Hi kay JysnCbrr! For you. :)
"Goodmorning, Dad!" bati ko kay Daddy ng madatnan ko siya sa kusina.
"Goodmorning, sweety. Ang aga mo natulog kagabi ha?" malambing na tanong ni Daddy.
"Inantok na po ako e,"
"Sila Keith umuwi din agad dahil sinundo sila dito nila John."
"Nakadiskarte naman po ba siya kay Ianrie?" tanong ko at tumawa.
Tumawa din si Daddy at uminom muna ng tubig bago ako balingan.
"Yes. Sila na nga ang naghatid kay Ianrie." tinagilid ni Daddy ang ulo niya na para bang sinusuri ang mukha ko. "Bakit hindi na lang kayo ni Keith kung wala naman na siyang pag asa kay Ianrie?"
Halos mabuga ko kay Daddy ang kinakain ko.
Ako? Tsaka si Keith? No way! Magbestfriend lang kami. No more, no less.
"He likes Ianrie, Dad. Tsaka I only see him as my bestfriend. Sinabi ko na po sainyo na wala pa akong balak mag boyfriend, diba?"
Napangiti si Daddy dahil sa sinabi ko. Whatever, Dad!
"That's a good decision. Dati, me and your Mom fought about simple things. Hindi pa kasi kami masiyadong matured noon." explain ni Dad.
Pero hindi din para sa edad nila ang nangyari noon. Marami silang pagsubok na hinarap na hindi mo aakalaing madadanas ng fifteen at sixteen years old.
Dumating si Kuya at sumalo siya samin sa pag kain. Si Mommy ay tulog pa. Si Daddy ang maghahatid samin kaya hinintay niya kaming matapos bago kami sumakay sa sasakyan niya.
"So how's your team, son?" tanong ni Daddy.
"It's getting stronger, Dad. May mga bago kamo at isa na doon si Kyle. Mas magaling pa nga ata saakin 'yun. Pwede talaga siyang maging rim protector."
Okay. Ako na hindi nakakaintindi sa mga sinasabi nila. Ang alam ko lang ay basketball. Basta nags-shoot sila ng bola at makapoints at may nagf-foul.
Pagkadating sa EU ay bumaba na kami ni Kuya. Binaba ni Daddy ang bintana sa side ni Kuya kanina at nakarinig ako ng bahagyang singhapan sa likod ko.
"That's Blake Garcia! Sila iyong sikat dito dati. Nakita mo ba pictures nila? Nung nagchampion sila?"
"Weh? Siya ba 'yun? Ang gwapo kahit may edad na! Simula ng gumraduate sila dito noon hindi na lagi nanalo ang EU. Ngayon lang simula ng magaral mga anak nila dito."
"Kaya nga e! Si Ma'am Kylie kaya? Sana makita ko siya. Grabe idol ko talaga siya!"
Lumulundag ang puso ko sa tuwa. Gusto kong ipagmalaki na tatay at nanay ko ang pinaguusapan nila pero ayokong maging mayabang.
"See you later, kiddos!" paalam ni Daddy.
Hinalikan ko si Daddy sa pisngi at nilayo ang ulo ko sa bintana bago kumaway.
"Bye, Dad! 'Wag ipagpapalit si Mommy ha!" paalala ko at tumawa.
"Your Mom already had me eighteen years ago. I'm only hers." sabi ni Daddy bago humarurot paalis.
Nahampas ko si Kuya sa kilig na nararamdaman ko. Edi si Daddy na sweet! Sana merong katulad niya na magiging boyfriend ko balang araw.
"Iniisip mo!" batok ni Kuya sakin kaya binatukan ko din siya.
"Itatali namin kamay niyo," sabay kaming napatingin ni Kuya sa likod namin at nakita namin si Tita Kait.
"Tita!" sigaw ko at tumakbo patungo sakanila.

BINABASA MO ANG
My Other Half
Teen FictionBook three of CNTCQ. :) PS. Story na po ito ng mga anak nila. Hope you'll still enjoy this!