2. PATIENCE is a virtue version 2.0. Mas matinding patience ang kailangan mo towards handling writers. Gaya ng nabanggit ko na sa librong ito, may iba't ibang ugali ang mga writers. May iba't iba silang concerns na kailangan mong i-handle ng ayos. May iba't iba silang situations na kailangan mong unawain. In my case, hindi ko na mabilang ang authors na handle ko.
3. Respect is a big word. Sabi nga nila, ang respeto binibigay at hindi hinihingi. Palagi kong pinapaalala sa sarili ko na sa kahit anong sitwasyon, kailangang manaig pa rin sa akin ang respeto sa mga kapwa ko manunulat, kapwa ko editor at syempre sa mga taong may nakakataas na posisyon sa publishing company. Kaya kahit hindi ako respetuhin, ako na lang ang umuunawa. But as far as I'm concerned, most naman ng mga writers ng PSICOM ay kinikilala ako bilang "ina" nila. Kaya kung marinig n'yo o mabasa n'yo sa FB comments na may tumatawag sa aking, "Queen mother of all," tumawa na lang din kayo. Iyon ang way nila para ibalik ang respetong binigay ko sa kanila.
4. You are the mother of your children. Related to previous statement, bilang editor, ikaw ang magiging ina ng writer sa industry. Ikaw ang gagabay at magtuturo sa writer ng mga bagay na makakabuti sa kanya at sa kanyang manuscript. At tulad ng isang ina, hindi natatapos ang responsibilidad ng isang editor sa pag-publish ng libro ng writer. Hangga't nasa iisang publishing sila, mananatili silang mag-ina.
5. Rejecting manuscript will never be easy. Hindi talaga ito madali lalo na para sa akin na isang writer din. Alam ko kung gaano kasakit mga beshie! Pero kasama sa trabaho ko ang evaluation. Hindi maiwasan na one way or another, nare-reject ko ang ilang writers/manuscripts. Labag man sa kalooban pero iyon ay kailangan. Mas mabigat pa sa loob kapag ang manuscript na ni-reject mo ay sinulat ng isa sa mga kaibigan mo. Ilang beses nangyari ito sa akin. Buti na lang hindi ako na-friendship over.
6. Hiwalay ang personal sa trabaho. May mga kaibigan akong writers, hindi naman maiiwasan dahil magkakaliga lang kami. But when it comes to evaluation of manuscript, walang kaibigan. Tinitingnan ko ang manuscript bilang isang ordinaryong manuscript. Hindi ko iniisip na kaibigan ang nagsulat. Kailangan kong magbigay ng fair judgement. Kung talagang mali, mali. Kung talagang di pwede, ire-reject ko. I remember one of my KR authors. Since tropa ko siya, sabi niya, doon siya sa bahay magre-revise at edit ng manuscript niya matapos kong katayin ang MS niya. Once in a while, pinapa-check niya sa akin ang ginawa niya. Pag mali, pinapaulit ko. Paiyak na si friend noon. Sinabi ko na lang na, "Beks, sensya na. Editor mo ako ngayon, hindi mo ako beks!"
7. Fulfilling kahit nakakapagod ang maging editor. Three weeks hanggang isang buwan mong ie-edit ang isang libro, minsan umaabot ng dalawang buwan pa. Totoong nakakapagod mentally pati emotionally. Pero kapag lumabas na ang librong in-edit mo at nakita mo na ang writer na masayang pumipirma sa kanyang libro sa book signing events, makakalimutan mo na ang pagod mo. Natupad na ang pangarap nilang maging writer at bahagi ka noon, i-recognize man nila o hindi.
Reasons to be thankful, I'm in!
Minsan, puro tayo ambisyon. And then, kapag natupad na ang pinangarap natin, nakakalimutan naman nating magpasalamat. Marami akong dahilan para magpasalamat sa lahat ng mga taong naging bahagi at magiging bahagi ng writing journey ko. Binigyan ako ng publishing industry ng colorful na experience enough para mabuo ko ang librong ito. Malaking bahagi ng buhay ko ang umikot sa publishing industry higit pa sa pinangarap ko. At ito ang ilang sa mga dahilan kung bakit kulang pa ang thank you para maging thankful.
1. As of the moment mayroon akong 11 released books sa market under my name at alam kong more to come pa. Ang isa sa mga ito ay collaboration namin ni writing partner, ang isa ay iyong co-writer ako ng isang DJ at ang isa ay kasama ang selected authors ng PSICOM.
2. May mga contributions din akong short stories sa True Philippine Ghost Stories, sa libro ni Bryan Olano at sa libro ni Stanley Chi. At nakasama na rin ang short story ko sa centennial celebration book ng De La Salle- ang 100 Treats of Short Stories.
3. 35 books and still counting na ang dumaan sa kamay ko bilang editor. Meaning, 35 na pangarap na ng mga writers ang proud kong nasaksihan.
4. From a struggling writer, naging mentor na rin ako ng mga writers. Ilang beses na akong nag-talk about writing sa iba't ibang writing workshops at patuloy na nagbabahagi ng aking knowledge in writing sa Bookada School Caravan project ng PSICOM. Masaya akong maging inspirasyon sa mga kabataang gustong maging successful writer someday.
5. Awa naman ni Lord, nadadagdagan na ang mga readers na nakakakilala sa aking mga stories. Iyong lima kong fans, naging sampu na. Charet!
6. Proud na sa akin ang mga magulang ko, big time.
7. Dahil sa pagsusulat ko, nagka-love life ako. Ayieeee! Hahaha. I'm proud to tell the world na isa sa mga readers ko ang nagawang sakyan ang pagkabaliw ko. I ended up marrying my avid reader after being in stable relationship for three years.
Sa lahat ng naging bahagi ng writing career ko,maraming salamat. Sa tatlong pc na nagamit ko mula kay Windows 95 to Windows XP na may monitor na diagnosed with Hepa A, maraming salamat sa puyatan sessionsna di n'yo ako binigo. Sa laptop na gamit ko hanggang ngayon, wag kang mag-give up baby. Marami pa tayong deadlines nahahabulin. Haha. Sa lahat ng notebooks kong punung-puno ng sulat-kamay kong ako lang ang nakakabasa, kahit luma na kayo,hindi ko kayo itatapon promise. Sa mga kapeng nalaklak ko at lalaklakin pa, cheers! Sa iba't ibang-kulay na ballpens,salamat for making my life colorful. Kahit pangit handwriting ko, gumanda ang libro kasi makulay. Haha. Sa ballpen napalagi kong gamit sa book signing event, maraming salamat sa pagpapasaya sa mga readers na naglaan ng pera at panahon para mapapirmahan ang aking mga libro. At higit sa lahat, salamat kay God na siyang naging author ng buhay ko. Patuloy N'yo po akong gawing instrumento N'yo upang magbigay inspirasyon sa ibang taong nangangarap ding maging writer tulad ko.
BINABASA MO ANG
It's All 抖阴社区: A Not So Typical Journey of a Struggling 抖阴社区r
Non-Fiction抖阴社区r. Author. Storyteller. Ako. Ikaw. Tayo. Ang bawat writer ay may journey na nilalakbay mula sa kung kelan siya nag-decide magsulat hanggang sa kung paano niya naabot ang simpleng pangarap na published book. Gaya ng lahat, dumaan ako sa pag...
Journey #9 : I'm a survivor!
Magsimula sa umpisa
