抖阴社区

Extended

1.8K 82 3
                                        




Samantha's POV

NANG MATAPOS ang late lunch kasama ang kambal sa condo ng long lost bestfriend ko ay hindi kaagad ako nakaalis. Humabol pa kasi ito ng ilang kuento nang naging buhay niya sa Chicago. Anito, maaga pa naman at talagang gusto niya makapagkuentuhan pa kami. And she wanted to make sure too na okay lang talaga ako. Pagkatapos namin sa kanyang dining room ay sa kuarto na niya namin ipinagpatuloy ang mejo humaba At talaga namang masayang kuentuhan. Kahit papano nakalimutan ko ang sakit nararamdaman ko but that doesn't mean nawala sa isip ko si Luke.

At habang naroroon kami'y Hinayaan ni Alex na naakawang ng bahagya ang pinto ng kanyang kuarto ,Dahilan upang matanaw kami ni Rafael mula sa kinauupuan nito sa living room. Hindi ko ito direktang tinitignan, pero hindi naiiwasang Minsan ay nahahagip ito ng aking mga mata o kaya naman sa gilid ng mga mata ko'y hindi nakakaligtas ang minsang pagsulyap,pagsilip o kaya namay pagtanaw nito sa amin. Hindi ko iyon binibigyan ng pansin maliban nalamang kapag inginunguso ni Alex ang direksyon ng kanyang kapatid. At sa tuwing Ginagawa nito iyon ay binibigyan ko ito ng isang questioning look.

Hindi ako nagkuento muna dito ng tungkol kay Luke , sa ngayon ay Ayaw ko muna pagusapan ang tungkol sa nangyari. Pero ayon kay Alex,she knows I have someone special already, but she's rooting for her brother this time, dahil Aniya, malaki ang pinagbago nito and she knows now how much Rafael loves me.
I didn't say anything . Kapatid nito si Rafael At kaibigan ko sya. At Oo, nasasaktan ako ngayon sa nangyayari , but I know in my heart, si Luke ang laman nito. Pero natatakot parin ako , Lalo na ngayon ang dami nangyari, ang dami ko nalaman.

Sa tuwing naiisip ko si Luke At ang mga iyon ay nawawala ang atensyon ko sa sinasabe ni Alex kaya mas lalo ng nalaman nitong I'm bothered .Ngunit sa kabila niyon ay hindi ito nangulet na magbahagi ng tungkol sa napapansin niya.

Mag-aalas-sais na ng gabi ng magpaalam ako kay Alex na kailangan ko na ring umalis. Na hindi na rin naman ako napigilan dahil may dinner meeting din daw ito ng alas-otso. Nakahinga ako ng maluwang , dahil sa dame ng kuento nito at gusto pa ikuento kulang talaga ang isang araw at isang gabi.
Akala ko naman dahil sa mejo Mahaba At napasarap na kuentuhan ay makakalimutan na nito ang offer niyang paghatid ni Rafael,pero hindi . She still insisted that Rafael should take me home. Hindi naman umangal ang lalaki.

"Sammy, text me when you get home. And you My Dear Twin brother , take care of My bestfriend, Safe drive alright?" Yan ang bilin nito bago namin tuluyang nilasan ang condo ni nito sakay ng Porsche ni Rafael.

Buong viaje ay tahimik lamang ako. Ito na yata ang pinaka awkward na 45mins sa buong buhay ko. Wala nagsisimula mag - open ng conversation sa amin ni Rafael. There's a music playing, ngunit rinig na rinig ko ang halos mayat mayang pagbuntong hininga nito. Hindi ako inaantok pero pumikit ako nagbabakasakaling hilahin ako ng antok, pero hindi,but still,upang mabawasan ang awkwardness ay nanatiling nakapikit ako.
Narinig ko ang mahinang pagtawag ni Rafael sa pangalan ko, pero hindi ako sumagot, I kept my eyes closed. Ilang beses ko rin siyang naririnig na napapamura, out of frustrations? I don't know. Kase if i were to asked I wouldn't be here inside his car. I'm thankful alright ? Pero Hindi na kami dapat magkasama ng ganito. Wala akong kahit anong bitterness over what happened to us, at over him, Oo nasaktan ako, pero yon lang yon. Para sakin Tapos na yon at wala ng dahilan para magusap pa kami, maging magkaibigan ? I'm open to that pero hindi muna ngayon, kase hindi ko pa nararamdamang handa na akong maging kaibigan ito. Sabe nga nila Only Time will Tell.

