抖阴社区

First Chapter

315 14 0
                                    

"Alisssssss!!! Gising na malalate ka nanaman niyan!" Sigaw ni Tita.

"Opo! Pababa na" Sagot ko.

Tamang tama naman pag baba ko, nakasalubong ko tong pinsan kong laging galit sa mundo nakasalubong nanaman ang nakakapal na kilay. Pero wag ka yun nagdadala ng kagwapuhan niya yun nga lang napakasungit may galit ata sa magagandang tulad ko hehehe.

"Anong tinitingin-tingin mo diyan!?" Sabi niya na nagpabalik sa wisyo ko.

"Ang sungit mo kasi lagi sakin" Sagot ko.
Pero inirapan lang naman ako dukutin ko kaya tong eyeballs nya -_-.

Baka makalimutan ko ako lang naman ang Diyosa sa balat ng tupa esti lupa. Walang iba kundi si ALIESHA L. SAMONTE 17 YEARS OF AGE, NAKATIRA SA BAHAY MALAMANG😅 hehehe Joki joki nakatira lang naman sa Sitio Mapanghi zone 69! At naniniwala sa isang kasabihang, Aanhin mo ang kagandahan kung utak mo bulate ang laman! And I Thank you (>.<)

Nakatira pala ako dito sa tita ko since iniwan ako ni mama tapos matagal na din namang patay yung papa ko sabi ni tita kaya sila nalang kumopkop sakin wala din naman daw silang anak na babae. Yun ngalang may anak na lalaking sobrang sungit siya lang namn si Elija "Elie" S. Montenegro. Mas matanda lang siya sakin ng isang taon pero ubod talaga ng sungit.

Kroo kroo kroo. Ring tone ko yan wag kang ano. -,- may tumatawag sakin pagtingin ko

"pangit calling..."

"Hello? Anong kailangan mo pangit?" Sagot ko. Tinawanan lng ako ng qaqo

"Sabay na tayo pumasok susunduin nalang kita diyan. Bye love you" Sabi niya. nang biglang pinatay bastos talaga nitong pangit pero di ko ma explain yung pakiramdam ng marinig ko yung sinabi niya lakas maka pvt*
Pero sanay na din naman na ko sa kabaliwan niya kaya yaan na.

Ilang sandali palang may bumusina na sa labas kaya agad agad na kong bumaba tama naman at nakasandal siya sa kotse niya.

Edi siya na may kotse -__-.

"You look gorgeous everyday" Sabi niya.

"Gorgeous ka diyan e kung sapakin kita?" Naiinis kong sabi. Tumawa lang naman ang kumag sabog ata

Tahimik lng yung biyahe namin papuntang school sa St. Mary Academy. Btw, siya pala si Keian Levis Morales best friend ko since Grade 1 naalala ko pa panu kami naging magkaibigan nun.

Flashback..
"Aray tama na tigilan niyo na!" Umiiyak kong sigaw.

"Hahahaha tama lang sayo yan ayaw mo kasi ibigay baon mo e" Nakatawa nilang sagot.

"Hoyyyy!! Tigilan niya nga si alis sapakin ko kayo, gusto niyo?!" Galit na sigaw namn nitong lalaking di ko kilala

"Bat ka naman nakiki alam ha!?" Sabi ng isa sa mga nagpaiyak sakin.

"Best friend niya bakit!?" Sabay sugod sa tatlong bully. Na agad namang nagsi takbuhan.

"Oh tahan na, wala na sila wag ka ng umiyak jan. Ito panyo oh" Sabay abot sakin.

"S-salamat s-sa p-pagliligtas sakin" Sabi ko.

"Wala yun, simula ngayun, best friend na tayo ah?" Saad niya

"Sige. Pero ano palang pangalan mo?" Tanong ko.

"Ako si Keian Levis Morales, ikaw?" Sabi niya.

"Ako si Aliesha L. Samonte" Nakangiti kong sagot. Kaya simula nun naging matalik kaming kaibigan.

End of flashback..


Alis POV
"Ako na magdadala niyang bag mo pangit" Alok nitong kumag.

"Ako na kaya ko naman e"

Pero kinuha niya sakin kaya hinayaan ko nalang. Naglalakad kami papasok ng room kasi magkaklase naman kami kaya yun, unang klase palang ang boring kasi puro pagpapakilala lang naman AKO SI BLABLABLABLABLA.......

Nang matapos ang klase, kaniya kaniya kami puntang Cafeteria para bumili ng pagkain kaso biglang nawala ang kumag

"sinong hinahanap mo?"

"Ayy gwapong gagu" bigla kong sigaw sa gulat. Sabay hampas sa braso niya.

"Ano bang ginagawa mo diyan!?" Tanong ko.

"Syempre surprise, wag ka ng makipila diyan meron na ko dito."

"Naks, ang dali mo namang nakapila parang kanina nasa classroom ka pa ah."

"Syempre, anggwapo ng bestfriend mo, alangan namang di sila tatablan ng charm ko? Ikaw lng naman yung sobrang manhid"

Rinig kong pagsasalita niya kaso di ko naklaro yung huli nyang sinabi. Humina eh

"Ano sabi mo?"

"Wala, tara na nga" sabay akbay sakin hyss minsan nakakainis tong si Levis pero siguro pag maghihiwalay kami, mamimiss ko pa din siya hys.

Naghahanap kami ng makakainan kasi naman puno na ang cafeteria wala na kaming ma p'pwestuhan. Nang makakita kami ng puno sa likod ng school banda, dun nalang kami kumain sariwa kasi ng hangin saka wala masyadong estudyante kaya magandang tambayan. Nang matapos kaming kumain nitong kumag, balik na kami sa classroom at hinintay yung susunod na subject teacher.

Nang makarating ang susunod na magtuturo, bigla nanaman akong inaantok nang marinig ang discussion niya. Panu ba naman kasi, halos lahat ng tinuro niya, napag aralan ko na nung bakasyon. Kung di nga lang siguro dahil kay Levis, wala akong kaibigan at puno pa din ako ng mga nangbubully. Nerd ako kung tawagin, may makakapal na lente, di marunong mag make up, lipstick o ano pang pag aayos. Suklay at pabango lng gamig ko sa araw araw kaya talagang target lagi ng bullies.

"Huy, makinig ka nga ng mabuti diyan baka pagalitan ka niyan e" Sabi ni Levis

"Tinatamad kasi akong makinig e kasi alam ko na lahat yan. Matutulog nalang ako" Sabi ko naman.

Matutulog nalang ako........

"Ms. Samonte!!! MS. SAMONTEEEE!!" Sigaw ni ma'am. Naku! Lagot

"Ma'am?"

"Get out of my class now!, you're not listening while I'm talking here so you better to go outside!"

Wala nakong magawa kundi lumabas. Tinignan ko si Levis naka tingin din sakin at nag aalala. Wala akong magawa kundi lumabas ng di alam kung san pupunta. Baka iniisip nyo pag nerd, puro pag aaral at takot mapagalitan ah? Hahaha well, nerd but messy ako, yung tipong mahilig naman mag aral, pero sadyang tamad.

Di ko namalayan andito na pala ako sa pinagka inan namin kanina. Siguro dito nalang ako tatambay hanggang matapos yung klase. Maganda ditong tambayan para makapag isip, study o gustong mapag isa, medyo tago kasi saka may malaking puno pati na ang mala harden nitong anyo na puno ng magagandang bulaklak.

May narinig akong kaloskos sa damo. Natakot ako baka ahas, nang may biglang may sumabit sa leeg ko!!!!

"Waaaaaaaah deputangenersss!!!" Sigaw ko habang nag papanic nang tignan ko sa taas, may tatlong lalaki na tumatawa at mukhang tuwang tuwa sa kanilang ginawa.

"Hahaha tingnan mo yung reaction niya, nakakatawa " sabi ng isang singkit jusko kung di lang kyot mata nito.

"ANONG GINAGAWA NIYO DIYAN!? LAKAS NG TRIP NIYO AH!" Galit kong sigaw.

"Don't be mad baby nerdy, you're so cute when you are shouting" Sabi nung isa pero inperniszzz ang gwapo nila. Hehehe

Pero yung isa tahimik lang na naktingin samin hmm...

The Three Bullies And MeWhere stories live. Discover now