抖阴社区

Chapter 25 - Revealing

486 18 4
                                        

Enjoy Reading~~~

----

Niel's POV

"Papasukin mo ko o makakatikim ka sa akin?"

"Sir, hindi po sila pwede ngayon, may---."

"Wala akong pakealam! Lumabas ka diyan!"

Pilit na pinipigilan ako ng mga guard at pati na din secretary sa harap ng office niya.

Sa sobrang galit ko, tinulak ko na yung guard palayo atsaka dumiretsong pumasok sa opisina.

Nadatnan ko ang mag-inang napatigil sa pag-uusap atsaka ako tiningnan.

"Ohh Niel, anong nangyayare at nagsisigaw ka sa labas?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya imbes nilapitan ko ang anak niya at hinawakan ang braso nito ng mahigpit.

"Aww Niel, nasasaktan ako--"

"Saan mo dinala si Cloe?" Tanong ko sa kanya.

"Anong pinagsasabi mo--"

"Just tell me MJ! Where is she?!" Mula sa takot na takot ang mukha bigla na lang niya ko nginisihan atsaka kinabig ang kamay ko upang mabitawan ko ang braso niya.

"Why would I Niel? Alam mo naman na lahat ng ginagawa ko ay may kapalit."

"Jasmine, ano na naman ang pinaggagawa mo sa Yakuza?" Nag-aalalang tanong ni Miss S kay Jasmine.

Yes, si Jasmine siya ang Queen ng Yakuza na kumakalaban ngayon sa Mafia, I don't know what happen to her at kinakalaban niya ang Mafia. And Miss S, her mother is the retired Queen ng Yakuza 

Blanko lang tiningnan ni Jasmine ang nanay niya, "I'm just doing my job as a Yakuza Queen mom--"

"Is that really a job MJ? Tell me, ang kalabanin ang Mafia ay trabaho ng isang Yakuza Queen?" Bakas sa mukha ng kanyang ina ang gulat ng mabanggit ko ang mga ginawa ni MJ.

"What?! Jasmine, what is this?! Inaaway mo ang Mafia? Are you planning to ruin Yakuza's reputation?!" Galit na tanong ni Miss S.

"Mom calm down okay? I just want to scare them." Napasara ako ng kamao atsaka siya nilapitan.

"Then tell me where is she Jasmine, habang tumatagal mas lalo mo ginagalit ang Mafia, you just fucking kidnap the Mafia Queen's sister for pete's sake!" Pero imbes na matakot tumawa lang siya na mas lalo kong ikinainis.

"Like what I've said a while ago mister lahat ng ginagawa ko may kapalit." Nakangiti niyang saad.

"Then what? Tell me, ano ang kailangan kong gawin, gagawin ko ang lahat makuha ko lang si Cloe."

"Lahat? As in lahat?" Napapikit na lang ako sa inis sa tanong niya, pinaglalaruan niya ko damn it!

"Oo." Matapang kong saad. Gagawin ko ang lahat para lang makuha ko si Cloe, kahit ito lang. Kahit ito lang ang gagawin ko para maligtas siya.

"Okay then..." nilapitan niya ko atsaka binulungan na ikinatigil ko.

Nanlaki ang mata kong tiningnan si Jasmine na nakangiti habang lumayo sa akin at lumapit sa nanay niya.

Bakit ganito? Tadhana, hanggang kailan niyo ba ko paparusahan? Kailan niyo ba ko pasasayahin?

Hindi ko alam, hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa binulong niya sa akin. It just that, yun lang. Ganito ba talaga ang mangyayare sa akin? Hindi na ba talaga ako sasaya? Kahit kailan?

"Marry me."

Flashback

Ilang araw na kami dito sa S Company na nagte-training upang sa nalalapit na naming debut.

I was about to open the door of the CEO office..

"Mom, I told you that I want to be a singer, why can't you just understand me?"

"Just focus on Yakuza Jasmine, baka nakakalimutan mo nanumpa ka na hinding-hindi mo papabayaan ang Yakuza."

Napatigil ako sa ginagawa ko ng marinig ko ang pag-uusap nila.

"Mom, baka may makarinig." 

But as soon as she said that she found me. Nagulat ako ng bigla na lang nagbukas ang pinto ng opisina at nakita nila ako.

"Ni-niel..." gulat na saad ni Miss S.

"Miss S...hindi ko sinasadyang marinig ang pag-uusap niyo." Kinakabahan ako habang nakatingin sa mag-ina.

Napabuntong hininga si Miss S atsaka tiningnan ang anak niya.

"I'm sorry Jasmine, but I can't do that to him, we need him." Hinawakan niya ang kamay ng babae. "We just need to trust him, okay?"

Inis namang tinanggal ng dalaga ang pagkakahawak sa kamay niya.

"Ikaw ang dahilan kung bakit nalaman niya ang sikreto natin, tapos ngayon sasabihin mo lang na 'we need to trust him'? Seriously mom? Tsk, bahala ka." Sinamaan niya ko ng tingin atsaka ako tinalikuran at pumasok sa opisina ng kanyang ina.

"Come inside iho." Pumasok si Miss S sa opisina niya at sumunod ako.

Bumungad sa amin ang anak niyang masama ang tingin sa akin habang nakaupo sa sofa.

"Mom do we really need to tell him all about Yakuza? You know mom anytime pwede niya tayo----"

"Just trust him Jasmine I know hindi niya magagawa yun sa atin, right iho?"

Napailang ako nang napatingin silang dalawa sa akin na hinihintay ang sagot ko.

"Look mom he's not answering--"

"Yes Miss S."

Napatigil si Jasmine sa sagot ko, atsaka niya ko sinamaan muli ng tingin.

"Sorry ahh pero wala akong tiwala sayo."

"You can trust me Miss Jasmine, isa akong gangster dati--"

"And now?"

Tumikhim ako, "Huminto na ko, I just want to be singer right now."

Bakas sa mukha niya ang gupat at pagkamangha, malamang ay dahil sa narinig kong usapan nila kanina ay gusto niya din maging singer katulad ko ngunit sabi nga ni Miss S ay kailangan ang anak niya sa Yakuza.

"Okay then, sit here beside me and sasabihin ko sayo lahat."





TNATG 2: Still Inlove With You ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon