抖阴社区

                                    

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa sinabi nya sakin. Pero nalaman kong marami pala kaming niloko ni jensen. Ang galing lang. Akala ko pa naman close to perfection na sya. Kaya naman pala hindi mahulog ang loob ko sakanya e. Sadyang hindi pala dapat. Kinuha ko yung invitation at tinitigan. Nagulat pa ko nung nagsalita yung waiter at nilapag yung pagkain ko. Iniabot ko sakanya yung credit card ko at hindi ko na nakuhang bigyan ng pansin ang pagkain. Nabusog ako bigla sa confrontation ni Kimmy. Ilang buwan nalang pala at ikakasal na sila. Ang malas lang ng babaeng ito. Pakakasalan talaga nya si jensen? Goodluck talaga sakanya. Alam kong marami pang babae ang lolokohin at papaiyakin ni jensen. Pagmamahal pa ba yun? Katangahan na yun diba? kawawa talaga si Kimmy.Aalis na ko pero nakita ko pa rin yung babae sa labas.nakatingin sya sa resto at parang may hinihintay.Nakasalampak pa rin sya sa sahig. Dinaanan ko sya pero napatigil ako nung tinawag nya ko. "Miss? Miss sandali!" gumagaral at paos yung boses nya sa kakaiyak. Nilingon ko sya at nakita kong nahihirapan syang tumayo dahil sa tiyan nya kaya dali dali ko syang nilapitan at inalalayan. Ngayon ko lang napagmasdang mabuti ang mukha nya. Kahit maga yung mata nya ay maganda sya. Maputi at nung nagpasalamat sya ay may dimples na lumabas kahit hindi sya ngumiti. Hindi naman sya mataba kahit buntis.matangkad sya.Kahit hindi sya nakaheels ay mas matangkad sya sakin. Nakamaternity dress sya at halatang mayaman.Wala syang make up. Ginamit nya din ang tissue na binigay ko sakanya kanina.

" Sorry pala sa ginawa kong pagsigaw kanina ha. Hindi ko sinasadya" hirap syang magsalita at humahagok pa. "I understand" simple kong sagot at nginitian ko sya. She hesitated pero nagsalita pa rin sya "May gusto ko lang sanang itanong." tumango ako at inilarawan nya sakin ang isang lalaki. Napakurap ako sa description nya. I know si jensen ang dinidescribe nya kahit hindi nya sinasabi ang pangalan nito.Tinatanong nya kung nakita ko daw ba sa loob.Wala sa loob na napatingin ako sa tiyan nya at napahawak naman sya dito. Tinignan ko sya at napaluha nanaman sya. "Hinahanap ko kasi ang daddy ng baby ko. Ayaw nya na kasi akong makita pagkatapos nyang malamang buntis ako." Napaawang ang labi ko at ramdam kong nanlaki ang mga mata ko. Umiiyak na naman sya at hindi na sya halos makapagsalita. "Naniwala akong mahal ako ni jevon kaya kahit ayaw sakanya ng family ko, i chose him. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Itinakwil na nila ako." napaupo sya at humagulgol nanaman.

Sobrang galit ang naramdaman ko.Hindi ko na alam ang tamang pag iisip pero bigla akong bumalik sa resto.Hinanap ko yung office ni jensen at bara bara kong binuksan ang pinto kahit pinipigilan ako ng staff nyang pumasok. Nakita kong nagulat sya sa pag invade ko ng privacy nya. Nagpaliwanag ang staff nya pero nagwave lang sya para tumigil na yung staff sa pagsalita ay pinaalis na din nya. Ngumiti sya sa akin na para bang walng nangyari kaya lalo pang kumulo ang dugo ko. Nilapitan ko sya at sinampal ng ubod lakas. Kung nasaktan man sya, hindi ko napansin. Sasampalin ko sya ulit pero napigil nya ako at marahang tinulak palayo. Inis ang nakita kong reaksyon nya at tinalikuran nya ako. "What are you doing here?" antipatiko nyang tanong. Hah! ako lang naman yung niloko nya at parang walang nangyari? May babae syang binuntis at sinira ang buhay pero andito sya, cool lang at magpapakasal habang may batang hindi pa man nilalabas sa mundo e nagdudusa na sa walang kwentang ama nya na hindi sya kikilalanin. Anong klaseng tao ba ang nasa harap ko? Naksyalikod pa rin sya at halatang ayaw nya ko kausapin pa kaya sinabi kong ang sama sama nya. Isang malutong na tawa lang ang sinagot nya kaya lalo pa akong nagalit. Nakita kong puno pa ang wine glass nya kaya kinuha ko yun. Nung lumingon sya sakin and told me to leave itinapon ko yun sa mukha nya, then the wine glass after. Gulat na gulat sya sa ginawa ko and im smiling like an idiot for doing that.Nagmamadali akong lumabas dahil baka masaktan nya pa ako. I'm so happy dahil yung mamahalin nyang suit e namantshan ko ng wine.



Nandun parin yung babae.I forgot to ask her name kaya nilapitan ko sya para itanong. Isabelle yun ang sabi nya. Ibinigay ko sakanya ang wedding invitation. Lalo pa syang umiyak nung nalaman nya.Inabutan ko rin sya ng calling card "I'm willing to help. In anyway" tinanong nya ko kung kaibigan ko daw ba si jevon. Sinabi kong katulad nya, niloko din ako ng lalaking yon kaya handa ko syang tulungan.I asked her if she wants to have anything since hindi pa ako kumakain.she hesitated pero i told her na gusto ko talaga syang tulungan. Huminto sya sa isang coffeeshop. She insisted na kailangan nya ng caffeine once in a while. Nagkwento sya about sa life nya. Na commercial model sya nang magkakilala sila ni jensen or jevon. She said it was love at first sight for her anyway. Kinuwento nyang alam nya na may girlfriend si jevon pero nang lumaon daw ay nagkahiwalay ang mga ito kaya naman pumayag syang makipagrelasyon dito. She described their relationship with so much love in her eyes i wanted to cry for her. Habang nag kukwento sya ay wala sa loob nyang nahahaplos yung tyan nya. She said jevon wanted an abortion. When she refused, nagalit daw ito at hindi na sya kinausap. He ended their relationship  and abandoned her. Nakikitira daw sya ngayon sa kaibigan nyang model din.Wala daw syang trabaho dahil wala naman daw syang makukuha sa kalagayan nya ngayon. Pati family nya ended their ties with her. She said ang sabi daw ng family nya e isa syang disgrasyada at malaking disgrace sa family nila. i feel so sorry for her. Naalala ko ang boutique nila margaux dito sa pinas and told her na kakausapin ko ang kaibigan ko kung pwedeng magwork sya dun habang di pa sya nanganganak.Anyway hindi naman mabigat ang work dun at malilibang pa sya. She squealed nung malaman nyang sikat na si Miss  P. ang bestfriend ko. She gushed na idol na idol nya daw ito. For a while nawala yung sadness sa aura nya.I promised her to convince margaux na magwork sya sa boutique nila. She promised to be her best basta magkatrabaho lang. i insisted to pay the bill then we parted ways.



Siguro nga hindi sapat na lumaban ka lang ng harapan. Siguro nga hindi sapat ang maging matapang lang sa ganitong sitwasyon. I want something more severe. I want to see him defeated. Gusto ko syang makitang masaktan. I want to wipe that stupid smirk on his face.Hindi lang para sakin. Kundi para sa lahat ng babaeng niloko nya. I don't have plans yet. Pero hindi naman kailangan ako ang gumawa. tinignan ko sa side mirror ang babaeng tutulungan ko para maghiganti. Habang nagddrive ako pauwi, Tinawagan ko si Margaux, she said yes right away nung pinakiusap ko si Isabelle. Great! i just can't wait to see Jensen defeated. I can smell victory as soon as now..



What A Nerd Wants ?? (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon