" Sht! " Mabilis akong nagtago ng makita si Stephen kasama ang mga kaibigan nito na papasok ng library.
" Anong ginagawa nila rito? " Tanong ni Gen ng hatakin ko siya.
" Malamang mag-aaral. " Inirapan ko siya.
Matapos ang cookies incident hindi na ako nagpakita sa kanya. Everytime na pupunta siya ng apartment ay hindi ko siya pinagbubuksan ng pintuan. Noong sabado at linggo ay nasa Bulacan ako. Sumama ako sa kanila ni Tita ng makita ko sila sa mall.Palagi rin akong late dahil hinihintay niya ako sa tapat ng room namin kaya pinapaalis ko muna siya bago ako pumasok ng kwarto. I even deactivated my facebook and instagram account!
" Beh, wednesday na umiiwas kapa rin? Nadadamay na kaming lahat dahil sa'yo. " Hindi ko pinansin si Gen dahil nakatingin lang ako sa grupo nina Stephen.
Naiinis na silang lahat sa akin dahil palagi kaming late at palagi kaming kumakain sa labas ng uni dahil iniiwasan ko Stephen. Napahiya kasi ako sa kabobohan niya at isa pa nakakainis yung mukha niya. Ang sarap tadyakan!
Siomai! Doon pa talaga sila naupo malapit sa pintuan. Panu ako makakalabas nito? May klase pa ako.
" Bahala ka na nga diyan Juliana. Malelate na naman tayo nito sa kaartehan mo. " Reklamo ni Gen. Tumayo ito ng maayos at naglakad ng hindi man lang ako hinintay.
" Teka. " Bulong ko at mahigpit na kumapit sa braso niya.
Nakapikit ako ng malapit na kami sa pintuan ng library. Rinig ko ang discussion ng grupo ni Stephen kaya mas lalo kong binilisan ang paglakad. Mabuti na lang flat itong suot kong sapatos.
" Juliana! " Napamura ako ng marinig ko ang boses niya.
" Gen, takbo! " Hinatak ko si Gen at tumakbo kami palabas ng library. Hapong hapo kaming dalawa ng nasa 4th floor na kami ng aming building.
" Sht ka talaga, Juliana! I hate you! " Mahina niyang hinatak ang buhok ko. Tagatak ang pawis naming dalawa dahil hindi ako tumigil sa pagtakbo.
" Juliana! " Nanlaki pareho ang mata namin ni Gen. Tatakbo na sana ulit ako ng hatakin ako ni Gen at tinulak kay Stephen na nasa likod na pala namin.
" Wag ka ng pumasok. Diyan kana nga! Dinamay mo pa ako sa kaartehan mo. Pasalamat ka't kaibigan kita. " Maingat niyang pinunasan ang pawis sa noo niya habang pinapagalitan ako.
Aangal pa sana ako ng hatakin na ako ni Stephen pababa. Pilit kong hinahatak ang kamay ko mula sa kanya kaso mahigpit ang hawak niya dito. Nang nasa lobby na kami nakita kong nag-aantay don yung mga kaklase niya.
" Girlfriend ko mga brad. " Mahina ko siyang siniko ng maghiyawan ang mga kaklase niya. Napatingin tuloy karamihan sa mga estudyanteng naglalakad sa lobby.
Nakakahiya yung itsura ko. Magulo ang buhok at pawisan tapos ngayon pa niya napiling ipakilala ako sa mga kaibigan niya. Ang talino talaga ng isang to!
" Atlast! " Sabi ng isa sa kanila at mahinang tinapik sa balikat si Stephen.
" Text ko kayo mamaya. Kausapin ko lang to. " Hinapit niya ako palapit sa kanya at naghiyawan na naman ang mga kaibigan niya.
Mga bakla!
" May klase ako. " Hindi niya ako pinansin at pilit na pinapasok sa kotse niya ng nasa parking lot na kami.
" Hoy, ano ba! Sabing may klase pa ako, pag ako bumagsak papatayin talaga kita. " Sabi ko ng makapasok na ito.
