抖阴社区

Chapter 30: Special Elimination

642 15 8
                                        

Inertia's POV

Sa pagmulat ng aking mata ang una kong nakita ay ang mukha ni Heira na alalang-alala. Bakit sila nandito?

Nakahiga ako sa isang hospital bed at tinatangay ng hangin sa isang direksyon ang aking buhok.

Iginala ko ang aking paningin at nakita na nasa loob kami ng isang chopper at nasa magkabilang gilid ko ang aking mga kaibigan.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at doon lamang napansin ang sakit ng buong katawan pati ang pagkahilo. Hinawakan ko ang aking sentido at minasahe ito.

Natatandaan ko ang ginawang paghampas ng isang bakal sa aking ulo, marahil dahilan kung bakit ako nahihilo.

Nakita ko rin sa ibang sulok ang masasamang tingin ng ilan sa mga taong nakalaban namin kanina. Bakit nandito sila?

"Anong nangyayari?" tanong ko sa aking mga kaibigan.

Mabilis na hinawakan ang aking kamay ni Yvanna habang ang luha ay walanghiyang namalisbis mula sa kanyang mga mata hanggang pisngi.

"A-are you okay?" tanong ni Yvanna sa akin.

Hindi pa rin maayos ang aking pakiramdam at ang aking lakas ay hindi pa rin bumabalik ngunit hindi ko iyon sasabihin sa kanya.

"Yes." sabi ko.

Malabo pa rin ang aking paningin at nakakatakot gumalaw dahil baka kumirot ang aking mga sugat ngunit hindi nakaligtas sa akin ang pag-aalala na dumaan sa kanyang mukha.

"Bakit kayo nandito?" I asked them.

Nakita ko kung paano nagpalitan ng tingin ang dalawang babae ngunit nanatiling tikom ang mga bibig.

Bakit kailangan pa nilang umalis sa lugar kung saan sila ligtas? Bahagyang uminit ang aking ulo. Kahit kailan ay hindi sila marunong makinig at gagawin nila ang kanilang kagustuhan!

"Shut up and just rest." si Jett ang nagsalita.

Kung wala lamang akong mga sugat ay nabigwasan ko na sya. Kahit na ganyan ang aking pinsan ay natutuwa ako at buhay sya kaya naman dapat ay nanatili na lamang sila sa loob ng safezone.

Kumunot ang aking noo nang may mapagtanto. Base sa aking kaalaman ay hindi na maaaring makalabas sa safezone kung nakapasok ka na rito kaya naman nang dalhin ko sila doon ay kampante akong magiging ligtas na nga sila.

Hindi ba nila alam na sa kanilang ginawa ay sila mismo ang sumira ng aking pangako? Parang nawalan ng saysay ang lahat ng aking ginawa para lamang iligtas sila.

Tahimik silang lahat pagkatapos magsalita ni Jett at tanging ingay lamang ng elisi ng aming sinasakyan at ng pagdadaldalan ng ibang mga taong kasama ang aking naririnig.

Tumayo ako mula sa kamang kinahihigaan. Nakita ko ang gulat sa mga mata ng aking mga kaibigan lalo na si Yvanna at Heira ngunit hindi ko iyon pinansin. Ano ang ginagawa namin sa chopper na ito at ano nanaman ba ang pakulo ng paaralang ito?

"Passengers please stand by. We have safely arrived at our destination." anunsyo sa buong chopper.

Nasaan ba talaga kami?

Habang nakatayo ay hindi ko maramdaman ang pagbaba ng aming sinasakyan. Kakaiba ang sasakyang ito bukod sa napakalaki nito ay aakalain mong nasa loob kami ng isang SciFi movie dahil napakamakabago ng istruktura tila hango sa hinaharap.

Ilang sandali lamang ay nagulat na lamang kaming lahat at nakatapak na kami sa lupa; walang kahit na anong bakas ng sinakyang chopper.

Bago pa may isang makapagtanong ay isang malakas na tunog ang narinig sa buong field tila kawangis ng nakakakilabot na tunog na aming narinig bago magsimula ang Initiation Games.

Empire University: Chaos Year (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon