5. Na-develop ako nang husto bilang writer. My learning ground in writing was developed during those days na active ako sa pagsusulat online. Mas nahubog akong matuto pa.
6. It's fun. Kapag nalulungkot ako noon, pumupunta lang ako sa website na iyon, nakikipagkulitan sa chatbox at nagre-reply sa mga comments sa stories o kaya ay nagbabasa ng akda ng iba. To be honest, masaya ako noong mga panahong iyon. Iyong kabaliwan naming mga writers namana na rin ng mga readers, kaya palaging laugh trip ang conversation sa chat box.
Ngunit lahat ng saya ay natatapos din. Bilog kasi ang mundo at dapat balanse ang lahat. Hindi naman pwedeng masaya ka lang palagi... dahil sa mga pagkakataong nalulungkot ka at sinusubok ka ng panahon, doon mo malalaman kung gaano ka nga ba katatag. At gaya nga ng nabanggit ko, ang online community rin ang nagbigay sa akin ng ilang masasakit na experiences.
1. Play-giarism
Pinaglaruan ka na nga, kinopyahan ka pa ng akda. Hindi ko na mabilang ang pagkakataong na-plagiarized ang mga sinulat ko online. Walang sinasanto ang mga plagiarist. Kahit nga published books na, nire-retype pa. Kahit i-copy paste protected ko ang aking blog, hindi ko alam kung paano pa nila nakokopya ang sinulat ko. At ang hindi ko mawari sa mga ganitong tao, sila na nga ang may atraso, sila pa ang matapang at galit. At dahil tao lang ako at immature pa dati, pumapatol ako sa mga ganitong tao. Napapaaway ako online, turned nabu-bully.
Naalala ko nung isa sa short story ko ay na-post sa isang FB page ng isang radio station. Story daw nila iyon. Nung magreklamo ako sa page, ako pa ang inaway ng mga followers ng site. Nakaka-frustrate ang mga ganitong eksena ng buhay. But as time passed by, natutunan ko na kung paano harapin ang mga taong ganito. Hindi ka naman mananalo sa mga taong maraming nakahandang katwiran mapagtakpan lang ang kanilang maling gawain. Kaya mas mainam na ang i-report na lang sila. Lalo na kung ang works mo ay published at copyrighted, mas madaling ipaglaban iyon.
2. The Negastars of All Seasons
Hindi lahat ng readers, magugustuhan ang sinulat mo. May iba't ibang taste kasi ang tao sa lahat ng bagay. At meron din namang di maiiwasang mabi-Bitter Ocampo o maje-Jelly de Belen dahil nagawa mo ang kwentong maaring hindi nila magawa. At ang mga taong ito ang ilan lamang sa pwedeng maging Negastars ng buhay mo.
Sikat ka na daw pag may bashers ka na. Hindi iyan totoo. Bakit ako? Hindi naman ako sikat, still struggling pa nga ang career ko, pero may mga taong hindi ko alam at ayaw na ayaw na sinusulat ko. But the irony it, bumibili sila ng libro ko at pina-follow pa nila ako online. Wow, ang dami nilang oras para sayangin sa akin. Dapat na ba akong magpasalamat? I thank you, anyway.
Walang ibang masasabi ang nga Negastars sa buhay mo kundi mga pula at heartwrecking opinions. Better of, wag mo na lang silang pansinin. Wag mo na ring basahin kung medyo sensitive ka. Wag kang maging masokista. What you don't know won't hurt you. Pero sinong niloloko mo? Natural na sa atin ang gumawa ng mga bagay kahit na alam naman nating makakasakit lang sa damdamin natin in the end. Natural sa atin na masaktan kahit alam nating hindi totoo ang sinasabi ng Negastars. If ever you encounter a negastar statements, just read at your own risk. Pero at the end of the day, don't let the negastars beat you. Believe in yourself. Dahil ang higit na makakakilala sa'yo at sa iyong kakayanang mag-succeed ay walang iba kung ang sarili mo rin.
3. The Friendly Users
Karamihan ng mga gadgets nowadays ay user friendly. Kahit ang internet user-friendly din, madaling gamitin... ng mga taong manggagamit. Nakatagpo ako ng mga friendly users online. Sa simula ay napaka-friendly nila. Slow ang atake. As in kakaibiganin ka muna ng bongga. At dahil writers din sila, may mga chances na nagpapaturo sila sa akin ng techniques sa pagsusulat. Walang kaso sa akin iyon... sharing my knowledge in writing is for free. Naging close ako sa taong ito to the point na nagpapalitan na kami ng thoughts about writing. Until nakapasok siya sa publishing industry at ako naman ay na-lie low. Everything's changed, real quick. Nabigla na lang ako at bina-bash na niya ako. Sinasabi niya sa wall posts niya sa FB na wala daw akong mararating. I just used to be a writer and my career just ended. The nerve! (insert rolling eyes here).
BINABASA MO ANG
It's All 抖阴社区: A Not So Typical Journey of a Struggling 抖阴社区r
Non-Fiction抖阴社区r. Author. Storyteller. Ako. Ikaw. Tayo. Ang bawat writer ay may journey na nilalakbay mula sa kung kelan siya nag-decide magsulat hanggang sa kung paano niya naabot ang simpleng pangarap na published book. Gaya ng lahat, dumaan ako sa pag...
Journey #5: 抖阴社区r's World Online
Magsimula sa umpisa
