After all the struggles, ups and downs, left and right, where am I today? Ito, survivor of the survival of the fittest arena. Syempre, walang ganitong libro kung hindi ako naka-survive di ba? Nakalagpas na ba ako sa pagiging struggling? Hindi pa. Struggling pa rin ako pero at least surviving. Bakit ko nasabi?
Heto ang listahan ng mga unaccomplished task ko bilang writer:
1. I'm not yet done with my 50 novels to write before I die thingy. Sabi ko sa sarili ko, 50 novels ang gusto kong maisulat bago ako mategi. Sa ngayon nasa 23 pa lang ata ako. 11 sa mga iyon ay published books na. More stories to go.
2. Hindi pa sikat ang mga libro ko. Medyo lang. Hehehehe. (Pwedeng mangarap ng gising di ba?)
3. Hindi pa nadi-discover ng TV at film producers ang stories ko. Syempre, sinong hindi nangarap na iyong kwento mo, kahit nga background lang ng kwento mo, mapalabas sa tv o sa movies? (Mangarap ng gising version 2.0)
4. Hindi ko pa sineseryoso ang pag-self study ko ng script writing. Kasipagan, saniban mo ako, please! Pangarap kong makapagsulat ng isang movie script someday.
5. Hindi pa nakikilala ang pen name ko sa larangan ng literature. Syempre, gusto ko rin namang mag-iwan ng legacy sa planet earth. Kaso iyon nga, hindi naman siya madaling gawin.
6. Hindi pa ako nakakasali sa Carlos Palanca Awards. Seriously, 2012 pa ako nagsasabi sa sarili ko na sasali ako. Hanggang ngayon, hindi ko pa nagagawa. Wala pa akong lakas ng loob at kapal ng mukha para dito.
From 抖阴社区r to Editor
Sa tagal ng panahon, gamay ko na ang pagiging writer. But that doesn't mean na alam ko ang lahat. Remember, sabi ko nga sa previous journey ko, ang pagsusulat ay tuloy-tuloy na learning process. Hanggang ngayon, natututo pa rin ako. Bahagyang nag-iba ang approach ko sa writer self ko nung naging editor ako. Kung mahirap maging writer, di hamak na mas mahirap maging editor. Ang laki ng responsibilidad ng isang editor. Biro mo, ipinagkatiwala sa'yo ng publisher ang paghahanap ng mga writers at ang pag-judge sa submissions kung alin ang approved at rejected, na lahat ay mag-lead sa magiging life line ng publishing company. Mas na-appreciate ko ang mga editors nang ako ay makasama sa liga ng mga berdugo ng manuscripts.
Walang perpekto sa mundo kaya wag mong isipin na pwede kang maging perfect writer o ang editor mo ay dapat perfect editor. Walang ganon. But editors know what's best for your manuscript. Struggles pa rin ang pinagdaanan ko bilang editor. Syempre, andyan na ang tiwala ni Boss at ang kagustuhan kong wag ma-disappoint ang taong nagtiwala sa akin. Pero sa tulad kong writer lang noon, wala akong background sa pagiging editor kundi ang experience ko lang din bilang manunulat. Marami akong inaral uli. Mula sa gamit ng mga salita at punctuation marks, tamang pag-rephrase at pag-revise ng mga sentences hanggang sa assessment ng flow ng kwento at pag-critic ng buong kwento in general. Aminado, hanggang ngayon, inaaral ko pa rin ang mga ito kahit nasa kalagitnaan na ako ng trabaho bilang editor.
2014 nang magsimula ako bilang editor ng Kilig Republic. Iyon ang naging training ground ko. Wala pa akong masyadong alam noon aminado. For sure, iyong sumunod na proofreader nung mga in-edit ko, sumakit ang bangs. Pero mas nahulma ako bilang editor noong 2016. Binigyan ako ng bagong responsibilidad, ang Reedz Magazine. Sa dinami-rami ng choices, hindi ko rin alam kung bakit ako ang napiling humawak ng Reedz. Pero kung ano man ang reason ni Boss, thankful ako. Maliban pa sa KR and Reedz, nage-edit na rin ako ng ibang titles. Medyo marami-rami na rin ang MS na dumaan sa kamay ko bago naging libro.
At sa loob ng higit isang taon ko bilang full-pledged editor, marami na akong natutunan.
1. PATIENCE is a virtue. Capitalized na iyan, dahil talagang intense. Ang pagiging editor ay hindi para sa mga taong walang pasensya. Bilang editor, hindi ka lang naman reader na kapag ayaw mo nang basahin, pwede mong ihinto na lang. Gustuhin mo man o hindi, kailangan mong basahin ang buong manuscript. Kailangan mong mag-analyze, mag-critic at mag-edit.

BINABASA MO ANG
It's All 抖阴社区: A Not So Typical Journey of a Struggling 抖阴社区r
Non-Fiction抖阴社区r. Author. Storyteller. Ako. Ikaw. Tayo. Ang bawat writer ay may journey na nilalakbay mula sa kung kelan siya nag-decide magsulat hanggang sa kung paano niya naabot ang simpleng pangarap na published book. Gaya ng lahat, dumaan ako sa pag...