抖阴社区

Chapter 1

4 0 0
                                    

#WIASHugsAndKisses

Hugs and Kisses

Andito ako ngayon sa classroom. First subject namin ngayon at Oral Comm pa. Nako, two hours akong mag kukunwaring nakikinig neto.

Siguro ay napansin ni Mrs. Atienza na inaantok ang buong klase at walang ganang makinig, kaya bigla siyang nag pa graded recitation.

"Class number 14?" tawag nito.

Kaya mas nakakakaba eh! By class number pa talaga.

Sakto naman, ang tinawag niyang sasagot ay ang katabi ko, si Nicole. Bago siya tumayo, ay binulungan na niya agad ako.

"Nika. Pag hindi ko alam sabihin mo ah." sinasabi niya sa akin 'to ng pareho kaming nakatingin sa harap para hindi kami mapansin.

"It is an utterance defined in terms of a speaker's intention and the effect it has on a listener." tanong ni Mrs. Atienza kay Nicole.

Tumayo ng maayos si Nicole at nag adjust. She stood up infront of me para hindi ako makitang mag salita. Nilagay niya yung isang kamay sa likod at parang yun na yung cue ko na mag salita.

"Speech acts" binulong kong sagot.

"Speech acts po, Miss." sagot naman ni Nicole

"Give two types of speech acts." dagdag na tanong ni Mrs. Atienza

"Illocutionary act and Perlocutionary Act" bulong ko ulit sa kanya

"Uh. Illocutionary act and Perlocutionary act..po?" nag kunwaring hindi sigurado si Nicole sa sagot niya. Ha! Ang galing talaga umarte.

"Okay. Sit down." pinaupo na ni Mrs. Atienza si Nicole at nag tawag ng panibagong  estudyante.

Pag upo ni Nicole ay nakahinga na ito ng maluwag. Wala na siyang problema dahil natawag naman na siya.

"Thank you, Nika! Kinabahan talaga ako doon!"

Halos 15 students lang ang tinawag ni Mrs. Atienza at pinag patuloy na ang pag di-discuss.

Ten minutes before the time, may natanggap akong text from Jaden. Ano nanaman kailangan neto?

Jaden:
Pst, Niks!
Reply asap


Annika:
Bakit?!
Teka, hindi pa kasi tapos mag discuss si Mrs. A!


Jaden:
Let's meet ng recess, okay?
Sunduin ka namin ni Chloe.
;)

Annika:
What is it about ba?
Before recess si Sir Gamad ang teacher namin
Baka late kami i-dismiss!

Jaden:
Its fine.
We'll wait for you outside.
Aight?

Annika:
K.

Napaisip ako kung ano nga bang kailangan ng dalawang yun sa akin. Nasa kabilang building kasi sila ni Chloe. Ako lang ang nahiwalay sa kanila. Jaden and Chloe are in STEM and I'm in ABM. Fortunately, mag classmates pa sila.  Since magkakahiwalay ang building ng different strands, medyo malayo layo pa ang lalakarin para magkita-kita kami. Not to mention nasa 5th floor sila at 4th floor ako. Kaya kalaban din namin ang mga hagdan!

One hour lang naman ang subject namin kay Sir Gamad kaya hindi ako masyadong na bored. Nagpa group work lang naman ulit siya and voila.. tapos na subject niya.

The bell rang and lahat kami ay tumayo at nag ayos ng gamit.

"Nika, halika na." yaya sa akin nila Louisa

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

? Huling update: Jun 24, 2018 ?

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Where It All StartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon