抖阴社区

                                    

Kinabahan ako sa sinabi nya. Ano kayang nangyari? Bakit hindi natuloy? Masama kaya ang sasabihin nya?

"Kuya saw me holding your picture. Hindi siya tanga, alam nyang gusto kita. Being the greatest brute that he is, he didn't want to see me happy. Sinabi nya sakin na hindi tayo bagay. Kayo daw ang bagay kaya sakanya ka daw dapat mapunta. I felt so helpless. Hindi ko alam ang gagawin ko noong mga oras na yon. Alam kong sasaktan ka lang nya para masaktan ako. Ang tanga ko e. kung bakit kase hawak ko non ang picture mo. Ang laki kong tanga na hindi ko napansing papalapit na pala sila ng kaibigan nya." He sighed defeated. Napayuko sya at nakakuyom ang mga kamay. 

I was just listening. Hindi pa nagreregister sa utak ko ang mga sinasabi nya o ayaw ko lang talagang intindihin. What the hell Paul? Gusto ko syang hanapin at sapakin bigla!

"A couple of times i want to talk to you and tell you about kuya's plan but lagi na kayo magkasama. Hindi ka na nya tinantanan. Nakikita kong masaya ka. Alam kong mahal mo sya kaya i talked to him. I told him to not fool you any longer. Na hindi ko alam ang magagawa ko sakanya pag sinaktan ka nya. You know what he said? Na hindi ka naman talaga nya gusto at si Sandra. Liligawan nya daw ito. Kaya ka lang naman daw nya niligawan para saktan ako at ipamukha sakin na mas higit sya kesa sakin. Nasuntok ko sya non. Galit na galit ako. Galit ako sakanya dahil dinamay ka nya sa galit nya sakin at sa mama ko. Pero mas galit ako sa sarili ko dahil hindi kita naprotektahan sakanya. Nabugbog din nila ako ng mga kaibigan nya. Huling bugbog nila sakin nung iniwan ka na nya. Balitang balita sa school noon yon. Si Sandra at kuya Paul na. Sinugod ko sya non. Tinulak ko siya at sinuntok pero dahil kasama nya ang kaibigan nya, nabugbog nila ako. Masakit sakin na hindi kita naipagtanggol. Nalaman ko nalang na lumipat ka na ng school."

Nilapitan ko sya at hinawakan ang dalawang pisngi nya para ipaharap sa akin. Galit na galit ako sa ginawa ni Paul. Pero ano bang magagawa ko? Matagal na nakalipas yun e. I just feel sorry for him. Kahit hindi ko alam, nasaktan ko sya. Nasaktan namin sya ni Paul.

"I'm sorry Archie" hinalikan ko sya sa noo. " I'm so sorry that you had to deal with your brother. I'm sorry na nasaktan kita. Kahit hindi ko alam ang agenda ng kuya mo. I hope i can make it better kaya lang ang tagal na noon e. Maraming what ifs ang naiisip ko. What if nakilala kita? What if sinabi mo sakin agad yung plano ng kuya mo? What if hindi ko sya nakilala?" Niyakap nya ako.

"I'm sorry Lex, i should've told you." Napailing ako. "It's all in the past Archie. Ayun talaga ang nakatadhanang mangyari. Wala kang kasalanan. Hindi mo ginusto yung nga nangyari." Hindi ko alam kung gaano katagal kami nasa ganoong posisyon nung magsalita siya ulit.

"Nung huling away namin ni kuya, noon ko nakilala si Chinee." napakalas ako sa yakap sa sinabi nya. I want to see his face habang kinukwento nya ang babaeng nakita ko sa picture.

"I was sulking. Nakaupo lang ako non nag iisip kung kamusta ka na. Lumipat ka na ng school non e. Nakita nya ako. Gusto nya akong dalhin sa clinic, tanda mo yung kwento ko sayo? Jensen saw us. Nagselos at sinampal nya si Chinee. That moment, i know i need to protect her. Nakikita kita sa sitwasyon nya. Naging mag kaibigan kami. I know my place. Boyfriend nya si Jensen, mabait lang talaga siya sakin. Ayaw sakin ni Jensen dahil akala nya aagawin ko sakanya si Chinee. After a while, kahit pigilan ko, i fell for her."

Hindi ko maintindihan yung sarili ko kung bakit ako nagselos ng kaunti. Siguro dahil hindi na ako ang mahal nya nung mga panahong yon. May Chinee na nagpapasaya sakanya. Ano bang pinag iisip ko? Nagseselos ako sa babaeng matagal ng wala? Get yourself together Alexia! Gusto ko ng batukan ang sarili ko.

What A Nerd Wants ?? (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon