抖阴社区

CHAPTER 32

373 8 0
                                        

CHAPTER 32

            Sinadya ni Myles ang hindi gumising ng maaga at hindi lumabas ng kwarto upang hindi sila magkita ni Matt nang araw na iyon. Nahihiya sya sa kanyang ginawang pagpayag na may mangyari sa kanila kagabi.

            Sa mga sandaling ito ay malamang nagdiwang ang puso ng lalake at pinagtatawanan sya. Hindi nya ito kayang harapin kaya nagpasya na lamang sya na magkulong sa kanyang silid.

              Nakahiga pa rin si Myles sa kama nang makaramdam sya ng paghapdi ng kanyang sikmura. Nagugutom sya, ngunit alam nya na nandoon pa ang lalake kaya hindi sya pwedeng lumabas.

                Alas otso na ng umaga nang tingnan nya ang kanyang relo.

            “ anu ba naman yan…ang  aga-aga pa nagugutom na ako, kung kelan naman hindi ako pwedeng lumabas dito”

            “ tiyan naman, bakit hindi ka nakisama, hindi ka naman kumakain ng ganito kaaga di  ba?”

            “ nandyan pa si Matt kaya hindi pwedeng kumain ako dahil baka magkita kami”

            “ nandyan pa kaya sya?”

               Kahit ayaw nyang lumabas ng silid  ay napipilitan sya dahil nagwawala na ang kanyang sikmura sa gutom na tila nananadya. Hindi naman sya sanay na kumain ng agahan ngunit sa mga oras na iyon ay parang binabaliktad sa gutom ang kanyang sikmura.

               Bumangon sya ng kama at naglakad patungo sa pinto. Nang nasa tapat na sya niyon ay dinikit  nya muna ang kanyang isang teynga roon upang pakinggan kung may tao sa labas. Nang masigurong  tahimik ay dahan-dahan nyang pinihit ang siradora ng pintuan at lumabas.

                Para syang magnanakaw tingnan sa mga oras na iyon dahil panay sya tago sa bawat kanto ng bahay na madadaanan upang masiguro na hindi magkasalubong ang landas nila ni Matt.

AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon