Ngayon ay ang pangalawang araw ng Intrams, January 7. Kakatapos palang ng Winter Break. At lahat ay kakaangon palang sa realidad na mawawala na ang oras ng pagpupuyat o pagtutulog ng mga mahahabang oras. Ito na din ang oras ng Fourth Quarter, kung saan ang lahat ng grade six na estudyante ay makakaharap sa mga mahihirap na proyekto at nakakalitong subjects.
Pero ngayon ay lahat sila ay nakaupo sa mga bleachers kung saan si Aiannah ay bitbit ang kanyang bag na punong-puno ng kanyang markers at kanyang notebook, alam niya na wala siyang magagawa buong araw kundi manood sa mga naglalaro. Sinubukan niyang mag-scrabble, pero hindi siya nag-tagumpay sa pakikipag-compete nung eliminations. Ang magagawa niya lang ay mag-cheer.
Nang siya ay naiinip na magmasid ay may tumawag sakanyang pangalan. "Aiannah! Nandyan ka pala!" Tumingin siya sa direksyon ng katabi niya at nakita ang kanyang mga kaibigan na si Nica, si Thea at si Clarisse. "Uyyy, hey guyss."
Pagkalipas ng ilang laro ay sila ding lahat ay nainip at naubusan ng paguusapan. "Gawa tayo ng poems, Aiannah dala mo naman ang notebook mo diba?" Tumango siya at binuksan ang kanyang bag para maibigay sakanya ang kanyang kuwaderno. "Magsulat lang kayo sa likod."
Dumating na din ang iisa sa mga intense na laro tuwing mga intrams - basketball. Dito lahat ay nanonood at naghihiyawan ng sayawan kapag nanalo ang kanilang team. Dito lumalabas ang mga yell at mga cheer at saan lahat ay nagdadasal na manalo.
Pagkatapos ng Red vs. Blue ay nanalo din ang Blue Team. Nang naglinyahan ang mga Green at Yellow players ay napansin ni Sir Jeff na kulang sa yellow. "Nasaan yung isa niyo pang player?" Ang malabong pagsalita ni sir, malayo nga naman sila kaya kaunti ay hindi nila maintindihan kung anung nangyayare. "Ah, siya ba yung nagkasakit? Kuha nalang ako ng substitute."
Naglakad papunta si sir sa bleachers ng yellow team at tumingin sa mga lalake. "Saavedra, ikaw nalang ang maging substitute para dun sa nagkasakit na player."
"Pero Sir wala po akong tamang attire at di rin po ako nakapag-practice" Nag-alinlangan naman yung lokong yun. Pero hinikayat ni Sir na maglaro si Daryll. "Okay lang yan, may extra na damit na dala yung isang player, tsaka magaling ka naman. May kinuha na akong taga-blue team para sa scoring nila" Kaya sa katapusan ay napasama na din siya sa basketball.
Nagsimula na ang laro pero wala pa ang isang minuto ay todo cheer na ang mga nasa bleachers kaya kung may pumasok man sa gym ay talagang mararamdaman nila na mabibingi sila.
Naging matindi ang labanan lalo na't nakasama sa yellow team si Daryll kaya mas naging magaling ang Yellow Team at ngayon ay medyo kinakabahan ang Green Team dahil alam ng mga ibang Grade 6 na magaling talaga siya sa Basketball. Mula bata niya pa 'tong nilalaro at bihira lang siya kung talunin. Mas lalo namang umingay nang si Ford ang may hawak ng bola, sinubukan itong agawin ng kalaban ngunit mautak din ang Yellow Team kaya't walang kahirap-hirap na nai-shoot rin nila to.
3-5 na ang iskor nila. 3 sa Green at 5 naman sa Yellow. Nag-patuloy ang labanan at sa di maintindihang dahilan ay andaming sumisigaw at tumitili kapag si Arvin, Ford o si Daryll ang may hawak ng bola o kung sila rin ang makakapuntos.
16-19 na ang score ngunit sa kalagitnaan ng laban ay biglang may bumagsak na player at yun ay si Mark. Pinasahan siya ng bola pero sadyang ang lakas mambato ng player na yun kaya di niya kinaya. "Ang unang bagsak ng Green team!" ang malakas na sabi ni Ma'am Cherry sa Mic. Ang lahat ay nagulat din dahil ang ganda na ng laban ngunit may isang player na bumagsak. Ang buong Green Team ay nag-alala dahil nasaktan ang isang player nila ngunit bigla ring natuwa dahil nalaman nila na may isa pa palang magaling na mag-laro sa Team nila at yun naman ay si Troy. Sa una ay na-bigla siya nang maalala niya na substitute player pala siya kaya wala na siyang magawa.

YOU ARE READING
"Intrams"
Short StoryA One-Shot written/typed by me and @aalehyn Sana magustohan niyo po!