抖阴社区

Journey #8: The Published Author Feels

Magsimula sa umpisa
                                        

"Ah, thank you." Alam ko akala niya nag-thank you ako kasi nagbigay siya ng recommendations. Nag-thank you ako kasi na-appreciate niya ang sinulat ko.

Hindi ko alam kung bakit trip kong magpaka-anonymous pag nasa bookstores ako. Para kasing ang yabang naman kung ipangalandakan kong ako iyong author ng librong iyon. Pero alam naman ng staff ng bookstore na published author ako kasi minsan chinichika ko sila regarding sa sales ng books ko.

Isa pa sa trip ko ay bumili ng sarili kong libro. Oo, mas mura kung sa warehouse bibili. Wala lang, sinusuportahan ko lang ang sarili ko. Hahaha. Kaya 'pag may extra money ako, bumibili ako ng libro ko sa bookstores tapos pinapamigay ko lang sa friends ko. Alam mo na, pag friends mo, hindi bibili ng libro mo.

My Version of Writing

Dahil naging ganap na akong manunulat, na-develop din ang mga writing habits ko. Ang iba, normal, ang ibang pang-abnormal na daw. Kayo na lang ang humusga. Basta ang masasabi ko lang, out of these habits ako nakakabuo ng mga kwento.

1. Pag magsisimula ako ng bagong kwento, hindi ko muna iyon iniisip ng bongga. Manonod muna ako ng tv, mag-Facebook, o maggagala sa mall. Bakit? Di ko rin alam eh. Mas maraming pumapasok sa isip ko pag di ko iniisip na may susulatin ako. Kusang lumalabas ang idea sa akin pag chill lang ako. Chills!

2. Isang araw ang sasayangin ko para mag-isip ng character profile. Pag dating sa pangalan, wala akong masyadong problema dahil nabanggit ko nga, madalas reader's name ang character ko. Pero ang profile nila mismo, pinag-iisipan ko iyon. Tinitimbang kung common na ba o hindi. Kung bagay ba sa pangalan o hindi. Basta dinidibdib ko ang profiling.

3. Madalas akong nagsusulat ng story plot sa notebook gamit ang isa sa mga colorful kong pens. Minsan green, pink, brown, o violet. Depende sa trip ko ang kulay.Minsan lahat ng kulay nagagamit ko. Kasama pala sa package ng plotting ko ang sulat-kamay kong ako lang ang nakakaintindi. Clue: Mas malupet pa sa sulat- doctor sa resetang gamot para sa sakit mo. Hindi ko tinatapos agad ang plot sa papel pero binubuo ko sa isip ko ang vital parts; beginning, middle, climax, resolution, ending. Pero ang detailed plot ko sa notebook, hanggang sa two chapters lang muna. Paraan ko iyon para bigyang laya ang sarili kong mag-isip pa ng mas magandang eksena kung saka-sakali.

4. Inihahanda ko ang sarili few hours bago ako magsulat. Minsan nga a day before pa e. Paano? Halimbawa, nakaplano akong magsulat sa umaga. The night before, iniisip ko na ang huling eksena na nasulat ko. Kasabay noon ay iniisip ko na rin kung ano ang susunod. Sila ang huli kong iisipin bago ako matulog at sila rin ang una kong maiisip pagkagising ko sa umaga habang gumagawa ng morning household chores. Paraan ko iyon para pag-upo ko sa harap ng laptop, prepared na ako, mentally and emotionally.

5. Kapag wala akong maisip idugtong sa sinusulat ko, naglalaba ako, naglilinis ng banyo, nagwawalis, at nagpupunas ng sahig. Hindi ko alam kung anong meron sa pagiging inday at biglang nakakaisip ako ng eksena pero ganon ang nangyayari.

6. Ang pinakamagandang eksena na ultra mega feels at puno ng emotions ay dumarating tuwing naliligo ako, pati kapag naweewee at naano... alam mo na. Hindi ko alam kung anong meron sa banyo pero effective. Try n'yong mag-isip habang nasa banyo.

7. Habang nagsusulat ako, gusto ko maingay. Dalawang ingay ang tanggap ng writer self ko. Ang ingay ng tv, madalas na nasa Cinema One Channel o sound trip mula sa di mawaring random playlist ko.

8. May weird habit ako when it comes to music. Bawat kwentong sinusulat ko, meron akong isang song na palagi kong pine-play habang nagsusulat. Parang "theme song" ng siya ng story ko, Pero ang nakakaloka, walang kinalaman ang song sa kwento. Minsan, pa nga kung kelan nasa dramatic scene ako, RNB songs or EDM pa ang trip kong pakinggan. At kapag naman medyo comedy ang eksena, heartbreaking songs naman ang pinapakinggan ko. Fan din ako ng classical music, as in authentic classical music nina Mozart, Ravel, at Beethoven. Minsan sila rin ang trip kong pakinggan.

It's All 抖阴社区: A Not So Typical Journey of a Struggling 抖阴社区rTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon