× Chapter Eight ×
Chandria's POV.
Tahimik ako habang umiinom ng gatas. Nasa dining table kami nila 'halmeoni' at 'appa'. Kasama niya yung asawa niyang si Ms Jin Ah Kang, hindi ko alam kung paano siya i-a-address pero sabi niya pwede ko siyang tawaging 'imo'. Hindi ko alam kung paano magsasalita. Nandito rin sila tita at yung dalawa.
"Ahhmm..." Panimula ko. Paano ba? Anong sasabihin ko? Hello Earth ni-hindi pa naililibing yung ina ko! Wala pa nga sa tamang pwesto yung cells sa utak ko e!
"Kamusta ka anak. Hindi ko inaasahan na napakalaki mo na. At nakalulungkot din na sa ganitong paraan pa natin kailangan magkakilala." Parang may kung anong tumalon sa puso ko tawagin niya akong 'anak'. Hindi na talaga ako normal!
"Mabuti po ako. Pinalaki ako ng maayos ni eomma." I can't find my words. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko tuwing naalala ko si eomma at gustong gustong tumulo ng mga luha ko.
"Alam kong hindi ito ang tamang oras para sabihin pero bilang lang ang panahon namin dito. We need to go back to Korea as soon as possible .. and we're taking you with us." Nanlaki ang mata ko sa sinabi si halmeoni.
"Po?"
"You're still under age Chandria plus the fact that you are a Kang. The next and only heir of Kang Empire"
×××
'In Loving Memory of
Chelsea Althea Legazpi
June 17, 1977 - December 25, 2016'"Ang unfair ma diba? Sa dinami-dami ng pwede niyang kunin ikaw pa." Nag-uunahan yung mga luha ko sa pagpatak. Dalawang linggo ng mailibing si eomma.
"Bakit parang hindi nawawala yung sakit? *sniff* Ba't ganun?" Natatawa ko sa sarili ko kung paano ko kwestunin yung puntod ng ina ko.
"Ma .. aalis na ako. Hindi na kita madadalaw araw-araw dito. Pero uuwi ako kapag may panahon at pagkakataon, antayin mo lang ako ma ha." Bukas na ang flight ko papuntang Korea. Labag man sa kalooban ko ay matatapos na ngayong araw ang dalawang linggong panahong ibinigay ni halmeoni sa akin.
"Uuwi ako ma. Aabutin ko lang yung p-pangarap ko. Monthly kitang dadalawin, pero patawad kung hindi 'yon matupad. Ngayon pa lang nanghihingi na ako ng sorry." Tumayo na ako at nag-pagpag ng uniform. Dalawang linggo, dito ako dumidiretso pagkatapos ng klase. Si Astrid at Victoria ang lagi kong kasama dahil nung unang araw ko dito e nakatulog ako. Gusto ko lang tabihan si eomma, kahit pa nasa baba siya. Ayoko ko naman do'n no!
"Eomma .. annyeong." Ngumiti ako sa harap niya kahit pa blurred na yung paningin ko sa di matigil na pagluha.
Ganito pala yung feeling kapag iniwan ka at the same time iiwan mo rin, magkaibang sitwasyon lang.
Sabay-sabay kaming humiga sa kami at pinagmasdan yung galaxy ceiling ko.
"Baliw .. Aalis ka na bukas." Hindi ko nilingon si Buang kahit pa ang seryoso ng boses niya.
"Hindi mo naman kami kalilimutan kapag nakita mo na si Kwago no?" I chuckled habang sa taas pa rin ang tingin. Gusto ko mang isama sa maleta 'tong dalawa e hindi pwede. May sarili silang pamilya at buhay.
"Pwede ba naman 'yon?" Kadugtong na ng bituka namin ang isa't isa. Hindi ko talaga alam kung paano mag-aadjust sa Korea ng wala sila.
Ang pangarap namin e pumunta ng SoKor ng magkakasama. Pero sa biglang pag-eksena ng 'ama' ko na ngayon ko lang nalamang nag-eexist pa pala, naglahong parang bula yung plano namin.
"Kayo ang mangakong susunod kayo kahit anong mangyari!" Sabi ko sabay upo at turo sa kanilang dalawa.
