抖阴社区

Chapter 20: CLOSER

3.7K 59 0
                                        


LIMARIO's POV

"Chu, nasan si Nini?" Tanong ko. Nandito kasi ako ngayon sa kusina kumakain ng agahan. Pag gising ko kasi pinuntahan ko si Nini sa kwarto pero wala sya don.

"Umalis." Sagot ni Chu habang kumakain kaharap ko.

"Saan pumunta? Ang aga naman yata?" Tanong ko.

"Sa GYE. May meeting daw kasama si President Yan." Sagot nya.

"Bakit sya lang? Kala ko ba grupo tayo?" Tanong ko.

"Hindi siguro tungkol satin yun." Sabi nya na parang walang pakialam.

"Saka ayoko nga nakikipag meeting sakanila. Ang seseryoso kasi e. Di bagay sa ugali ko." Dagdag nya pa at kumain na ulit.

"Kumakain na kayo, di nyo man lang ako inantay." Walang ganang sabi ni Chaeyoung pag lapit samin.

"Tagal mo gumising e." Sabi ko.

"Saan si Jennie unnie?" Tanong nya habang nag sasandok ng kanin.

"Nasa GYE." Sagot ni Chu.

"Ah, edi kayong dalawa lang pala maiiwan dito ngayon." Sabi ni Chaeyoung.

"Bakit?" Tanong ko.

"Aalis din ako. Pupuntahan ko si Unnie sa apartment. Kakamustahin ko baka kasi kung ano anong kalokohan na pinag gagagawa." Paliwanag nya at naupo sa tabi ko.

"Samahan na kita?" Tanong ko. Naiinis kasi ako dun sa Alice dahil gusto nya si Nini.

"Okay lang ako. Kaya ko naman. Si Chichu unnie nalang ang samahan mo." Sabi nya.

"Bakit? Saan ka pupunta Chu?" Tanong ko.

"Bibisita din ako sa bahay kasi namimiss ko na si Mama." Sagot nya.

"Kung ganon pala ako lang maiiwan dito." Pagbibiro ko.

"Hindi mo man lang ako tatanungin kung sasamahan mo ko?" Tampo nyang sabi.

"Hahaha. Ayoko nga. Tinatamad ako." Pang aasar ko.

"Pero pag si Chaengie, sasamahan mo. Ayshu!" Sabi nya na halatang nag tatampo.


"Oo na. Oo na. Sasamahan na kita." Natatawang sabi ko.

"Ayaw ko na." Sabi nya. Tumayo naman ako at lumipat sa tabi nya. Natatawa lang samin si Chaeyoung.

"Di ka mabiro." Sabi ko at hinawakan yung mag kabilang pisngi nya.

"Sasamahan kana nga ang arte arte mo pa." Tapos nilamutak ko yung pisngi nya.

"Aarrghhh!" Inis na sabi nya. Kaya lumayo ako kasi mukhang mang hahampas sya.

"Limarioooo! Isip bata ka talagaaa." Sabi nya na naiinis sakin. Tinawanan ko lang sya.

"Hahaha. Sige na Chu, mag aayos na ako. Intayin nalang kita pag tapos ko." Sabi ko at pumasok na sa kwarto.


Naligo na muna ako at nag bihis. Ayan, lumabas nanaman yung kulot kong buhok. Tinuyo ko muna yun at pinlantsa.


"Ayan, mukha ka ng tao ulit." Napatingin naman ako sa pinto.

"Kanina kapa dyan Chaeyoung ah?" Gulat na tanong ko.


"Naabutan ko pa yung curly hair mo." Sabi nya at naupo sa sofa. Naka upo naman ako sa kama habang nakatingin sa salamin sa gilid.

"Cute naman ah? Bakit pinaplantsa mo pa?" Tanong nya.

I see you see me (JENLISA fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon