TANYA'S POV:
Masaya akong malungkot. Malungkot kasi nag-aalala ako kay Inang at wala na syang kasama sa probinsya. Kahit na sabihing kalapit bahay nya lang si Ate ay iba pa rin ang may kasama sa loob ng bahay. Pero kailangan ko ring mawalay sa kanila ng panandalian para sa kinabukasan ko. Higit sa lahat, para makalimutan ko rin pain ng aking last relationship.
Yes... I am broken-hearted at gusto kong mapabilis ang aking paglimot kaya walang second thought na sumama ako rito kay Kuya sa Manila. Then I realized, makikita ko na rin pala ang long lost bff ko na si Janna.
"Kamusta ka na Janna?" bati ko sa kanya habang nakaupo sa gilid ng kama nya.
"Ayos lang naman, ganito pa rin," pormal nyang sagot at parang naiilang sya sa kin. Nagliligpit sya ng ilan nyang mga gamit.
"Pasensya ka na medyo magulo 'yung room ko ha."
"Okay lang ano ka ba? Tumigil ka nga dyan at magkuwentuhan tayo."
"Anong oras na ba? Gusto mo ba lumabas tayo? Somewhere, treat ko."
"Ah... balita ko nga may part time job ka raw, iapply mo rin kaya ako?"
"Kaya mo ba? Magconcentrate ka na lang sa studies mo no."
"Hoy, di porket probinsyana ako, mahina ang tingin mo sa kin, matapang yata ako no! "
"Oh sige na, ilalakad kita dun sa manager ko."
"Diba hanggang madaling araw pa yung resto nyo? Tara punta tayo dun, inom tayo."
Namilog ang mata ni Janna sa gulat
"Huuwaaat? Umiinom ka?"
"Hindi masyado, pero gusto ko lang ngayon, gusto kong maglibang, ang makalimot."
"Ha? Bakit naman?'
"Broken hearted ako.""Naku, mukhang mapaparami inom mo dyan ha. Huwag na, sa ibang araw na lang. Gabi na."
"Sige na pleeeaaassse..."
JANNA'S POV:
Parang bata naman si Tanya na nagmakaawa sa king lumabas. Hindi naman ako nagdalawang isip kasi sa lambing ng boses nya ay hindi mo sya mahihindian. Pero medyo may dating sa akin nung sinabi nyang broken hearted sya, ibig sabihin may nakarelasyon na sya. Daya! Samantalang ako, nbsb pa rin.
"Oh anong gagawin mo pa? Tara na!" Parang nagmamadali nyang pag-aya sa kin.
"Wait lang magbibihis pa kaya ako."
"Mag pants ka na lang, huwag mo ng palitan yang tops mo."
"Ha? ok ka lang? Conservative pa rin ako no! Ikaw, hindi ko alam parang andami mo ng pinag -iba?"
"Lahat naman Janna nagbabago." (At sana bigla ka ring magbago Tanya at gustuhin ako.)
Nagtatali na lang ako ng buhok ng tumunog ang cellphone ko sa may kama. Si Tanya pa ang nag-abot sakin.
"Hello!"
"Hello Janna! Kumpleto ang high school tropa natin ngayon, ikaw na lang kulang punta ka rito, dali."
"Ah Wella, actually pupunta talaga ako dyan, okay lang ba kasama ko sya?"
"Ikaw bahala. O sige, wait ka namin ha?"
Pagbaba ko ng phone ay kinuha ko na yung bag ko at pinatayo na si Tanya.
"Lika na!"
"Sino yun?" tanong nya habang sinusuot nya ang sandals nya.

BINABASA MO ANG
She Holds the Key (gxg Completed )
RomanceGxg Completed Feb.2014~Sept.2014 Highest Ranking: No.1 gxg July 2018 This is my first Story. Sorry sa mga typo errors. This is a story of a girl who was confused to whom she will gonna give her heart...To her childhood crush or to the one who openl...