抖阴社区

Journey #8: The Published Author Feels

Magsimula sa umpisa
                                    

5. Mabango pa ba ako? Syempre, kailangan ng paligo-pabago scheme bago mag-signing. Para 'pag lumapit sa'yo o yumakap sa'yo ang reader, amoy tao ka pa din.

Marami-raming book signing events na ang nasamahan ko. Hindi pare-pareho ang ganap sa iba't ibang signing events. May mga pagkakataong maraming nagpapa-sign sa akin, meron namang dinadaanan-daanan lang ako. May ibang mabait na bumabati muna bago ako lagpasan. May lumalapit para magpa-picture lang sabay sabing, "Ate di po ako nakabili ng libro mo kasi wala na po akong pera. Pag-iipunan ko po, promise!" Kung mayaman lang ako, baka nga ipamigay ko lang ang libro ko para mabasa nung di makabili. Pero sad to say, hampaslupa rin lang ako. Hahaha.

Sa pagsama ko sa ganitong events, na-realized ko kung gaano ka-aappreciative ng mga readers. Nagbibigay sila ng kung anu-anong regalo, pagkain, letters at kung anu-ano pa. Tinitiis nila ang haba ng pila, init ng panahon, siksikan at tagal ng paghihintay maka-face to face lang ang author na pinilahan nila. Oo, hindi naman kasing dami ng sa iba ang lumalapit sa akin para magpapirma at magpa-picture, hindi naman matatawaran ang kakaibang heartmelting emotion na nararamdaman ko tuwing sinasabi nilang gustong-gusto nila ang kwentong sinulat ko.

Modus-Operandi sa Bookstore

Hindi lang ang writer ang naglalakbay. Kasabay ng manunulat ay naglalakbay din ang published book niya. Iluluwa ng printing machine, mapupunta sa packaging, ilalagay sa warehouse, ide-deliver sa distributors, ilalagay sa book shelves sa bookstore, kukunin ng potential buyer, mang-aakit sa pamamagitan ng teaser, babayaran sa counter at iuuwi sa bahay. Minsan nga, may extended journey pa ang libro mo. Matapos itong iuwi ng reader, babasahin muna ng nakabili, pagkatapos ay ipapahiram pa niya sa kapatid, kaklase, kapitbahay, kabarangay para everybody happy!

Laman ako ng bookstores mula nang mahilig akong magbasa. Iyon nga ang una kong hinahanap pag pumupunta ako ng mall. Bookstore din ang favorite naming meeting place kapag nagkikita-kita kaming magkakaibigan. Pare-pareho kasi kaming bookworm. Noon, ang afford ko lang bilhin ay mga tagalong pocketbooks. Kaya iyong mga English books, binabalik-balikan ko na lang ang open copy para tapusin. Hehehe. Pasaway pa nga kami ng best friend ko. Pag walang open copy iyong book, pasimple naming binubuksan ang isang copy at isinisiksik sa likod ng shelf ang plastic. In that way, nababasa namin iyong book. Sa mga bookstores na nabiktima namin, sorry po. Hehehe.

Nang maging published author ako, nadagdagan ang rason ko kung bakit palagi akong pumapasok sa bookstores. Maliban sa paghahanap ng new books at pasimpleng pagbabasa, gawain ko rin ang tingnan kung may stock pa ba ng libro ko. Mainam kong hahanapin ang mga copies ng libro ko at ilalagay ko sa unahan ng shelf. Para pag may tuminging potential buyer sa shelf, bubungad sa kanila ang bonggacious kong books. Sorry na sa mga natakluban kong libro. Kailangan ko itong gawin para sa ekonomiya.

Pag marami akong time, binabantayan ko pa nga ang mga libro ko. Pag may dumadampot at nagbabasa ng teaser, nananalangin akong sana bilhin na niya. Minsan successful, minsan wa epek ang panalangin ko. Swertihan nga lang talaga.

Minsan pa, nagpapanggap din ako buyer ng book. Binabasa kuno ko ang teaser ng sarili kong libro. Tapos sasabihin ko to no one in particular na, "Parang ganda ng book na ito." One time ginawa ko ito, may sumagot sa akin ng, "Oo, ate maganda iyan. Nabasa ko na iyang Bukas Na lang Kita Babastedin. Try mo iyong isa pa niyang sinulat. Iyong Love Moves in Camera Ways. Maganda rin." O di ba? Sales talk pa more si Ineng!

Kung alam lang niya na ako iyong writer no'n. Haha. Ang sarap sa puso nang mga sinabi niya. One time pa, dadamputin ko pa lang ang latest kong book, may teenager na na chumika sa akin. Sabi niya, "Ay ate, maganda iyang When God Made You. Nakakaiyak sa ganda ng kwento."

"Talaga?"

"Oo ate, ang hirap mag-move on. Ay, spoiler na ako. Basta maganda talaga ate 'yan. Pinahiram ko nga sa kaklase ko eh."

It's All 抖阴社区: A Not So Typical Journey of a Struggling 抖阴社区rTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon