抖阴社区

T.U.B Chapter 18 - Hindi kita Mahal

2.3K 31 5
                                    


(Sian POV)

Dalawang linggo ang nakalipas simula nung naganap ang Yacht party at dalawang linggo na rin nakalipas ng mapabayaan ko ang virginity na mapunta sa isang hayop na si Andre -_-

Simula nun hindi ko na siya kinausap halos wala ng pansinan sa aming dalawa ang for sure ramdam na niya rin na iwas ako sa kanya

Nung umuwi kaming mga kaklase ko galing Zambales eh magkatabi pa rin kami ni Andre sa bus pero kung maaari ay hindi dumidikit nidulo ng buhok ko sa kanya kasi naiinis ako

Kasi parang wala lang sa kanya ang mga nangyare, parang wala siyang naalala sa nangyare nung gabi na yun, nihindi nga niya tinanong man lang na kung ano na nangyare kagabi pagkatapos ng inuman

Tapos ang tahitahimik niya rin buong biyahe, hindi nga ko magawang kausapin eh parang wala siyang katabi sa bus nun, kaya naiinis talaga ako sa kanya

At kapag kasama ko si Jailene at lumapit yung limang boys sa amin pakiramdam ko ang akward ng paligid kapag malapit siya sa amin

Pero may time na nahuhuli ko na nakatitig siya sa akin na para bang gusto niya akong kausapin pero agad naman siyang umiiwas siyang umiiwas ng tingin sa akin

Pero kapag nakikita ko siya gusto ko siyang sampalin, gusto ko siyang sambunutan, gusto ko siyang pagtatadyakan lahat na ata ng pananakit gusto ko ng gawin sa kanya, ni hindi man lang siya humingi ng sorry

Oo siya dapat ang humingi ng sorry kasi siya ang eksperto sa mga ganung gawain eh kaya nga binansagan siyang playboy diba? Eh alanangang ako ang humingi ng sorry sa kanya eh ano bang malay ko? At isa pa lasing ako nun at hindi ko alam kung ano na ang sinasabi ko at kung ano man ang pinaggagawa ko

Nakakinis at nagagalit din ako sa sarili ko, naging pabaya akong babae.... Dapat pala talaga hindi na ako sumama sa lintik na party na yun

Hanggang ngayon wala pang ibang nakakaalam sa nga nangyari sa akin even Mariah at Jailene hindi rin nila alam at lalong lalo na ng parent ko hindi nila alam at daoat walang makaalam kahit na sino mankung hindi isang malaking digmaan ang mabubuo sa pagitan ng mga kuya ko at Andre

Nandito kami ngayon sa canteen at kokonti lang ang tao dito kaya medyo hindi maingay at kasama ko yung dalawang loka loka na kanina pa daldalan ng daldalan at ako naman ay walang kagana gana makinig at nakatulala lang sa kawalan at iniisip pa din ang pagkawala ng virginity ko

"HOY!!! SIAN BLESSICA LIGAYA I. CABALATUNGAN!!!!" sigaw ni Mariah at kinalampag pa ng malakas yung lamesa kaya nagulat ako

"Ay anak ka ng teteng!!!!.....ano ba Mariah bakit ka ba nanggugulat?" inis kong tanong kay Mariah at tinaasan lang niya ako ng kilay

"Nakadrugs ka ba Sian?" napapoker face lang ako sa tanong niya sa akin, sabunutan ko kaya siya ng malaman niya kung nakadrugs ako o hindi -_-

"Ano bang problema niyo?" inis kong tanong sa kanila at napahilot na lang ako sa noo ko nakakainis na nakakadepressed pa at slight na nakakahilo bwiset

"Umamin ka nga Sian ano ba talagang problema mo?" at napatingin naman ako kay Jailene at alam kong seryoso na siya at napalunok naman ako

"W-wala naman bakit ano bang meron?" gusto ko mang sabihin sa kanila tong pinoproblema ko pero hindi pwede kaya kailangan kong ideny to sa kanila

"Sian ako hindi mo ko maloloko ha kilala kita simula't sapul nung mga bata pa tayo kaya huwah kang magsinungaling alam ko kung may problema ka o wala" ngayon naging seryoao na yung tono ng mananalita ni Mariah at tama siya hindi ako makakapagkaila sa kanya kung problemado ba ako o hindi

The Unexpected Baby (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon