抖阴社区

Chapter 22

3.6K 101 28
                                        

Chapter 22
Satya Catherine Tanchingco POV:

Medyo okay na rin ako kahit papaano, at nakakatuwa kasi nandyan ang mga kaibigan ko para suportahan ako.

Dalawang linggo na ang nakalipas at wala na akong communication at talagang hindi ko na makausap si LJ. When I message him on his Facebook account, he just blocked me. Parang napakadali sa kanya na kalimutan ang pinagsamahan namin.

I always got an update kay LJ mula kay Venice. She told me na, madali na raw ito mainis sa'ming mga tropa at hindi na raw talaga nito ako mapapatawad. Masakit, pero kailangan tanggapin. Si Paula naman, ang kasama ko t'wing may check up ako rito sa hospital. Si Karl, siya naman ang panay asikaso sa'kin at sa mga kailangan namin ng anak ko. Mas naging ka-close ko si Karl kasi sa same unit kami na-assign. T'wing break namin, he always give me many foods. Alam niya rin ang pinaglilihian kong pagkain.

Hindi man ako pinalad na magka-ayos kami ni LJ, naging maswerte naman ako sa tatlo kong kasama ngayon.

At maswerte pa rin ako dahil sa kabila ng sitwasyon ko ngayon ay pinayagan nila akong ipagpatuloy ang aking internship dito sa ospital, kahit na marami akong dapat na asikasuhin dahil dito. Buti nga at nadaan sila sa paki-usap. Isa pa, ayokong tumigil. Kaya ko naman tapusin ito eh kahit na nagdadalang tao ako.

"Lumalaki na 'yung tiyan ko. Ano kaya gender ng anak ko?" Nakangiting sabi ko. Napatingin naman sa'kin si Karl at lumapit sa'kin.
"Alam mo, kahit babae man 'yan o lalaki anak mo, panigurado sa'yo magmamana 'yan."

" 'Di natin masabi..."

"Magmamana 'yan sayo. Ikaw na, maganda, mabait, masipag, at matalino." Nakangiting sabi niya sa'kin at ginulo-gulo ang buhok ko.

Oo nga pala, nagpagupit na rin ako ng buhok ko. Kaya maiksi na ito ngayon.

"Nagugutom ba si Buntis? Gusto mo ba ng pagkain? O ng berries?"

"Mamaya na lang, Karl." Sabi ko.

Nagpaalam siya sa'kin na babalik siya sa ginagawa niya. Pero bago siya bumalik sa ginagawa niya, may inabot siyang papel sa'kin. Since that day at bumalik ako rito sa hospital, palagi niya 'tong ginagawa. I really keep them, kasi ako yung tipo ng tao na nagtatago at inaalagaan ng mga letters na binibigay sa'kin.

Nabuntis Ako ng Beki?! (LGBT Story #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon