Another kind of friendly users iyong mga tipong magiging ka-close mo tapos bigla kang sisiraan sa ibang tao. I met these people sa site kung saan ako na-discover ng PSICOM. Sobrang bait nila sa akin... akala ko totoo eh. We even treated each other as siblings to the point na natutulog ako sa bahay nila at natutulog din sila sa bahay namin. Naging ganon kalalim ang pagkakaibigan namin. Pero dahil hindi ko lang napautang, siniraan ako sa lahat ng members ng site na iyon. Gumuho ang inakala kong magandang pagkakaibigan dahil sa pera. I lmost everything I had that time... my writing career, my readers, my co-writers turned friends. Pero lahat ay nag-backfire sa kanila nang walang naniwala sa scheme na kanilang pinagkalat against me. I was saved by other people's loyalty.
Naive nga ata ako noong mga panahong iyon. Ang bilis kong nagtiwala sa mga tao. Sobrang nadurog ako noong mga panahong iyon. Emotional kasi akong tao. I value relationships so much... so much that it hurts like hell whenever detachment moments come. Na-trauma ako noon. Nawalan ako ng tiwala sa lahat ng taong nasa paligid ko. Nagsimula akong magbago. Huminto akong makipagkaibigan. Natakot na akong magtiwala sa iba. I've learned na hindi lahat ng taong mababait ay mapagkakatiwalaan. Hanggang ngayon dala-dala ko sa puso ko ang malaking trust issue sa kapwa ko.
Matapos ang gulong iyon na pinagdaanan ko, umalis ako sa online community na iyon ng tahimik... wala akong pinagsabihan ng kung anumang nangyari sa pagitan naming ng owner ng website. Nirespeto ko pa din sila at tahimik na umalis. Minsang inanay ang utak ko at naisip ko ring huminto na sa pagsusulat. Pero pagkagising ko kinabukasan, binawi ko ang pagsuko. Few weeks after, nagsara na ang website na nilayasan ko. Ayoko mang aminin pero may konting tuwa akong naramdaman. Tila ang tadhana na ang bumawi.
4. Yabangan is Quite Real
Minsan talaga makaka-encounter ka sa internet ng mga taong sumalo ng lahat ng kayabangang ibinagsak ng langit sa lupa. Well actually, kahit sa personal, hindi talaga iyan naiiwasan. At sa mundo ng mga writers online, madami ring ganito. Yabangan is quite real. May mga writers na talagang isasampal sa cute mong chubby cheeks ang katotohanang mas angat sila sa'yo. Author's profile pa lang nila, lunod ka na sa "hangin" effect. Hindi nagtatapos sa profile ang lahat dahil once na makasalamuha mo sila online, wala nang lalabas sa kanilang bibig kundi kayabangan. Ipaparamdam nila na mas magaling sila sa'yo at ikaw ay second rate lang. Minsan nga maiisip mo na lang, bakit kung sino pa ang may ipagyayabang, sila itong humble? At kung sino iyong puro dada lang pala, sila iyong kung makapagyabang akala mo nasa gitna ng battle of pagyayabang.
May mga writers na pinapaabot sa utak ang achievements at hindi sa puso. Marami akong nakilalang published author ng isa o dalawang libro, biglang hindi na kami magkakilala. Tapos puro kayabangan na lang ang pino-post online. Samantalang noong pare-pareho pa kaming hindi published, feeling bff pa sila sa akin.
Ang bilis mo namang makalimot mayabang kong friend!
Starting Over Again
Iyong feeling na kung kelan nasa kalagitnaan ka na sa panonood ng isang online streaming video ay saka ka gagambalin ng notification na, "An error occured in this video. Please reload and try again later." Tapos kapag ni-reload mo ang webpage ay kailangan mong ulitin ang video at maghintay uli ng panibagong buffering moment. Nakaka-frustrate... nakakaiyak. Parang gano'n o maaaring higit pa ang naramdaman ko nang magdesisyon akong gumawa ng sarili kong blog. Kailangan kong magsimulang muli at this time, ako na lamang mag-isa at wala na akong support group.
Isang malaking challenge para sa akin noon ang paggawa ng blog site ko. Una, wala akong future sa web design. I suck in arts big time. Pangalawa, hindi ko alam kung paano ako paplanuhin ang lahat. Wala akong problema sa content, pero ang pag-post ng lahat ng stories ko sa blog... iyon ang malaki ko pang problema. Kakain kasi ng oras iyon. Nagtatrabaho pa ako ng 8-10 hours a day, 6 days a week. Paano ako makakapag-maintain ng blog pag ganon?
BINABASA MO ANG
It's All 抖阴社区: A Not So Typical Journey of a Struggling 抖阴社区r
Non-Fiction抖阴社区r. Author. Storyteller. Ako. Ikaw. Tayo. Ang bawat writer ay may journey na nilalakbay mula sa kung kelan siya nag-decide magsulat hanggang sa kung paano niya naabot ang simpleng pangarap na published book. Gaya ng lahat, dumaan ako sa pag...
Journey #5: 抖阴社区r's World Online
Magsimula sa umpisa