Makalipas ang ilang minuto'y narating na rin namin ang bahay. Nang tumigil ang sasakyan ay minulat ko na rin ang aking mga mata. Pinatay ni Rafael ang makina kasabay ng pagtatanggal ko ng seatbelt. Magsasalita na sana ako upang magpasalamat dito ng Bigla naman ito magsalita.

"Sam...".

Pumihit ako ng tingin sa driver's seat upang tignan ito. Nanatiling tahimik ako.  walang endearment ang pagkakasabe niyon kaya napagdesisyunan ko bigyan ito ng pagkakataon sabihin ang gusto niya. After all, I still gotta thanked him for taking me home, kahit na mastermind noon ay ang kapatid nito.

"That time , at the field, when you slid off on that flooded carpet floor ,soaking wet." Anito pagkatapos ay nagpakawala ng isang payak na tawa.

"Was the very first time I realized that I have feelings for you." 

That was a year bago sya nanligaw at naging kami.
Nanatiling tahimik ako . Binaling ko ang tingin ko dashboard, tanaw ang kalsada ng ito naman ang bumaling ng tingin sa akin. Sa gilid ng mata koy kita ko ang pagtitig nito.

"I swear Sam, I wanted to pursue you right after that, But I got scared . I got scared that I might hurt you." 

Pumikit ako ng marahan. But you did. Ani maliit na boses sa utak ko.

"Nong mga panahong iyon alam ko sa sarili ko na gusto kita. Pero alam ko rin na  I'm not worthy of you , even my sister was scared that I might just hurt you. That's why it took me a year , I had to be a better person first,kaya pinilit kong magbago, At kailangan ko rin mag ipon ng lakas ng loob , dahil pagdating sayo  Sam wala ako non. And that dare....." he paused for a second. "Yon  ang naging Dahilan At way para magkaron ako ng lakas ng loob na ligawan ka." Pagpapatuloy nito habang titig na titig pa rin sa akin.

Naramdaman ko ang paglapit nito sa gilid ko. Hindi ako naging kumportable sa naging pagkilos nito kaya naman bumaling rito ang tingin ko kasabay ng paglayo ko ng bahagya rito.

"Rafael.... " tanging nasabi ko At muli ito nagsalita.

"I came back for you , and I wanna make everything right this time . "  seryoso anito habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa mga mata ko. "I'm telling you now Sam, no one can stop me from winning you back." 

Magsasalita na sana ako nang bigla naman itong pumihit palabas ng sasakyan , kaagad na lumabas, at mabilis na tinungo ang pinto ng passenger seat upang pag buksan ako.

Nagpakawala ako ng isang mahinang buntong hininga bago tuluyang lumabas ng nakabukas ng pinto .

"Thank You for taking me home."  Pormal na Ani ko rito.
Tumango naman itong nakangiti bilang sagot.  At nagbigay ng daan sakin upang makahakbang na ako sa direksyon ng malaking    gate.

Nakakailang hakbang pa lamang ako ng wala sa sariling napagawi ang tingin ko sa likuran ng sasakyan ni Rafael.

Nasapo ko ang aking dibdib, sa biglang pagbilis ng tibok ng puso ko, kasabay ng pagpihit ng buong tingin ko roon ng makilala ko ang lalaking nakasandal sa pamilyar na itim na Audi nakaparada. Sa gilid ng mata ko'y napansin ko rin dumako sa direksyon niyon  ang mga mata ni Rafael.

Si Luke. Dahil sa maliwanag ang compound ay kitang kita ko ang bakas ng pagaalala sa mukha nito. Gulo ang buhok at parang pagod na pagod pero hindi iyon nakabawas sa ka-guapuhan nito. Napansin ko ang marahang paghakbang nito. Ngunit dahil nararamdaman ko nanaman ang panunubig ng aking mga mata'y walang lingon likod muling pumihit ako at mabilis na humakbang patungo sa aming malaking gate.
As much as I wanna throw myself at him,to hug him. I felt pain. Lalo na ng muling remihestro sa utak ko ang mga pictures at ang nalaman ko mula sa babaeng iyon. Not now Luke. Kelangan ko huminga. Maliit na boses iyon sa utak ko.Mas lalo naging Mabilis ang aking paghakbang Hanggang sa tuluyang makapasok sa kabahayan.

My Destiny Series #1: Book One : I Knew I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon