"Sige una na kayo, hindi ako sasabay. Niyaya ako nila Jaden eh." pag ka bigkas ko ng pangalan niya ay sabay sabay silang nag tinginan.
"Hay.. Jaden nanaman. Oh siya, una na kami ah." Sofia said and I just nodded.
Palabas na sila ng room pero ako nag aayos parin ng bag. Kinuha ko ang pouch ko na lalagyan ng phone, pati na rin ang aking wallet.
"Uy, Nika. Andito na sila Chloe." sabi ni Valerie galing labas, "Sige pasok lang kayo. Una na kami ha." sabi ni Valerie sa kanila.
"The heck, Niks. Ang tagal mo naman mag ayos ng gamit. Dalhin mo nalang kaya buong bag mo?" reklamo ni Jaden sa akin.
"Wag kang pakeelamero okay?!" inirapan ko siya at hinatak si Chloe. Nauna kaming lumabas ng room at kapit kamay na naglakad.
"Hey, wait for me!" habol sa amin ni Jaden.
"Ano bang meron, Chloe?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papuntang canteen.
Nang maabutan kami ni Jaden ay pumunta siya sa kabilang gilid ko. Inakbayan niya ako at nginitian. Inirapan ko ito pero inilagay rin ang kabila kong kamay sa tagiliran niya.
"Diba mamaya pupunta lahat ng Senior High sa LY Theatre? Ia-announce yung about sa intrams eh." sagot ni Chloe sa akin. Ah oo nga pala, sa katapusan ng October mag i-intrams na kami.
Nakarating na kami ng canteen at naghanap na ng upuan. Si Jaden, kinuha na ang mga pera namin at siya na yung bumili ng pagkain. Umupo si Chloe sa harap ko at nagmukmok.
"Ano ba meron, Chloe? Kinakabahan ako sayo jusko." pag ka sabi ko noon ay natawa siya ng bahagya.
"Oa mo naman! Nag-aalala lang ako kasi ako yung gustong gawing Team Captain sa Intrams." ani niya.
Sa intrams kasi namin ay magkakalaban ang STEM, ABM, HUMSS, Arts and Design at Tech Voc. Kaya kailangan ng isang Team Captain per strand.
"Ah." napa tango naman ako, "Oh ngayon? It's your time to shine na oh!" kadalasan kasi ang mga pinipiling team captain eh yung talagang responsible.
"Yun na nga yung problema! Hindi ko alam paano i-handle ang buong STEM! Nang hingi naman ako ng tulong kay Jaden, wala ring matinong sagot!" natawa ako sa pag mamaktol ni Chloe sa akin.
Bigla rin namang dumating si Jaden sa table. Tumabi ito sa akin at ibinigay ang pagkain ko.
"Hoy lalaki! Ano 'tong sinusumbong sa akin ni Chloe?" tanong ko sa kanya. Nanlaki ang mata niya at lumingon sa akin.
"Ha?! Ano nanaman ginawa ko?" seryosong tanong nito sa akin.
Piningot ko ang tenga niya. Hindi naman masyadong masakit though. Kasi alam kong mamumula ng sobra yung tenga niya pag diniinan ko ang pag pingot sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay kong naka pingot sa tenga nito at ibinaba sa may lap niya.
"Nahihirapan na pala eh. Hindi mo pa tulungan!" sabi ko sa kanya at mukha namang na gets na niya yung ibig kong sabihin.
"What will I do eh, I don't even know kung ano ginagawa ng Team Captain no." he said looking directly at me, "And besides, I volunteered to be the basketball's team captain para hindi na niya problemahin yun." he looked at Chloe and wink at her. Inirapan lang naman siya pabalik.

BINABASA MO ANG
Where It All Started
General FictionBESTFRIENDS SERIES - BOOK 1 Annika Gabrielle D. Madrigal
Chapter 1
Magsimula sa umpisa