抖阴社区

Kabanata 4

46.8K 1.4K 183
                                    

Kabanata 4: My Chaos


Someone's Point Of View

Ibinaba ko ang tsa-a na sinisimsim ko at binalingan ang mga nilalang na kasama ko sa mahabang mesang inu-okupan namin.

"You're saying that he give that gun to one of his follower?" ulit ng iritang si Rebecca Foster sa messenger na inutusan niya.

"Yes, Madame."

"That's... insane! How could he do that?"

Maging ako ay naguguluhan at nagulat sa aming nalaman. Who's that lucky boy?

"Interesting eh? I want to meet that boy!" ani ng nakangising si Morgan.

"Don't tell me you're jealous, Rebecca? Over a boy? Seriously?" pang-aasar ni Peter.

"Oh! No way! Hmmp!"

Sigh. Here we go again. Tsk.

Eve Henderson Point Of View

Naiwan sa ere ang hawak kong arnis nang may kumalabit sa'kin.

"Oh, Rage?"

"May naghahanap sayong chix!" ngising turan nito.

Ano daw?

"Pakilala mo naman kami sa chix mo, Clark!"

Iniwan ko ang mga kasama ko at pinuntahan ang babaeng sinasabi nila. Hindi naman ako nahirapang makita ito dahil agaw pansin ang pulang dress nito at pagkataas taas na heels. Maraming napapatingin pero hindi lumalapit, napangiti ako sa mga ito. Marespeto talaga sila. Nilapitan ko naman ito.

"Ah, hinahanap mo daw ako?"

"Ikaw si..."

"Clark Diaz, anong maitutulong ko? I mean anong kailangan niyo sa'kin?"

Pinakatitigan ako nito.

"Are you close with my Eros?" taas kilay na tanong pa nito? Sinong Eros? Si...

"Si Master?"

"U-huh?"

"Malapit siya sa'min, ba't mo tinatanong 'yan? At sino ka?"

"Oh? Really? Tch. He's not. Anyway I am Rebecca Foster," inilahad nito ang kamay niya na agad kong inabot.

"I'm his fiancee."

"F-Fiancee?"

May fiancee pala si Master?

"I'll go ahead, dumaan lang ako para makita ka."

Nagmartsa na ito paalis. Anong ibig niyang sabihin? Pumunta siya para makita ako?

"Woi! Clark, sino yung chix na 'yon?" tanong nila ng bumalik ako sa practice room.

"Fiancee daw ni Master? May fiancee ba si Master?"

Napatigil silang lahat sa sinabi ko.

"Hahahahaha! pang-ilang babae na ba ang nagsabi niyan?" natatawang sabi ng iba

"Sikat sa mga babae si Master! Kulang nalang lumuhod at maghubad kung sambahin siya," paliwanag ni Aki na kinatango ko.

"I see..." napapakamot sa ulong sagot ko.

Nagkaroon ng break kaya nagpahinga kami sa lapag, nang bumukas ang malaking pinto ng practice room at iniluwa no'n si Master. Napatayo ako nang maalalang may pupuntahan pala kami, nakalimutan ko! Huminto ang tingin nito sa sa'kin at kunot noong tiningnan ako na pawisan. May nagawa ba 'kong mali? Maging ang mga ka-block ko ay nagtataka.

My Master and I [Read On Dreame app]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon