Falling for my ex SuiTOR
Chapter 4#ego
#deal#Zain.
"I hate you Zain. Really I hate you. Ganon pala yon. Hinusgahan mo ako. Fine tama ka naman bakit mo nga naman ako papatulan eh pinagsawaan na nga pala ni Phaton ang katawan ko. I hate you Zain. I hate you!!!?
Hindi ako makagalaw habang nakatingin kay Anya na umiiyak na.
Shit.
What have I done.Magsisi man ako huli na ang lahat.
Nasaktan ko na siya.."Ang sakit mo namang magsalita. Bakit inalam mo na ba ang totoo ha?? Oo maaring matagal kaming nagkarelasyon ni Phaton pero hindi ibig sabihin non na nagsesex na kami.! Damn you Zain. I hate you. Grabe ka. "
Saka nagmamadali na siyang umalis.Naiwan lang ako na hindi makapagsalita.
Bakit ko ba kasi nasabi yon.?
Damn
#Phaton.
Narinig ko ang boses ni Zain sa may comfort room.
Akala ko nag-iisa siya pero narinig ko boses ni Anya.Narinig ko lahat.
Wala akong planong makialam pero naagrabyado na si Anya dito kahit papano may pinagsamahan din naman kami.
" Anong nangyari Zain? Narinig ko kayong nagtatalo ni Anya. May problema ba? "
Hindi siya sumagot.
"Listen Zain isang beses ko lang tong sasabihin sayo. Sana maniwala ka. Walang nangyaring sekswal sa pagitan namin ni Anya. Sabihin na nating ginawa na namin lahat but not sex. Ayaw ni Anya. Malakas ang paniniwala niya sa pangaral ng Momy niya. Kasal muna bago sex. "
Nabigla yata siya sa nalaman niya.
Sabagay lahat naman ng mga friends ko akala talaga nagsesex na kami ni Anya. Pero nang sinabi niya na ganon ang pananaw niya.
Nirespeto ko siya.Pwede naming gawin ang lahat basta hindi aabot sa sex.
"Ayusin mo to Zain. Wag mong gawin Kay Anya yon. She doesn't deserve to be treated like you did. Malinis ang pagkakababae niya Zain I assure you. "
Napayuko lang siya.
" Naiinis kasi ako sa sarili ko. Masyado na kasing nasasaktan ang ego ko. Una mahal na mahal ko si Anya. Pero anong nangyari nasaktan ako dahil Ikaw ang pinili niya. Pangalawa si Eureka.. Nasaktan na naman ako dahil ikaw pa rin ang pinili niya. I'm broken. Dalawang babae na gustong-gusto ko palagi ibang lalaki ang gusto. Ano bang wala sa akin. At walang nagkakagusto?"
"Zain pare, alam ko kung anong nararamdaman mo. Alam ko nasaktan ka. And I'm sorry dahil ako ang naging dahilan ng lahat ng yon. "
"Ang mga naging kabiguan ko ang isa sa mga nagtulak sa akin para lumayo. Nagpunta ako abroad para hanapin ang sarili ko. Pero mas grabeng sakit ang natagpuan ko doon."
Napatingin ako sa kanya ng wala sa oras."What happened?"Pakiramdam ko meron siyang tinatago sa amin.
"Dahil sa pagkabigo ko kay Anya,napilitan akong sundin yong fixed marriaged na hinanda nina Daddy para sa akin."
"Nagpakasal ka sa Abroad?"Hindi makapaniwalang wika ko. Nang lumayo kasi siya sa amin,nawalan na kami ng communication sa kanya. Kahit anong gawin namin para makontak siya parang nakablock lahat. Kaya pala. "What happened?"
"She died. Kasama yong baby namin.",
Para akong nabingi ng marinig ang sinabi niya,anong ibig sabihin non. Hindi ata nagsink sa utak ko yong sinabi niya."Zain?"Nalilitong tanong ko.

BINABASA MO ANG
Falling For My Ex SuiTOR.(COMPLETED) 2nd Story
General FictionFalling for my Ex-suitor Synopsis Dahil sa matinding kabiguan,ayaw na sanang bumalik ni Anya sa Davao. Punong-puno kasi ang lugar na yon ng mga alaala niya sa dating kasintahan na si Phaton. Pero dahil nagkasakit ang Daddy ni Anya,kinailangan niyan...