" Wag mo akong maganyan-ganyan, Juliana, matapos mo akong pagtaguan! Buntisin kita diyan eh! " Sabi nito at inayos ang seatbelt ko. Inirapan ko siya ng bonggang bongga.
" Bastos! Mga walang kwenta talaga ang lumalabas sa bibig mo no? "
" Tss. " Nabigla ako ng punasan niya ang mukha ko. Marahan niyang hinawakan ang panga ko at ramdam ko ang paghinga niya sa mukha ko. Nagsitayuan ang balahibo ko lalo na sa batok
" U- uy, mag-ingat ka sa kilay ko. " Hindi niya ako pinansin at patuloy lang ito sa pagpunas gamit ng panyo nitong napakabango.
Ngumuso ako ng ibulsa niya ang panyo at pinaandar ang kotse niya. Tahimik akong nakahalukipkip ng maalala na nasa room pala ang bag ko. Nandun ang wallet at cellphone ko.
" Pahiram ng phone. "
" Nasa bag. " Tinuro niya ang bag na nasa backseat. Inabot ko iyon at kinuha ang kanyang cellphone.
" Password? "
" 0913. " Tumaas ang kilay ko. September 13?
Naghanap ako sa contacts niya at wala akong may nakitang number ng mga kaibigan ko. Nakita ko iyong pangalan ni Third at tinawagan iyon.
" Yow pre. "
" Third, si Juliana to. "
" Ohhh, nahanap kana pala niya. " Sabi nito.
" Yep. Pasabi naman sa girlfriend mo na sa kanila na muna yung bag ko. Kunin ko na lang mamaya. Salamat. "
" Sure. "
" Thanks. " Ibaba ko na sana ang tawag ng magsalita ito.
" Tell Stephen to delete his posts on facebook. Nakakahiya siya. " Kumunot ang noo ko.
Dahil wala akong cellphone at naka focus naman itong kasama ko sa pagdadrive. I secretly opened his facebook. Napadpad ako sa timeline niya at namula ang mukha sa nakita.
" Guys, please help me find my girlfriend. Ninakaw niya ang puso ko at hindi na nagpakita. Please 😭 "
" It's been three fckng days. Juliana sinasabi ko sa'yo! "
" Missing you sugarpie. "
Ba't ko ba sinagot to?
" We're here, sugarpie. " Napatingin ako sa labas at nanlaki ang mata ng makitang nasa hotel nila kami.
" Sinasabi ko sa'yo Stephen. Pagmay masamang nangyari sa akin ipapa salvage kita sa kapatid ko. " Tumawa lang ito at mabilis na hinalikan sa labi. Natameme ako sa ginawa niya at hindi ko namalayan na nakalabas na pala ito sa kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto at naghintay siya dun habang pinagmamasdan akong mag ayos ng buhok.
Matapos kong mag-ayos ay agad niyang hinawakan ang kamay ko at pumasok kami sa magara nilang hotel. Binati kami ng magandang babae ng nasa entrada kami. Kuminang ang mga mata nito ng makita ang katabi ko at tutusukin ko na sana ang mata niya ng magsalita si Stephen.
" Everyone! " Sigaw nito na kumuha sa atensyon ng lahat ng tao.
" My girlfriend. " Hindi ko alam kong tatakbo ba ako palabas o magpapanggap na mahihimatay.
" Tumahimik ka nga. " Sita ko sa kanya. Nagpalakpakan lahat ng staffs at may narinig pa akong sumipol.
Napatingin ako sa babaeng nasa harap namin at kitang kita ko ang paglaki ng mata niya. Hindi ito nakatingin sa akin o kay Stephen. Lilingon na sana ako ng bigla silang natahimik at nagsibalikan sa kanilang pwesto.
" What did you say, apo? "
Sht!

BINABASA MO ANG
Owned By The MVP
General Fiction#SAAVEDRASERIES3 Si Stephen Ryan Saavedra ay isang kilalang basketball player ng Montreal University. Makulit, masayahin, mayaman, matalino at higit sa lahat gwapo. Masasabing nasa kanya na ang lahat pero may isang tao na ayaw na ayaw sa kanya at an...