Third person's POV
Halos isang linggong hindi iniimik ni Shane si Mich mula nang malaman niyang may relasyon ang kaibigan niya kay Regie, hanggang sa mangyari ang hindi inaasahang pagkakataon ni Mich.
Nasa library palang si Mich nang pauwi na si Shane sa boarding house nila ngunit nang pasakay na siya sa taxi ay may kaclassmate silang nakaagaw niya sa taxi.
"Kuya! Sa St. Joseph Hospital po!" Tugon ni Sandra ang kaclassmate nila Shane at Mich
"Teka..nauna ako!" Angal naman ni Shane kay Sandra
"Nagmamadali ako" pangatwiran naman ni Sandra ,"nadisgrasya ang kapatid ko..kaya kailangan kong pumunta na ng hospital!" Pag-aalalang pakiusap niya pa kay Shane
"Teka..St. Joseph Hospital binanggit mo di ba?"Tanong ni Shane na agad namang tumango si Sandra bilang pagsagot ng oo. "Kung ganun .. magsabay na lang tayo!madadaanan ko yan eh,papunta sa boarding house.." tuloy pa ni Shane.. "ah kuya,sabay na lang po kami!" Tugon ni Shane sa taxi driver na agad naman silang pinayagan.
Sa hospital .. nagmamadaling bumaba si Sandra dahilan para maiwan niya ang kanyang hawak hawak kaninang aklat,dahilan din upang mapansin ito ni Shane. Buti na lang hindi pa sila nakakaalis ng taxi driver kaya nakiusap siya sa driver na iabot lang niya saglit ang aklat kay Sandra at agad naman siyang pinayagan..
Naiabot na ni Shane kay Sandra ang aklat sa loob ng hospital at nang palabas na s'ya ng hospital ay bigla niyang napansin si Regie na parating kaya nagtago siya para makaiwas ngunit napansin niya na may nilapitan siyang babaeng buntis...
"Kumusta??kumusta ang magiging anak natin?"Tanong ni Regie sa babaeng buntis na ikinagulat ni Shane dahil malapit lang naman sa kinaroroonan nina Regie at nung babae dun sa pader kung saan sya nagtago kaya narinig niya ito.
"Ok naman daw,hon last month ko na ito for check up..next month isisilang ko na ang baby natin... kaya please magleave ka na muna sa trabaho mo,wala akong kasama sa bahay sa araw na manganganak ako." Paglalambing na pakiusap ni Diana, ang pangalan ng babaeng buntis na kasama ni Regie.
Napapailing na lang si Shane sa gulat dahil sa mga narinig, "Anak...natin!??sino s'ya??"Tanong niya sa kanyang sarili ,"kailangan malaman ito ni Mich!" wika pa niya na halatang disappointed tungkol sa kanyang nalaman.
Mich's POV
Nakauwi na ako sa boarding namin ngunit wala pa si Shane kasi nakalock pa yung pinto .. after ng 5 minutes bago pa ako makapasok sa loob ay dumating na rin si Shane..
"Mich!!" Tawag niya sa akin kasabay nito ang pagmamadali niyang paglapit sa akin dahilan para mapalingon ako sa kanya.
"ba-bakit??"utal kong tanong
"Mag-usap tayo.." tugon ni Shane dahilan para magtaka ako ngunit masaya ang ako dahil after one week kinausap na niya ako
"tungkol saan!?" Tanong ko baka mali ang ini-expect ko na makikipagbati sa akin ,na handa na niya akong suportahan sa relasyon namin ni Regie..
"Gaano mo maipagmamalaki sa akin na si Regie na hinding hindi ka niya sasaktan??" Seryosong tanong niya sa akin.. ngayon ay nasa loob na kami ng boarding house. Nakaupo ako sa may sala/kusina samantalang siya nakatayo sa pintuan at nakacrossed arms na nakatingin sa akin ng seryoso.
"Higit pa sa kung gaano mo ipagmalaki sa akin si Jameson..Dahil kaya niyang ipaglaban ako sa mga taong gustong tumutol sa pag-iibigan namin!" Matapang kong sagot,dahilan para tawanan niya ako,para san ba ang pag-uusap naming ito??Bakit niya ako tinawanan?Sabi ko na nga ba eh,mali ang inexpect ko.

BINABASA MO ANG
Fall Again
Teen FictionIto'y kwento ng isang babaeng umibig kahit ilang ulit man siyang nabigo,nasaktan,lumuha ay hindi pa rin siya tumigil umibig hangga't hindi niya nahahanap ang lalaking magmamahal sa kanya ng buong buo..ang lalaking hindi s'ya sasaktan at papaluhain...