抖阴社区

Chapter 2: Disappointed

9K 269 273
                                    

"Raea! Astraea! Here!"

Tumigil ako sa paglalakad sa gitna ng field nang marinig ang pangalan ko. Inayos ko ang glasses ko para makitang mabuti ang tumatawag sa akin. Nanliliit ang mata ko sa kakatanaw.

Sa hindi kalayuan na bench ay naroon si Avoc, kumakaway kasama ang mga pinsan namin.

Bumuntong-hininga ako.

Imbes na magpatuloy sa paglalakad patungo sa council's office ay tinungo ko na lamang ang bench kung nasaan sila.

Nagtatawanan sila and I bet, iyong mga cheerleaders na naman na nagpa-practice sa field ang pinagdidiskitahan.

"Glasses again? Where's your contacts?" Si Avoc nang nakalapit na ako.

I saw my brother, Astov who shouldn't be here. He's in college now kaya bakit nandito siya sa department namin? Baka nasulsulan na naman ni Avoc. Ang lokong talaga 'to. Napaka bad influence.

"Masakit na ang mga mata ko sa contacts. Kailangan na atang palitan." kibit ko at umupo sa tabi ni Argus. He pinched my nose. Awtomatik naman na lumagapak ang braso niya sa hampas ko.

"Ouch." Sabay himas niya sa braso. "Napaka sadista naman ng Rae-Rae namin."

Ngumiwi ako. Inayos ko muli ang aking glasses nang naramdaman bumaba na naman sa aking ilong habang iniisa-isa ko ang mukha ng mga pinsan. Agad naman nangunot ang aking noo nang nakitang may naligaw na naman sa grupo.

The girls are not here. Aph is also college now like Astov so she's not here. Si Amanda ay baka nagpapapansin na naman sa crush niyang si Errand. Si Andro ay nasa field at tuma-tumbling dahil isa siya sa mga cheerleaders. Tanging ang tatlo ko lang talaga na mga lalaking pinsan, si Astov at si Steno ang narito.

Ngumiwi ako sa presensiya ng pamangkin ni Uncle Gio.

Simula noong unang araw nito ay madalas ko na siyang nakikita rito. Kung hindi mga pinsan niya ang kasama, mga pinsan ko naman.

Sa paraan ng pakikipagtawanan niya sa mga pinsan ko, para bang matagal na silang magkakilala at ngayon lang nagkita ulit. Mukhang close na close na silang lahat. Magkasundong magkasundo. Noong una naninibago pa ako kasi hindi sanay na may ibang pinapakisamahan ang mga pinsan at kapatid ko pero kapag naaalala na Delavingne nga rin pala ang isang 'to ay hindi na ako nagtataka. Like I said before, we're very close with the Delavingnes. They are our childhood friends, I mean they are my cousins' childhood friends. Hindi ako kasali kasi ayokong makipag kaibigan sa kanila. They are so chaotic and noisy. Mas malala pa sa mga pinsan ko.

"What's wrong with your eyes? Kakapalit mo lang ng contacts, ah?"

Nilingon ko si Astov na nasa itaas na parte ng bleachers. Nakatukod ang kanyang siko sa kanyang tuhod habang nakatunghay sa akin.

Nahagip ng tingin ko ang paninitig sa akin ni Steno. Inirapan ko ito. Tumawa siya sa aking reaksyon kaya mas lalo ko itong nandidiring tinapunan ng tingin.

Hindi na bago sa akin ang mahuli itong nakatitig. Lagi'y ganyan. Bago ko pa man siya nakikita, nasa akin na agad ang tingin nito. Kahit saan pa kami nagpapang-abot. Sa cafeteria man, sa field, sa auditorium o kahit sa court pa kung nagbabasketball ito. Nakatingin na siya bago ko pa man siya nakikita. And my reaction will always be the same.

"Ewan." Masungit at tipid na sagot ko lang sa kapatid.

"Raea," banta nito.

I rolled my eyes.

"What? Ano bang mali sa mata ko? May sira nga, diba? Tss."

Tinalikuran ko siya at tinuon ang tingin sa field kung saan nasa itaas na ng human pyramid si Andromeda. Kumaway siya sa banda namin. Avoc waved back and whistled proudly for his sister.

Fade Into You (Astraea Sullen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon