"Merry Christmas!" malakas na sigaw ni Trinity nang makapasok siya sa restaurant na nirentahan nilang magkakaibigan para ganapin ang early Christmas party nila. She raised the wine she brought then on the other hand, she's holding a huge bag full of gifts for the kids.
Nang makita kagad ng mga bata ang dala niyang mga regalo ay nagtakbuhan ang mga ito sakanya.
"Tita Trinity, saan jan gift ko? Dapat maganda ha tulad ko?" sabi ni Bree sakanya, ang anak ni Kata at Lance.
She laughed and ruffled the little girl's hair. She looked at the kids and took away all the gifts. "Mamaya na ang gift giving, pakainin niyo muna si Tita Trinity."
Inabot niya kina Travis and Aquish ang mga regalo at ang mga ito na ang nagtago ng mga iyon. Dumiretso siya sa may lamesa at naupo sa tabi ni Cassidy.
"Kumain ka na diyan. Na-late ka nanaman," sabi sakanya ng kaibigan.
Natawa siya at sumandok na sa pagkaing nasa harap niya. "Eh marami kasing pinatulong si Mommy sa'kin para sa gift-giving nila mamaya sa orphanage."
Naagaw ang mga atensyon nila nang magsigawan ang mga bata. Naghahabulan ang mga ito at taya si Newton, ang pangalawang anak nina Arki at Generose. Hindi niya alam na napatagal na pala ang tingin niya sa mga bata at hindi niya napansin ang pag-lapag ni Brooke ng isang platito ng cake sa harap niya.
"Pumayag ka na kasi makipag-date sa pinsan ni Aquish."
She rolled her eyes at her friend's suggestion. Ilang buwan na rin siya kinukulit ng mga ito na makipag-date na sa ibang lalaki na lagi lang naman niya dinadaan sa tawa dahil ayaw din naman niya makipag-date. Masaya siya sa buhay niya ngayon, hindi naman niya kailanganang-kailangan na may lalaki sa buhay niya.
"Tigilan niyo nga ako."
Sumandal naman si Kata sa edge ng lamesa at sumali sa usapan nila. "Kung ayaw mo mag-asawa, magpabuntis ka nalang hangga't 'di pa expired iyang mga egg cells at matres mo."
She laughed and threw a small piece of bread at Kata's direction. "Ang baliw mo talaga."
Kata laughed and shrugged her shoulders. Si Gift naman ay bigla nalang din sumingit at nagpatahimik sa kanilang lahat.
"You're just waiting for Henderson to come back, aren't you?"
Iba talaga si Gift, she really has that power to shut everyone up with her words. Jinny laughed, a forced laugh just to lighten up the mood again. "Huwag ka na umepal, Gift. Panira ka eh."
Gift just flipped her hair and walked towards the guys who are all playing with the kids. She sighed and gave an assuring smile to the girls.
Past eight na ng gabi natapos ang party nila pero ayaw pa niya umuwi kaya naman ay nagpunta muna siya sa isang mall at nag-ikot at namili ng ilang damit at sapatos na nagustuhan niya. Since Christmas season na, late nagsasara ang mga malls kaya pasado alas onse na ng gabi siya nakauwi sa bahay nila.
Pagpasok niya ay tahimik na ang buong bahay, marahil ay tulog na ang parents niya. Nilapag niya muna sa living room ang mga pinamili niya at dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig. Pagbukas niya ng ilaw ay napasigaw siya nang makita ang lalaking hindi niya inaasahang babalik pa.
"Philip.. wha- what are you doing here?" she exhaled as she really can't believe who's in front of her.
Philip stood up from the dining chair and that's when she noticed the foods prepared on their dining table and a candle at the center. She walked slowly while looking at what's going on. Bakit nandito si Philip? Kasama kaya nito si Dino? Paano si Harriet? Maraming tanong sa utak niya pero isang tanong lang ang naitanong niya.

BINABASA MO ANG
ZWCS#9: Playing with Fire
General Fiction"Fear the cold and crave the burn." - Pinterest ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDara. ZWCS#9: Playing with Fire -Trinity Isla Vasquez