抖阴社区

TDS: Chapter 19

53 4 8
                                    

Murderer’s PoV

Gabing-gabi na ngunit hindi pa rin ako nakakadama ng takot na maglakad mag-isa papauwi sa bahay na tinitirahan ko. Habang nglalakad ako papalapit sa bahay na tinutuluyan ko ay nakita ko ang mga bata na nagsisipasukan sa loob ng kanilang bahay at pinipiling magmasid na lamang sa bintana na sa tuwing masusulyapan ko sila ay magtatago sila sa likuran ng mga bintana nila.

Nakakaawa, para silang mga dagang nagtatago nang masilayan nila ang pusang kikitil sa mga buhay nila. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung bakit sila takot na takot sa akin dahil wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Sa totoo lang pati ang ibang mga matatanda na rin sa lugar naming ay takot sa akin. Marahil ang dahilan ay sa tuwing tinatanong nila kung nasaan na ang dating nakatira sa bahay ay tanging masamang pag tingin lang ang ibinabato ko sa kanila.

Hayan nanaman sila, mga tingin nilang mapang husga na akala mo ay wala silang itinatagong madilim na nakaraan sa mga likuran nila. Puro bulungan na akala mo ay may ginawa akong krimen sa kanila. Oo, pumapatay ako ng mga target ko pero ni minsan sa buhay ko ay hindi ko naman sila pinaslang. Pag ako talaga nainis ay baka hindi ko sila matantiya at paslangin ko sila.

“Ano bang problema nyo?” tanong ko lang sa dalawang babaeng nadaanan ko dahil sa bawat bulungan nila ay panay ang sulyap nila sa akin.

“Ah eh… Wala naman kaming problema sayo.” sagot nang babae na halos kaedaran ko lang na nakasuot ng sobrang iksing short na akala mo ay papasok sa bar bilang dancer.

“Sis! Anong wala?! Tignan mo nga siya! Ayos pa lang ng pananamit niya ay mukha na siyang wanted!” sagot naman ng isang babae sa kasama niya na mukhang sinapak ang labi dahil sa labis na pamumula nito dala ng makapal na lipstick sa labi.

Tinignan ko lang sila nang masama at minabuti na umuwi na lang sa bahay dahil alam ko naman na nasaakin pa rin ang huling halakhak. Wala naman siyang binatbat eh. Sobrang dali niyang patumbahin. Walang kwenta.

Sa paglapit ko sa pintuan ng bahay ko ay napa singkit ako ng aking mga mata nang mapansin ko na bahagya itong nakaawang. Agad kong hinawakan ang hunting knife na nakatago sa loob ng damit ko bago ko tuluyang buksan ang pintuan ng bahay na tinutuluyan ko.

Pumasok ako ng tahimik sa loob ng bahay upang hindi mapansin ng kung sino man na nasa loob nito ang pag dating ko. Minabuti ko rin na hindi buksan ang ilaw upang mas madali ko siyang maatake lalo pa at sanay akong umatake ng walang ingay.

“Ang tagal mo” nabigla naman ako nang marinig ko ang boses niya na nasa likuran ko. “Saan ka ba nanggaling? Bakit ngayon ka lang?” dagdag niya pa. Napangisi naman ako dahil sa pagbibigla niya sa akin dahil hindi ko inasahan ang pagdating niya.

“Bakit ka napadalaw?” tanong ko sa kanya kasabay nang paglag ko ng hunting knife na hawak hawak ko sa isang malapit na mesa kung saan nakapatong ang flower vase na may lantang bulaklak bago ako humarap sa kanya.

“Masama bang pumunta sa dati kong bahay?”

“Sagutin mo na lang ang tanong ko.” bahagya ko naman narinig ang maamo niyang pag tawa dahil sa sinabi ko.

“Gusto ko lang mangumusta, alam ko na nasiyahan ka sa nangyari, tama ba?” tanong niya sa akin dahil sa matagumpay na plano namin. Hindi ko inaasahan na ganoon ang kalalabasan ng plano naming kaya naman labis ang pagkagalak ko.

“Oo. Lalo pang napaganda at pinangatawanan talaga ni Venice ang pag arte niya.”

“Sobrang epektibo talaga ang pag text natin sa kanya. Nakakatawa lang talaga. Kung noong una pa lang sana ay ang mga mahal na nila ang inatake natin, baka sakaling patay na silang lahat.”

The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon