抖阴社区

Journey #8: The Published Author Feels

Magsimula sa umpisa
                                        

9. Sa kalagitnaan ng pagsusulat ay bigla na lang akong hihinto para sa dalawang dahilan:

Ø Ang ganda ng song! Ni-lip sync ko. Iyong parang Dubsmash ang peg. Kasalanan ito ng pagiging frustrated singer ko na hanggang frustration na lang. Walang pag-asa, bes!

Ø Wow, my favorite EDM Music! Tatayo ako at magsasayaw. Dancer ako nung payat pa ako este bata pa ako. Hahaha. At hanggang ngayon, favorite past time ko pa rin ang sumayaw. Kaya pag nag-play ang mga favorite dance songs ko, go pa rin ako sa pagsayaw. Pero ginagawa ko lang ito tuwing mag-isa lang ako. Minsan na akong nahuli ng tatay kong nagpapakalokaloka. Ayoko nang maulit. 'Pag tapos na ang song uupo na ako uli at babalik sa pagsusulat na parang walang kabaliwang naganap.

Ito ang dahilan kung bakit hindi ako pwedeng magsulat sa coffee shop. Baka kaladkarin ako ng guard palabas. Hahaha.

10. Mayroon akong CSS as in Chapter Seven Syndrome. Iyong kapag Chapter Seven na ang sinusulat ko, nalulugaw ang utak ko. Nagkakaroon ako ng writer's anxiety o nawawalan ng konting mood. Iyong kahit okay naman ang plot ko, hindi ko ma-feel ang characters at ang eksena kaya humihinto muna ako. Hindi ko rin alam kung bakit at hindi ko pa nagu-Google ang posibleng cause ng syndrome na ito. Mga one week kahit pilitin ko ang sarili ko, wala talaga. Pero pagkatapos ng isang linggo, masusulat ko na ang Chapter Seven onwards.

11. One reason kung bakit hindi ako pwedeng mag-drive ay ang hobby kong tumulala at mag-isip ng kwento habang nasa byahe. Iyong nakadungaw lang ako sa bintana, earphones on with music, sight seeing lang sa daan, tapos may eksena nang sumusulpot sa utak ko.

12. Nagsusulat din ako habang nage-edit ng manuscript ng iba. Pero para iwas impluwensya, kapag romance ang ine-edit ko, nagsusulat ako ng horror or essay type tulad nito. Pag horror ang ine-edit ko, nagsusulat ako ng romance. I feel more productive that way.

13. Pag nauubusan ako ng kilig feels sa katawan, Koreanovelas, Jdramas, at Thai Horror Movies lang ang katapat niyan. Pero hindi ako nagsusulat after manood ng romance-related movies or dramas. May tendency kasi na maiwan sa isip ko iyong image ng huling Oppa na napanood ko kaysa sa sarili kong character. Mawawala ang consistency. Pero pag Thai horror movies ang pinanood ko, sulat agad ng romance after. Malayo-layo naman ang image ng mga chakaness na mumubels sa image ng character ko kaya okay lang.

14. Kapag nagsusulat ako, buhos lahat ng puso, emosyon at kaluluwa ko sa sinusulat ko. Dama ko ang sakit, ang lungkot, at ang takot na nararamdaman ng characters ko. Kaya may chances na bigla na lang akong umiiyak habang nagsusulat o kaya naman ay ngumingiti na akala mo'y kinikilig ako o literal na tumatawa nang malakas. In short, baliw. Another reason why hindi talaga ako pwedeng magsulat sa labas. Agaw-eksena ako. Haha.

15. When boredom strikes at gusto kong mag-isip ng isusulat, pumupunta ako sa sementeryo. Wala akong dinadalaw. Gusto ko lang maglakad-lakad, tumingin sa mga pangalan sa lapida, malungkot saglit pag nakakita ako ng libingan ng mga bata, mas malungkot pag nakakita ng maraming pangalan sa isang lapida. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko ang solemnity ng sementeryo. Parang mas nararamdaman ko ang pakiramdam ng namatayan, ng buhay, ng namatay. Pero ginagawa ko ito nang may sikat pa ang araw. Ayokong makipag-bonding sa mga mumubels. Nakakakita pa naman ako. Creepy!

16. Kapag meron akong moral lesson or inspirational inputs na ilalagay sa story ko, nagdadasal muna ako kay Lord bago magsulat. Pinapanalangin ko sa Kanya na iyong isusulat ko ay umayon sa kung ano ang gusto Niyang gawin ko para makapagbigay inspirasyon sa iba.

17. There's one thing common ang mga stories na sinusulat ko. The heroines favorite expression is, "Hohemji" ma-H version ng OMG! Why like that? Wala lang, trip!

抖阴社区r Self towards Readers

Masarap maging writer. Biro mo, sa pagsusulat mo, magagawa mong mag-create ng mundong ang mga characters mo at readers mo lang ang makaka-relate. Masarap din kausap ang mga readers. Ipaparamdam nila sa'yo kung gaano nila na-appreciate ang sinulat mo kahit sa simpleng messages lang. Ipapaalala nila sa'yo ang sense of fulfilment mo bilang isang manunulat. Pero minsan talaga, nakakaloka din silang kausap.

It's All 抖阴社区: A Not So Typical Journey of a Struggling 抖阴社区rTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon