. Parang ayaw pa nilang maghiwalay ni mama. Sinabi sakanay ni mama na bumalik agad at ipagluluto pa nya si Lex. Kulang pa daw ang oras at madami pa daw silang pagkukwentuhan. Nagpromise naman si Lex na babalik agad. Iniisip ko pa kung paano ko sisimulang sabihin ang lahat  sakanya pero nagsalita sya agad.

"May galit ka ba sa papa mo?"

Napangiti ako. Inalala ko kung bakit nga ba ako galit sakanya.

"Hindi naman siguro galit. Masama ang loob i guess."

Nakatingin lang sya sakin at naghahantay pa nang sasabihin ko kaya nagpatuloy na ako.

"Alam mo naman sigurong illegitimate son ako, right?"

"Naikwento sakin ng mama mo." tipid na sagot nya.

"Siguro kasi dahil wala siya habang lumalaki ako. Hindi nya naipakita na mahal nya ako, kami ni mama. Si mama yung una nyang minahal pero kami yung naging pamilya sa labas." Pumikit ako, naaalala ko lahat simula nung bata ako. "Mula nang magkaisip ako, ipinamukha na samin nung pamilya nya na sabit lang kami. Wala kaming lugar sa buhay nila. Naaawa ako kay mama kasi hindi nya deserve masaktan. Habang lumalaki ako, hindi sya proud sakin. Si kuya Paul kasi yung magaling. Siya yung athletic tapos ako yung sakitin. Ramdam kong hindi siya proud sakin. Sakitin ako noong bata. Pakiramdam ko ang tingin sakin ni papa e isang malaking disappointment. Wala kasi ako kumpara kay kuya. Wala siyang ginagawa pag inaaway kami nung asawa nya. Sabi ni mama mahal daw siya ni papa. Pero bakit hindi kami yung kasama nya? Bakit kami yung nasa isang tabi. Hindi pinapakilala sa tao? Kami yung dirty secret nya. Masakit para sakin na hindi kami sapat ni mama. Kasalanan lahat ni papa. Kung sana sinabi nya agad kay mama na may asawa na siya. Kung sana hindi siya naging selfish at inisip nya yung magiging kalagayan ni mama pagkatapos ng lahat ng nangyari sakanila sa America. Kaso hindi e, sarili lang nya inisip nya. Kaligayahan lang niya inisip niya. Kaya kami yung nagdusa. Mama ko yung sumalo lahat ng galit ng pamilya nila ng asawa nya. Ang sakit na makita yung nanay mo na umiiyak kapag akala nyang tulog na ako. Habang bumubulong siya na sana gumaling na ako kasi ako nalang ang meron sya. I feel so helpless because i was so sickly. Hikain at walang silbi. yun ang sinasabi ni kuya noon. Pakiramdam ko wala talaga akong silbi. Hindi ko maipagtanggol si mama dahil sakitin ako. Kahit naman sustentado kami ni papa, kulang pa rin. Hindi pa rin sapat." i sigh. Niyakap ko siya dahil nangingilid na yung luha nya.

"I don't know what to say or do". mahinang sabi nya.m

"Just hug me, it's more than enough" i reply.

Alexia

Yakap ko siya. I know it's not enough pero it's the best thing i can do to tell him that from now on, i am and will always be here for him. Gusto ko pa sanang itanong yung tungkol sa picture na nakita ko. Kung yung babae ba na kasama nya ay si Chinee? Bakit may pictures ako sakanya noon pa? Kaya lang mukhang pagod na siya at ayaw ko naman piliting magkwento pa. Kumalas ako sa pagkakayakap nya at sinabing gusto ko na umuwi. Hindi pa man lang kami nakakalabas ay isang malakas na sigaw ang narinig ko. Iniharang ni Archie yung katawan nya kaya hindi ako nahablot ni Gwen.

"How dare you! Ikaw na babae ka! You don't give up do you?" singhal nya

Hawak sya at pinipigilan ni Archie para maabot ako. Nakakainis na ang perfect na moment namin e sinisira nya. Ano bang magagawa ko kung ako yung mahal ni Archie 'diba?

What A Nerd Wants ?? (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon