"Mr Arcilla paki Dala naman ito sa office ni Ms. Ashley"
OoO
Huh? Tama ba itong naririnig ko? Hindi ako nabibingi right? May sakit ata ang tadhana at siya na mismo ang gumagawa ng rason para makita ko si Ashgray. Agad kong Kinuha ang mga papeles na dapat niya pirmahan.
"Yes ma'am!"
(/^▽^)/ I'm so happy right now, Makikita ko siya, Hindi pa ako maka move on sa pag kikita namin kahapon and ngayon ulit. Tumingin ako sa salamin at okay naman, gaya ng utos niya. Glasses, messy hair, and simple long sleeve, Hindi talaga halata na babae ako. Pretty pogi ko talaga.
Sumakay na ako ng elevator since nasa pinaka taas siya which is sa 30th something floor. Habang nasa elevator ako ay Mar narinig akong nag bubulungan, at dahil medyo Chismosa ako nakinig ako.
"Diba break naman na sila nung boyfriend niyang malambot? Ibig sabihin ba nito may pag asa na ako kay Ms Ashley" Sabi ng isang lalaki. Utot mo kuya asa ka pa, at Anong malambot! Sarap kutusan nito. Buti na lang at nasa Likuran ako at Hindi ko siya ma abot
"Tol wag na umasa, coffee 3 and 1 ka lang Starbucks siya. Pero bakit kaya biglang nag bago taste ni Ms ano, akalain mo yon pinatulan niya ang mukang bakla at nerd na yon. Ang layo niya kay Sir Landon"
Aba! hiyang hiya naman ako sa ka gwapuhan ng mga to. At bakit biglang nasali si Landon dito!
"Tama, nakita ko siya kahapon dito may Dala na namang flowers. Hindi talaga Nawawalan ng pag asa yan si Sir"
Bulaklak pala ha! Teka bakit ba ako nag seselos eh wala naman na kami ni Ashley. Pero bakit ba mahal ko pa din eh!
"Sana nga akin na lang si Sir eh. Dapat hindi na lang nag break si Ms Ashley at yung nerd na iyon. Muka namang happy si Ms eh, pero ngayon ayon bumalik na naman sa dati. Laging mainitin ang ulo, naging Monster na naman"
Singit naman ng isang babae, true ka diyan girl! Pero mukang masungit na naman ang Monster ko ah. Kinabahan tuloy ako bigla.
"Uy wag na! Ang pangit non! Hindi sila bagay ng Diyosa ko!"
-_-
Bago ko pa man mahila ang buhok ng lalaking ito ay bumukas na ang elevator at lahat sila ay bumaba. Ako na lang mag isa ngayon since sa taas nito ay office na lang ni Ashgray, siya lang at ang secretary niya ang andon.
"Good Morning Ms Beautiful secretary April May. . .June July
August"-_-
"Ha. . . Ha. . . Ha nakaka tawa Kaylin tawang tawa ako" mukang bad mood ah. Dahil lagi ako dito noon kaya naging close ko na tong si April Mae. Balita ko dahil sa Sobrang sungit ni Ashgray ay siya lang ang tumagal dito.
"Joke lang, Ahm si Boss? May ibibigay akong papers"
"Sa loob, kung ako sayo mag dadala ako ng shield papasok"
"Why?"
"Nako lahat ng pumapasok diyan ngayon binabato niya. Nagising si Godzilla sa loob niya. Ingat ka ready na ako ng ambulance for you"
Sabi nito bago sinagot ang tawag sa telephone. So ito na papasok na ako. Ahm ano ba pwedeng unang sabihin? Good morning? Hi? Hello? Uhh! Ang hirap naman nito. Pano ko ba mapapaganda ang araw nito.
"Ahm April Penge ako bond paper at color ha" tumango lang ito sa akin. Naka isip ako ng gimik.
*tok
*tok
*tok
Katok ko pero walang sumagot
"Pumasok kana lang Kaylin, Hindi ka sasagutin niyan. Pinutol niya nga ang connection namin ngayon para hindi siya ma istorbo eh" Sabi sakin ni April, eh pano kung bigla niya akong batuhin ng upuan. Naman oh bahala na nga

BINABASA MO ANG
I'm not a HE
Humor"Hey let's get married, don't assume I don't have a choice okay?" "Huh? Anong sininghot mo Ms Monster?" Alam kong gas gas na yung mag papanggap si girl na boy sa isang school tas ma fa - fall kay boy pero paano kung sa kapwa nya girl din sya ma fa...