"Chaos, follow me," malamig na sabi nito at tinalikuran kami.
Chaos. Ang tawag ni Master sa'kin, ewan ko ba sakanya. Parang kung itawag sa'kin gera? Gulo? Delubyo? Ewan! Tinanong ko nga kung bakit pero nginisihan lang ako. Ang hot niya pag ngumingisi. Wala sa sarili akong napalunok. Shet!
Sumunod ako kay Master hanggang sa makarating kami sa dorm naming... dalawa. Opo, kaming dalawa lang. Ang sosyal nga eh.
Napatalon ako sa gulat nang may ipatong ito'ng towel at punasan ang pawis ko. Di ko maiwasang mapatulala kay Master. Ang lapit namin sa isa't-isa pati ang paghinga nito ay ramdam ko, feeling ko mas lalo akong pinagpapawisan. Nahigit ko ang hininga ko nang magtama ang mga mata namin, kahit anong gawin ko hindi ko maalis ang tingin sa mga mata ni Master at pakiramdam ko pulang-pula na ang mukha ko! Waaah!
"Hehehe! A-Ako na Master," sabay kuha ko sa kanya ang towel. Hindi nakatakas sa gilid ng aking mga mata ang pagngisi nito. Hingang malalim. Kaya mo yan, Eve. Layuan natin si Adan.
"Anong gusto mong kainin?" malambing na tanong nito sa likuran ko. What? Malambing? Eraseee! Kailangan ko na atang magtanggal ng tutuli!
"Hehehe kahit ano!"
"Kahit ako?"
"Ha?"
Matagal tagal na akong 'di nakakapagtanggal ng tutuli. Hindi magsasalita ng gano'n si Master. He. He. He.
"Pfft. Mag-shower ka na."
"Sige hehehe."
Yun talaga ang plano ko, Master. Naglakad na ko papunta sa kwartong nakalaan sa'kin. Kumpara sa dorm namin nila Aki ay 3 times na mas malawak at malaki ito. Nakakapagtaka dahil kami lang ni Master ang nandito at kung ba't ako nandito pero mas maganda na rin dito dahil mas mahigpit ang security I mean mas malaya ako. Hindi ako mapaparanoid na gumising ng maaga para hindi makasabay sa pagligo yung tatlong kulugo na 'yon. Dito may bathtub pa, makakapagbabad pa ako.
Hulog ng langit si Master.
Lalalalalalala~
Natapos na 'kong mag shower. Pagbaba ko ay naamoy ko agad ang masarap na niluluto ni Master.
"Chicken Curry?" napapalakpak ako pag-upo ko nang makitang tama ang hula ko.
"Hinay-hinay" nakangiting sabi ni Master.
"Ang sarap! The best ka talaga, Master!"
"Talaga?" nguyang tanong nito. Ang cute. Hihihi.
"Master, wait," umusog ako ng konti at pinunasan ng daliri ko ang kalat sa gilid ng labi nito.
Bumalik ako sa pagkain ng matapos kong gawin 'yon. Natigil ako sa pagsubo nang mapansing nakatingin lang si Master sa'kin.
"May problema ba, Master?"
Hindi ito sumagot at ngumiti lang staka nagpatuloy sa pagkain. Ako naman ngayon ang natulala sa saglit na pagngiti nito.
Nang matapos naming kumain ay...
"Saan tayo pupunta, Master?" tanong ko dahil ang sabi niya pagkagising ko ng umaga ay may pupuntahan kami.
"Tinatamad akong umalis..."
Napanguso ako sa sagot nito. Nang bigla nalang itong mahinang napamura at huminga ng malalim, ang weird nga eh. Ganyan talaga siya minsan. Pag tinatanong ko kung anong problema nilalayasan ako. Kaya 'di ko na tatanungin baka layasan ulit ako.
"Nood nalang tayo!" sabi ko at gumapang sa mga nakahilerang tape.
"Shit."
'Di ko nalang pinansin si Master at nagtitingin tingin pa. Ano ba 'tong si Master halatang 'di pa nasasalang ang mga ito miski isang beses. Ginagawang pang display lang!

BINABASA MO ANG
My Master and I [Read On Dreame app]
ActionEve Henderson-a troublemaker, a tricky devil, a short-hot-tempered girl, a bitch with a heart, a bullyhater, a notorious hacker, a Mafia Heiress, a racer, a streetfighter turns into a gangster to a Underworld Goddess. Behind her harsh and badass app...
Kabanata 4
Magsimula sa umpisa