抖阴社区

                                    

parang ang perfect na lahat noon e..oo hindi alam ni daddy na may boyfriend na ko,pero hindi ko naman pinabayaan ang pag-aaral ko a..wala naman kaming ginagawang masama ni paul at isa pa alam kong bata pa ko non..2nd year highschool noong maging kami..bakit nga ba ganon?bakit nagawa ni sandra yon noon?hindi ko alam kung bakit..ni hindi ko sya tinanong kung anong nangyari at nagawa nya sakin yun..

“alexia!ilang dress ba sinusuot mo bat ang tagal tagal mo lumabas jan!late na tayo gosh!”

nagulat ako sa pagkatok ni mar kaya napalabas ako agad.

“ayan!mas okay pag ganyan ka..dapat lagi ka na mag aayos para hindi mukhang laging pasan mo ang mundo.”niyakap nya ko..im so touched!buti nalang i still have margaux..

tinignan ko ang sarili ko sa isang full-length mirror..malaki na ko..nasa tamang edad na rin..marrying age na nga e..24..sana lang,kung magmamahal ako ngayon..yung tamang lalaki na..hirap maginvest ng emotions sa isang relasyong hindi pang matagalan..hay nako..

++++++++++++

huminga ako ng malalim bago pumasok ng gate..bahay nila casandria andrade..yung father nya ay kapatid ng dad ko..that’s why parehas kaming andrade.siniko ako ni margaux at ngumiti sya..

kaming dalawa lang kaming pumunta.ayaw nyang isama si dwight.panira daw ng eksena yun pag may boyfriend na kasama.sasawayin daw sya non pag nagtaray na sya..sabi nya talagang magtataray daw sya pag sinaling ako ni sandra o kahit sino pa sa lugar na to..

hindi ko mapigilang kabahan sa mga tingin na pinupukol nila sakin..nakita ko pang may nag shrug nung makita ako..

parang gusto ko na tumalikod at umalis sa lugar na to..talaga bang gusto kong makita kung pano ako kaawaan o ijudge ng mga tao dito?hay nako..

What A Nerd Wants ?? (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon