抖阴社区

Kabanata 5

27 1 0
                                    

The Gift ( part 1 )


" Congratulations graduates!" Ngayon ang araw ng pagtatapos namin sa kolehiyo,dahil magkaiba kame ng school ni Erick ay mas nauna silang gumadruate sa amin.

" Omygosh! We're finally done! Congrats friends! Oy magkikita kita pa rin tayo ha?" excited na yumakap sa amin si Mel. Although may mapapasukan na 'kong trabaho sa isang hotel-resort ay kinakabahan pa rin ako. Unlike me, si Mel at si Morris ay parehong pagsasabayin ang pagmomodel at office work sa kani kanilang kompanya. Ganon din naman sila Jigz, Harris at Zack sila naman ay magmamana ng posisyon ng kani kanilang magulang sa kanilang kompanya rin. At si Erick naman ay nagsimula na noong 3rd year pa lamang kame sa pagiging Engeneer kaya wala na rin siyang problema.

Abala ako sa pagmumuni nang may humawak sa kamay ko. "Lutang ka na naman? " ang naka ngiting Erick ang bumungad sa akin.

" Ano naman? " Nakataas kilay kong baling sa kanya.

" Tara pasyal tayo? " Kinakabahan ako sa mga ganyang ngiti niya eh. Nahalata niya ata ang pagkailang ko sa kanya kaya inilapit niya pa ako lalo sa kanya. " Ito naman masyadong takot, ibibigay ko lang naman ang gift ko sa'yo eh! " then he winked. The smile, and now the wink? oh I so wanna die right now!

" Teka, man lilibre daw si Zack eh" sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero talagang walang balak bitawan. Hinila niya ako patungo sa deriksyon nina Zack at Jigz na masayang nag seselfie.

" Pre pwede bang ibalato niyo muna sa'kin si Nick? May pupuntahan lang kami. Promise she'll be back by 6." takte parang nagpapa alam lang sa magulang ko 'to ah? At ito namang mga mokong tinitigan pa ng intense si Erick sabay naki pagbulungan pa sa mga girls na bagong dating.

" Okay bro. But make sure-" tinakpan ni Mel ang bibig ni JigZ. Hmm parang may mali eh.

" What Jigz mean is okay ba! Kahit hindi mo na ibalik yan! Enjoy ha?! " hindi ko gusto ang sinabi ni Mel, parang may halong nakakaloko.

" San ba talaga tayo pupunta Erick? Gutom na kaya ako! " halos 3 oras na kameng bumabyahe at ang masama pa sa surprise na 'to required pang ang nakapiring!

" Kung asido lang 'tong pwet ko natunaw na 'tong upuan ng kotse mo!"

" That's okay , it's worth it naman " kahit naka piring ako ay alam kong nakangiti siya sa akin, dahil ramdam ko na naman ang pakiramdam na parang tagos sa buto kapag nakatitig siya sa akin .

" Di ka na nakakatuwa Jean Erick ha! Isusumbong talaga kita kay tita!" naiiyak na talaga ako, feeling ko ginu good time lang ako ng mokong na 'to eh!

Natatawang sumagot si Erick " Hush baby, wag kang atat. Anyway sila rin naman ang puno't dulo nitong trip na 'to eh. This was all my moms idea so.. you better behave and wait until we reach the place okay?" alam kong nakangiti ito na parang asong u**ol eh! Humanda ka talaga sa akin pagbaba ko dito! Kalbo ka sa akin mam'ya!

The Man Who Can't Be MovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon