抖阴社区

Psycho 12 - Advice from the old Psychopath

1.4K 51 15
                                    

Psycho 12 –

Advice from the old Psychopath

 [Garlic’s point of view]

AALIS ako ng bahay, tumawag kasi sakin si Nhai eh. Halatang may problema. Pupuntahan ‘ko muna total, wala pa naman si Onion. Wala din akong kasama sa bahay. Si Manang nasa leave. Si Mama naman matagal ng nasa ibang bansa atsaka wala na akong ama kaya kami kami nalang ni Onion, kaya siguro parang ang protective nga sakin pero ayos lang kasi alam ko naman sa sarili ko na mahal niya ako kaya niya yun ginagawa.

Palabas na ako ng may makita akong anino sa tapat ng gate namin. Bigla akong kinabahan. Tae! Wala akong kasama dito sa bahay baka anong gawin sa’kin nito.

Pasimple kong kinuha ‘yung walis tingting sa gilid. Maipagtatanggol kaya ako nito? Aish. Bahala na nga.

Tinignan ‘ko ulit, kung nandun pa yung anino. Nandun pa nga. Huminga ako ng malalim. Kaya ‘ko ‘to.

Lumapit ako ng dahan dahan, alam kung nakikita n’ya ko pero bahala na. Binuksan ‘ko yung gate namin sabay atake sa kanya.

Nasa gilid kasi s’ya, parang nagtatago pero kita naman. Pinagpapalo ‘ko sa kanya yung walis tingting.

“Masamang tao ka! Magnanakaw! Itong bagay sayo!” aray naman sya ng aray at umiiwas pero sadyang mabilis lang ang kamay ‘ko kaya’t natatamaan ‘ko sya.

Biglang s’yang humarap at inagaw sakin ‘yung walis, itinapon nya kung saan. Sisigaw n asana ako kaya lang tinakpan n’ya yung bibig ‘ko. Hindi ko naman makita ‘yung mukha n’ya medyo madilim kasi.

Pilit kong inaalis yung kamay nya sa bibig ko pero mahigpit ang pagkahawak n’ya sakin. Halos magwala na ako doon para lang bitawan n’ya ko.

“Teka! OA ka naman. Wag ka ngang parang kiti kiti ang likot mo.” Sabi n’ya sakin. Napahinto ako saglit. Parang kilala ‘ko to.

Tinanggal na nya yung pagkakahawak sakin. “Medium! Ikaw ba ‘yan?” sigaw ‘ko. Tumango naman s’ya at nagcross arms.

“Ako nga. Grabe ka, para kang butete sa likot.” Sinamaan ‘ko sya ng tingin. Ako ba parang butete.

“Ewan ‘ko sayo. Nananakot ka kasi eh! Ano bang ginagawa mo dito?” inis na tanong ‘ko.

“Tinext ako ni Onion. May pupuntahan daw muna s’ya. Kaya sasamahan muna kita Girl bawang.” Sabi nya ng may ngiting aso. Napa-iling ako.

“Ayoko. May pupuntahan ako. Alis!” pinapatabi ‘ko sya pero ayaw nyang umalis sa dadaanan. Tinulak ko sya ng mahina. “Alis nga kasi!”

“San ka ba pupunta? Sama ako.”

Napa-iling ako. “Fine! Tara na nga.” Hinala ‘ko na sya paalis. Naalala ko kasi si Nhai. Baka naghihintay na ‘yun.

Pagkarating naman sa bahay nila. Pinapasok kami nung Mommy n’ya. Ang sabi umalis daw saglit si Nhai may binili lang. Kaya naghintay muna kami sa sala. Kung gusto daw naman sa kwarto na kami maghintay.

Another real psychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon