CASS'S POV
"Ano sa tingin mo ginagawa mo????" sabi ko kay Joanna matapos ko siyang hilain sa nagkukumpulan tao, actually kanina ko pa siya pinapanuod sa pagsasayaw sa di kalayuan. tila masayang masaya naman siya sa pagsasayaw kaya nalibang ako panuorin siya. nakita ko din kung pano ginawa sakanya ng lalaki at kung pano nito sinampal yon. napatakbo ako papalapit kay Joanna ng makita kong sablay yung lalaki na kahit anong oras pwedeng saktan si Joanna.. Nakita kong papalapit na ito kay Joanna kaya napabilis ang takbo ko bago pa man ako makarating ng may sumuntok na dito at napatumba ito dala na din sa kalasingan. napagalaman kong si Nico yun, napangiti ako. buti nalang andon kumag nayon. bago pa man magkagulo sa gawing yun hinila ko na papalayo si Joanna..
pagkatapos ko magsalita kay Joanna, wala itong naging reaksyon sa halip tinitigan lang ako.. Sa gawing labi ko. nag init ang pisngi ko sa ginawa niyang yon.. magsasalita pa ulit sana ko ng unti unting pumikit to at tila mabubuwal na, bago pa man to mabuwal nasalo ko na siya ng maagap..
"Shit. ano bang problema niong mga babae. iinom iinom kayo hindi nio naman pala kaya!" pabulong na sabi ko.. inalalayan ko na si Joanna patayo. nahirapan din ako kasi nakainom din ako.. buti nalang nakita ko isa sa mga tauhan ko kaya nagpatulong akong buhatin si Joanna papuntang kotse..
"Salamat, pakisabi kay nico, paki banned yung lalaking nambastos kay Joanna kanina. kayo na muna bahala dyan." sabi ko sa isang tauhan ko. tumango naman ito kaya pumasok nako sa kotse,napatingin naman ako sa likod. napatitig ako sa muka ni Joanna na nakahiga. dumako mata ko sa legs niyang makinis at maputi
na nangingintab pa.. napalunok ako kaya binaling ko nalang sarili ko paharap sa manibela. sinimulan ko ng buksan ang makina at pinaandar na ito ..
habang nagdadrive ako ng tumunog ang phone ko kinuha ko ito at tiningnan.tumatawag si Danica.. 2:30am na pala , siguro naman nakauwi na ito.
sinagot ko ang tawag ni danica at nag umpisa na itong magsalita.
"Mahal dito na ako sa bahay, saan na kayo?" sabi ni Danica mula sa kabilang Linya.
"Prinsesa ko, hintayin mo na kami. lasing kasi si Joanna, 5mimutes andyan na kami."
"Oh sige mahal ko hintayin ko na kayo. Mag ingat ka sa pagdadrive ha? I love you.."
"Thanks prinsesa ko, I loveyou, and I..... miss you.." pinatay ko na ang tawag nito napangiti naman ako ng wala sa loob...
lumipas ang ilang minuto ng marating ko na ang bahay ko, bumusina ko para pagbuksan ako ng gate ng guard namin. tumalima naman ito at binuksan agad, matapos akong makapasok at maisara na ng guard ang gate kinawayan ko ito at nagpatulong ipasok si Joanna sa loob ng bahay.
lumabas naman ng kwarto si Danica matapos maramdaman na nasa bahay na kami.. napakasexy nito sa pantulog na suot.. parang nawala pagkalasing ko matapos makita prinsesa ko, napakaganda niya talaga :)
"Bakit hinayaan mong malasing si Joanna mahal ?"
"Hindi ako kasama niyang uminom prinsesa ko, si Nico."
"What?? you left her with nico???" tila gulat na tanong sakin ni Danica.
"What's wrong with that ?? nico is my best friend.. Don't you think this is the best idea para mag ka boyfriend yang kaibigan mo?"
"Hindi pa din tama yun Cassandra.."
"Whatever DANICA. Edi sana ikaw nalang sumama sakanya." tumalikod nako, bigla akong nawala sa mood. naiinis kasi ako, ngayon nalang kami nagkita ni Danica, sasalubungin niya pa ako ng pagdidiwara.. pumasok muna ko sa kwarto namin ni Danica at naligo..
DANICA'S POV
Alam ko madami na akong pagkukulang kay Cass dahil sa pagtratrabaho, pero Hindi ko naman kasi kailangan pabayaan ang negosyo. lalo na ngayon madaming projects ang kailangan kong tutukan.. umuwi nga ako ng maaga para makabawi kay Cass e, kaso naalala ko nasabi ko nga pala sakanya na uumagahin ako ng uwi.. haaay sa sobrang stress ko may mga bagay na akong nakakalimutan..
pagkadating ko sa bahay sa kwarto namin ni Cass, nilapat ko muna ang likod ko sa higaan at pumikit. grabe .. Parang antagal tagal kong hindi nakapagpahinga.. lumipas din ang ilang minuto tumayo na din ako para magshower. nakakahiya naman kasi kay Cass lagi nalang ako nakauniform kung matulog.. matapos kong magshower tinawagan ko na si Cass, napangiti ako matapos malaman na malapit na pala siya .. miss na miss ko na kasi si Cass talaga. :)
maya maya narinig kong may bumusina sa tapat ng bahay,napasilip ako sa bintana para kumpirmahin kung si Cass yun.. ng makita ko ang kotse ni cass, wala sa loob na napangitinako..naglakad ulit ako papunta sa salamin, pinasadahan ko muna ng tingin ang sarili ko kung okay ba ko sa paningin ni Cass. ng makuntento nako sa ayos ko,lumabas na ako ng pinto, sakto naman nakita ko na buhat buhat ng guard si joanna na halos bangag na sa pagkalasing..
Medyo hindi ko nagustuhan ang ayos ni Joanna kaya hinarap ko si Cass, di pa man tapos ang pag uusap namin tinalikuran na ko ni Cass, napabuntong hininga nalang ako matapos niya ko talikuran.. tumungo muna ako sa baba para gisingin si manang Elvie para makisuyo na asikasuhin muna si Joanna. Hindi ko na kasi mkakaya kung ako pa magpapalit ng damit ni Joanna, super hapo na kasi ako sa work., iniwan ko na si manang elvie at si Joanna sa kwarto at nagtungo na ako sa kwarto namin ni Cass.. pagbukas ko ng pinto. Hindi nakita ng mata ko si Cass ... narinig ko nalang na tumutulo ang tubig sa shower room kaya nalaman Kong naliligo to.
lumipas pa ang ilang minuto lumabas na ng shower room si Cass na nakatapis ng twalya.. habang nagbibihis ito nilapitan ko siya at niyakap patalikod.. at sinandal ang ulo ko sa likod niya at nagsalita
"I'm sorry mahal ko, wag kana magalit dyan ha.." humarap naman sakin si Cass at ngumiti, hinawakan niya ang muka ko at nagsalita
"Okay lang prinsesa ko.. namiss kita.." siniil ako ng halik ni Cass. namiss ko ang bawat galaw ng labi niya na para bang isang taon kaming hindi nagkita at halos sabik na sabik kami sa isa't isa.. tumagal ang halikan namin ni Cass ng ilang Segundo. . amoy ko pa din sa bawat hinga niya ang amoy ng alak..tumigil si Cass sa paghalik sakin..at niyakap ako ng sobra. mahigpit na mahigpit at saka nagsalita. "mahal na mahal kita prinsesa ko." .. hinawakan ko ang muka niya at tumingkad ako at hinalikan ko siya sa nuo...
"Mahal na mahal din kita mahal ko." sabi ko sakanya. napangiti naman si Cass at siniil ulit ako ng halik sa labi... sa pagkakataong ito naging Marahas ang paghalik niya na para bang mas lalong nasabik ..
habang pinagsasaluhan namin ni Cass ang halikan hiniga niya ako sa kama at nagumpisa na naman gumalaw ang labi niya sa bawat sulok ng katawan ko. namiss ko ang sensasyon na dulot ng bawat dampi ng labi ni Cass sa katawan ko, napaungol ako sa mapusok na halik niya.. tumagal ang pagniniig namin ilang minuto din hanggang sa marating ulit namin pareho ang resulta ng pagsasanib ng katawan namin ng may pagmamahalan..
pareho kaming nakatulog ni Cass sa kapaguran. nahiga ako sa braso niya habang nakayakap..

BINABASA MO ANG
Ms. lalakero meets Ms. babaera (Part2)
RomancePlease read the part 1 po para makarelate :) Salamat po! :) Kung di po kayo open sa gantong uri ng tao please stop reading nalang po.. Respeto nalang po sa ibang tao .. Salamat! :*