Ang pag-ibig daw ay parang isang pelikula, may simula at may katapusan.
Minsan ang katapusan ay ang hindi inaasahan.
Akala ng mga manonood iyon na, ngunit hindi pa pala.
Si Ykie ay nagmamahal na ng matagal na panahon, akala niya sa lahat ng pagkakataon kayang lagpasan ng pag-ibig ang ano mang pagsubok na darating ngunit binigo siya nito. Nasaktan siya, hanggang sa nakakilala siya ng taong muling nagpasaya sa puso niya, si Ylayna. Ngunit sapat ba ang kasiyahan na dala nito upang muling panindigan niya ang pag-ibig? Ang umibig? Paano kung bahagi pa lang ng puso niya ang buo para sa pag-ibig na ito?
Hindi inaasahan ni Ylayna na gaya ng magic ay biglang may isang Ykie na darating sa buhay niya. Sa mga simpleng bagay na pinagsasamahan nila ay tumibok ang puso niya kay Ykie. Hindi niya iyon kinontra sa halip ay pinakisamahan niya ang pintig nito. Ngunit ang pagmamahal ay may katumbas na sakit, may mga bagay na hindi mo inaasahang magiging dahilan na ang puso ay masaktan.
Sabi sa pelikulang 'That Thing Called Tadhana,
'Kung mahal mo habulin mo, ipaglaban mo.
Huwag mong hintaying may magtulak sa kanya pabalik sa'yo. Hilahin mo.
Hangga't kaya mo huwag kang bibitaw. Sorry mahal ko eh.'
Oo tama naman, pwedeng ipaglaban, maaring panghawakan ngunit hanggang kailan?
Minsan kasi kailangang masaktan upang may matutunan,
Kailangan maranasang maiwan upang malaman kung kailangan bang ipaglaban o sadyang dapat ng tuldukan.
At sa huli ay masasagot ang tanong na siya na nga ba o may darating pa?
Tunghayan ang kwento ni Ylayna at Ykie, pinagtagpo ngunit tinadhana ba?

BINABASA MO ANG
Undefined
Short StoryMay mga bagay na hindi inaasahan, may mga pangyayaring hindi maiiwasan. Gaya na lang ng pag-ibig, hindi malalaman kung kailan darating o kung ito ba ay mananatili o sadyang dadaan lamang. May nagkakatagpo, may umaalis at may dumadating. Sabi nila ka...