"Oo naman. 'Onting kembot na lang." Nagtawanan kami bago humigang muli.
Hindi ko alam kung paano mabubuhay ng wala si eomma at yung dalawang psychobuang kong kaibigan. Pero kahit papaano ay alam kong hindi nila ako iiwan. Nandyan lang sila, kahit hindi mo nakikita hahaha!
Korea! Here I come!
×××
"Naka-ayos na ba yung gamit mo? Wala ka ng nakalimutan?" Chineck ko yung dala kong back pack. Nandito na yung importang documents ko, passport, lahat ng gadgets at iba pang importanteng gamit.
"Mmm nandito na." Tumango sila bago ako niyakap.
"Baliw kakain ka ng marami ah! H'wag papagutom at tandaan mong akin si Taehyung!" Natawa naman ako kay Victoria.
"Araseo haha!"
"Andami mong dala e no!" Napatingin naman sa bagahe ko.
'Nga no?'
Tatlong malalaking luggage 'yon at isang medium. Nasa malalaki yung merch ko dahil hinding hindi ko iiwan 'yon. Nasa isa naman yung mga paboritong kong damit na halos KPOP/KDrama shirt, hoodies, at yung exo shoes ko. Yung isa kasi dun e kapareha ng sapatos ni Kwago sa EXO 90:2024 nya, pinasadya ko pa 'yon. Sabi ni halmeoni e yung importante lang ang dalhin ko at duon nalang bumili ng damit at ibang gamit. Which is 'yan, halos apat na malalaking luggage. Haha!
"Naka-private plane naman 'yan si Baliw kaya walang problema sa bagahe." Tumango nalang si Astrid.
"Tingnan nga natin. Kung bagay sa SoKor. Baka may Idol sa airport hindi ka dapat magmukhang basura." Natawa naman habang inaayos yung suot ko. Ang paborito kong black converse, ripped jeans, plain white v-neck, black scarf kesyo malamig pa sa SoKor ngayon sabi ni Astrid at light pink na coat na regalo ni Victoria.
"Pwede n-na." Tsk. Niyakap ko sila pareho dahil umiiyak na sila.
"Yah! Dadalaw pa rin naman ako. Kayo rin. Para namang hindi na tayo magkikita forever. Remember? Walang forever! Kaya, cheer up!" Ngumiti sila bago lumapit yung isa sa mga women in black ni halmeoni na kailangan na naming umalis.
"Hm! Babay na! H'wag ng iiyak ang papanget niyo. Bye girls. I'll miss you and I love you!" Tuluyan na akong naglakad papuntang boarding area habang kumakayaw pa rin sa kanila.
'Heol! I'll miss them.'
"Miss Kang here's your juice." Nagbow ako sa attendant na nagbigay ng juice sa akin. It's been 30 minutes since nag-take off yung plane. Aproximately three to four hours ang byahe papuntang Incheon International Airport.
Ngayon nalang din ako nakapag-check ng SNS accounts ko. Ang dami kong namiss. At ito pa, birthday na ng mahal ko bukas! Ang saya diba? 11 pala ngayon!
"First target! Ang fan support busses para kay Kwago." Nangiti ako sa plano kong pag-ba-bus hunting pagdating ko ng SoKor. Kahit papaano, nakalimutan kong kamamatayan ko palang. Nilagay ko sa tenga yung earphones at natulog na.
"Miss Kang. We're almost there." Minulat ko yung mata ko at pinatay yung cellphone ko. It's past 11 in the morning already.
"Good morning Ladies and Gentlemen. This is your captain Lee speaking. We just arrived at Incheon International Airport, Seoul South Korea. Please turn off your gadgets and fastened your seatbelt. We're about to take off. Kamsahamnida!"
Korea! Korea! Here I am!

YOU ARE READING
Once Upon A Fangirl Story [SLOW UPDATE!!]
FanfictionChandria Legazpi Kang is silent type of girl. Simple yet charismatic. But as others says, "don't judge the book by its cover". Behind those quite lips, cold aura and snob attitude is a wild, talented, loud and optimistic personality. Yung tahimik 'k...